HANDA na ang pagkain na niluto ko sa hapag-kainan. Nakaka-amaze na punung-puno ng laman ang ref ng mga ingredients sa pagluluto. Kahit yata isang buwan na mag-stay kami ay sasapat pa rin kung dalawa lang naman kami. Isang buwan? Posible bang may ganoon? Inaabot ng isang buwan ang honeymoon? Tinanggal ko ang belo sa ulo kanina bago magluto. Hindi naman siguro ‘yon isyu kay Jax. Hindi ko pa rin naman nilalabag ang batas niyang huwag hubarin ang wedding dress na suot ko. Hindi naman mainit dahil naka-airconditioner ang buong bahay kaya komportable pa rin ako kahit suot ko ‘yon habang nagluluto. I made a crab and corn soup and pork steak. Nagbalat at hiniwa ko into pieces ang saging, mansanas at pakwan as dessert. Luminga ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ang bulto ni Jax pero wala.

