KABANATA 12

1353 Words
“AH…” Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa malakas na ungol na pinakawalan ko. Ayaw tantanan ni Jax ang paghalik at pagsipsip sa ibabang bahagi ng katawan ko hangga’t hindi siya nakukuntento. Kahit na nasubunutan ko na siya ay hindi pa rin siya nagpaawat. “Now, you’re clean,” aniya saka lang tumigil. Tumabi sa akin sa kama at nakangiting kinabig ako palapit sa katawan niya. Kapwa pawisan ang katawan namin ngunit niyakap niya pa rin ako kasabay ng pagpatak ng mabining halik sa buhok ko. “Bakit ka nakangiti ng ganyan?” Inirapan ko siya saka umiwas ng tingin. Malinaw pa rin ang imahe niya kanina sa isip ko. “I can’t wait for our upcoming wedding.” “Bakit mo ba ‘to ginagawa? Kung pera lang ang –“ Hinawakan at ibinaling niya ang mukha ko paharap sa kanya saka siniil ng halik. “Bakit ka ba nanghahalik? Kanina ka pa ah.” “Why? You don’t like it?” Lumitaw na naman ang nakakaloko niyang ngiti. “Paano kung sabihin ko sa ‘yo na hindi ‘to tungkol sa pera?” Mahina siyang pumalatak. “Iyan ba ang sinabi sa ‘yo ng dad mo?” Nang hindi ako sumagot ay marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. “Don’t worry, maikasal lang tayo, everything will be settled.” “Okay, then. But I want an annulment after three years.” Seryoso ko siyang tiningnan. “Siguro naman sapat na ang tatlong taon para mapagbayaran ko ang lahat ng pagkakautang namin sa pamilya mo.” “Annulment? Are you serious?” Bigla na lang siyang bumangon at saka isa-isang pinulot ang damit at nagbihis. “Don’t play tricks on me, Madelline Medina. Ako dapat ang gumagawa niyon,” nakangisi niyang wika. Dumilim ang mukha niya. Tila bigla na lamang nagpalit ang anyo niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman siya masisisi. Isa siyang De Guia at hindi iyon pahihintulutan ng daddy niya na mangyari lalo na at anak ako ng matalik na kaibigan nito. Hindi ko rin alam kung bakit pumasok sa isip ko ang bagay na ‘yon. Hindi nga pala basta-basta si Jax na siyang mapapangasawa ko. Mahirap siyang banggain pero paano naman ang buhay ko? Handa ko na bang tanggapin ang kahihinatnan ng kinabukasan pagkatapos kaming makasal? “Get dressed. Ihahatid na kita sa inyo.” Halatang hindi na maganda ang mood ni Jax. “Paano ang dad mo?” “What about my dad?” Nakataas ang isa niyang kilay nang lingunin ako. “A-ang sabi mo ay – “ “Yeah, right. Kakausapin nga pala natin si dad regarding our wedding. Pero parang gusto ko ng pagsisihan ang pagdala ko sa ‘yo rito. Alam mo sa tingin ko, huwag na lang nating ituloy ang kasal. Tutal, gusto mo rin lang naman ng annulment after three years. Sisingilin ko na lang ang dad mo at sasabihin ko sa mommy ang lahat upang hindi ka mahirapang mag-explain sa kanya – “ Sukat sa narinig ay walang babala akong bumangon. “What?!” “What? Why?” Muli na naman siyang pumalatak. “Tulungan mo na lang ang daddy mo na makakuha o makahanap ng pambayad sa lahat ng utang niya then let’s call us even. I’ll give you until tomorrow.” “You’re kidding me – “ “No, I’m not!” makulog ang boses na sabi niya. “Sa tingin mo nagbibiro ako? Hindi lang ikaw ang babae sa mundo, Madelline. I can get what I want kahit ilang daan pang babae at gagawin ko ‘yon dahil wala ng namamagitan sa ating dalawa.” Nanginginig ang buo kong katawan nang pagmasdan ko siyang tumalikod at humakbang patungo sa pinto. Kasunod niyon ay ang malakas na pagkalabog ng pinto. Dahan-dahan akong tumayo saka pinulot ang damit kong nagkalat sa sahig. Isa-isa kong sinuot ‘yon saka humarap sa salamin na nakaharap sa kama. Hindi ko napansin ang malaking salamin kanina dahil natuon ang atensiyon ko kay Jax. Nang matapos akong