MADDIE ILANG hakbang na lang ay tuluyan na akong makakalayo sa rest house. I’ve already said all my piece but my heart is not yet at ease. Tila bawat paghakbang ko ay bumibigat habang lumalayo ang distansiya ko kay Jax. Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko. Oo, naging malaya nga ako dahil nasabi ko na ang lahat sa kanya. Tinanggap ko na sa sarili ko na hanggang doon na lang ang relasyon naming dalawa. Hndi ko na inisip ang nararamdaman niya dahil ang nag-iisang hangarin ko lang naman ay makasama ko ang anak kong si Maxie. Ngunit sapat ba na dahilan iyon upang kalimutan ko na si Jax? Tama ba ‘tong naging desisyon ko? Tama ba na hindi ko man lang bigyan ng isa pang pagkakataon si Jax? Inamin niyang mahal niya ako hindi lang isang beses. At totoong halos lumundag ang puso ko nang mar

