JAX POV “DAD, where are we going?” tanong ko habang lulan ng sasakyan kasama si dad. Nagkatinginan lamang ito at ang kanyang paboritong driver na siyang naghahatid-sundo sa kanya sa pagpasok sa opisina at pag-uwi. Ginising niya ako ng napakaaga upang isama. “Tinatanong mo pa, eh, alam mo naman na isasama kita sa opisina,” sagot ni dad. “Alam ko naman na naiinip ka na sa bahay lalo pa ngayon na pumunta na ng Amerika si Olivia. Wala ng mangungulit sa ‘yo. Maalala ko nga pala, bakit hindi mo imbitahin si Val na bumisita sa bahay natin? Hindi ba’t ang sabi mo ay malapit mo siyang kaibigan pero hindi mo pa siya pormal na naipapakilala sa akin.” Tumingin ako sa car window. Inabala kong pagmasdan ang mga gusali na nadaraanan namin. “Dad, hindi ko maabala ngayon si Val. Mukhang balak niyang ma