magbihis ay pinakatitigan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Kanina lang bakas ang tunay na kasiyahan sa mukha ni Jax nang yakapin niya ako at bigla na lang para siyang naging isang beast nang sabihin ko ang tungkol sa annulment. Nanginginig pa rin ako nang pihitin ko ang seradura ng pinto. Hindi ko na alam kung saan nagpunta si Jax. Marahil dala ng bad mood niya ay umalis na lang at iniwan ako. Hindi bale. Tatawag na lang ako ng taxi at sa bahay na lang babayaran. Habang humahakbang ako ay nagmamasid ako sa paligid. Sa laki ng bahay ng De Guia, tiyak na mahirap magkakitaan ang mga tao. O ‘di kaya busy lang ang mga kasama sa bahay kaya wala akong makita. Nakahinga ako ng maluwag nang ilang hakbang na lang ay natunton ko na ang pinto kung saan kami pumasok kanina. “Maddie?” anang boses mula sa likuran ko kaya napahinto ako sa paghakbang. “Ikaw ba ‘yan, Maddie?” Dahan-dahan akong humarap at tumambad sa akin ang lalaking kaedad ni dad na kamukhang-kamukha ni Jax. He must be Jax father. He’s none other that Mr. Jose De Guia. “Ikaw nga ba ‘yan, Maddie?” Lumitaw ang maluwang niyang ngiti saka ako nilapitan. “Oh, my God! Ang laki na ng ipinagbago mo, iha! How’s your dad? B-bakit ka narito? Pinapunta ka ba niya?” Tipid akong ngumiti saka nagmano. Mukhang hinndi aware si Mr. Jose De Guia sa pagpunta ko. Nasaan na ba kasi si Jax para tulungan akong magpaliwanag sa dad niya? “Ah…Sir – “ “She’s with me,” isang maagap na sagot ang sabay naming nilingon ni Mr. Jose De Guia. “Really?” manghang-mangha ang mukha ng dad ni Jax. “Kanina pa kayo dumating? Bakit hindi mo man lang ako sinabihan, son?” “Mr. De Guia – “ “Dad, didn’t I tell you about my plan? But I already change my mind. I’ll give Mr. Lucas until tomorrow – “ “I will marry your son, Sir!” sabad ko. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata ng dad ni Jax habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Humalukipkip si Jax saka umiling-iling. Pinandilatan ko siya ng mata. “Did I hear it right?” nagtatakang tanong ni Mr. Jose De Guia. “You will marry my son?” “Yes. H-he proposed to me first. G-galing po kami sa bahay kanina at ipinagpaalam na po ni Jax ang relasyon namin kay mommy at daddy. N-nandito po ako p-para magpaalam sa inyo – kami ni Jax. N-nais na po namin magpakasal.” Sunud-sunod na napaubo si Mr. Jose De Guia. Halatang nabigla sa nalaman. “Ganoon ba? Bakit hindi natin pag-usapan ang detalye sa garden. Mainam doon at sariwa ang hangin.” Nauna na itong humakbang. Naiwan kaming dalawa ni Jax at hindi na naman maganda ang tingin niya sa akin. “Ano sa tingin mo ang ginawa mo?” nanunubok ang tono ng boses niya. “You know very well na hindi ko na balak pang ituloy ang kasal na pinag-usapan natin. What made you change your mind?” “S-sorry. Hindi ko sinasadyang galitin ka. H-hindi ko lang matanggap na – “ “Ang isang tulad ko ang mapapangasawa ko? Pwede naman ng hindi natin ituloy. Hindi mo na kailangan pang kausapin si dad. Ako na rin mismo ang hihingi ng dispensa sa mommy at sasabihin ko sa kanya ang katotohanan ng pagpapanggap natin kanina.” Nangilid ang luha ko sa mata. Sa isiping malalaman ni mommy ang malaking problema na kinakaharap ni daddy ay tiyak mai-stress ito. Kahit si dad ay tiyak na mamomoroblema kung saan makakauha ng pambayad sa lahat ng pagkakautang sa mga De Guia. “I’m sorry, okay? Hindi ko na ipipilit pa ang annulment na sinabi ko kanina. Ayoko lang – “ “Enough,” sabad ni Jax. “Let’s go. Hinihintay na tayo ni dad.” Tuluyan na siyang tumalikod at hindi na ako pinansin pa. What the heck? What will I do now? F**k!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD