LAKING gulat ko nang salubungin ako ng mga staff ng hotel sa mismong pagbaba ko pa lang ng kotse. Hindi na ako nagdala ng sarili kong sasakyan dahil may nakalaang driver na maghahatid naman sa akin. Mismong si Dad Jose ang nagbilin niyon sa akin kaya hindi na ako nakatanggi pa. Present din ang mapagkakatiwalaan kong staff na si Jerald at si Andrew na abot taenga ang ngiti. Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit niyakap niya lang ako. “Welcome back, ate,” anito saka ako inalalayan na pumasok sa loob ng opisina ko. “Akala ko matatagalan ka pa bago bumalik.” Tila may kahulugan ang sinabi nito. “Parang ayaw mo na yata ako bumalik, ‘lil bro? Bakit? Magkasundo na ba kayo ngayon ni Jerald?” Nagkatinginan ang dalawa saka sabay pang ngumiti. “Maam, madali pong makasunod si Sir Andrew kaya hindi

