KAHIT na labag sa kalooban ko ay sinunod ko si mommy. Wala akong ideya sa nangyayari. Bakit naglasing si Jax samantalang nagsabi na ito na uuwi na rin pagkatapos niya akong ihatid sa silid ko? Alangan naman na inaya ang lalaki ni dad eh hindi naman nag-iinom ng alak ang ama ko. Si mommy na kasama kong bumaba ng hagdan ay bigla na lang nawala at hindi ko namalayan kung saan na nagpunta. Patay na ang ilaw sa sala at naiwan lamang sa kusina. Doon ko napagpasyahang dumaan patungo ng garden. Sa gitna ng paghakbang ko ay bigla akong natigilan. May malakas na boses akong narinig. Sinikap kong pakinggan ng mabuti kahit na may kalayuan pa ako sa garden. Sa lakas ng boses ng nag-uusap ay hindi iyon palalampasin ng kahit na sino. “Do you really like my sister so much? Parang ayaw mo ng pakawalan eh

