NAGISING ako dahil sa mainit na hanging tumatama sa leeg ko. Hindi ko na maalala kung anong oras na naman ako muling nakatulog dahil sa mainit na tagpong pinagsaluhan namin ni Jax. Ilang beses din namin pinagsawa ang mga sarili namin bago tuluyang hilahin kami ng antok. Marahan kong kinusot ang mata ko. Kalat na ang liwanag sa buong paligid. Anong oras na kaya? Nakagat ko ang ibabang labi ko. Unti-unti na kasing bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari. Walang pag-alinlangang inalay at ibinigay ko na kay Jax ang lahat-lahat sa akin. Wala na akong maipagmamalaki dahil nakuha na niya ang pinakaiingatan kong pagkabirhen. Subalit hindi man lang ako nakaramdam ng lungkot. Instead, my heart is happy. Wala pa akong ibang lalaki na inasam kong makasama. Walang ibang lalaki ang naging laman ng i

