Chapter 3

1782 Words
PINANDILATAN ako ni Digna. “Ano? H’wag mong sabihin na ngayon ka pa aatras? Nariyan na sa itaas ang customer, naghihintay!” “H-hindi naman, ah…” sagot ko at saka humugot ng hangin. Siguro ay nakita ni Digna ang bumadhang takot sa mukha ko habang papasok kami sa hotel. “Alam mo na ang gagawin mo, Celine. H’wag na h’wag mo akong ipapahiya!” wika niya habang naghihintay kami sa elevator. “Oo, Digna. P-pero… sure ka ba na bata pa nga ang kliyente mo? Thirty years old lang ba kamo?” paninigurado ko. “Oo nga sabi! Aba’t kung nagkataon na matandang gurang na pala, ipapahiya mo ako, ano?” Sumimangot ako. “H-hindi naman!” “Tiyakin mo lang, Celine! Ginusto mo ito kaya panindigan mo! Isipin mo na lang na magkakapera ka agad pagkatapos, nagkakaintindihan ba tayo?” mahigpit na sabi niya bago ako tuluyang sumakay sa elevator. Napakapit ako nang husto sa aking bag nang sumarado na iyon at naiwan ako sa loob. Ito na talaga! Tama si Digna, ginusto ko ito kaya panindigan ko. Namuhunan nga siya para raw walang maireklamo ang kliyente. Dinala niya ako sa dentist kahapon at ipinalinis ang mga ngipin ko. Sinamahan niya rin ako sa spa para magpa-body scrub. Bumukas ang elevator sa 22th floor. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko. Kahapon ay wala pa ito. Relax na relax at ini-enjoy ko pa nga ang mga ginawa sa akin sa spa. Ngayon ay parang gusto ko na ulit pumasok sa elevator at umuwi. Pero sayang naman. Sayang ang pera. Isang gabi para sa isandaang libo. Magagawa ko na ang gusto ko na magtayo ng sarili kong negosyo. Mabilis kong nahanap ang numero ng kwarto. Kinuha ko ang keycard na iniabot sa akin ni Digna kanina at idinikit sa panel. Umilaw ang card reader tanda na na-unlock na ang pinto ng kwarto. Dahan-dahan kong pinihit ang handle saka itinulak ang pinto. Walang ingay akong pumasok habang sa isip ko ay naglalaro ang iba’t ibang tanong. Ano kayang unang gagawin ko? Maghuhubad na ba’ko agad? Ang customer ba ang mauunang humalik sa akin o ako sa kaniya? Ang sabi ni Digna ay maghintay daw ako ng iuutos nito. Siyempre alam nitong wala akong karanasan at hindi alam ang gagawin. Nakakapanood ako ng p*rn movies pero, iba pa rin kapag sa aktwal na. “Tao po?” tawag ko. “G-good evening po!” Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa paghakbang. Lumulubog ang takong ng sandals ko sa brown na carpet. Bukas ang lahat ng ilaw sa modernong kisame ng kwarto. Pati ang air-con ay bukas din at sumusuot sa manipis na dress ko ang lamig noon. Lumakad pa ako papasok. May isang mahabang sofa at babasaging mesita sa bandang kaliwa. May maliit na refrigerator, bilog na mesa at dalawang silya sa kanan. Sa gitna noon ay ang malapad at kulay puting kama. Mariin akong napalunok habang pinagmamasdan ko iyon. Pinalis ko ang takot sa dibdib ko. Walang mangyayari kapag pinairal ko ang takot. Isa pa, narito na ako. Wala nang atrasan ito. Baka magalit pa si Digna sa akin kapag tumakas ako. Maingay pa naman ‘yon kaya malamang na makarating pa ito kay Nanay. Palihim nga ang mga pagkikita namin nitong nakaraang mga araw para walang makakita sa amin na kakilala ko. “Tao po! Sir? Good evening po!” Marahil ay nasa banyo ito. Ano kayang ginagawa niya? Baka naliligo? Hindi ko pala naitanong kay Digna kung kailangan ko bang maligo ulit. Pero siguro naman ay sasabihin iyon sa akin ng kostumer. “Good evening.” Narinig kong bati ng baritonong boses mula sa aking likuran. Awtomatikong lumingon ako upang makita siya. Mistula akong tinamaan ng kidlat nang matagpuan ng mga mata ko si Sir Grant. “I was inside the restroom kaya hindi ko alam na dumating ka na. Kumain ka na ba?” kaswal na tanong niya at naglakad ito patungo sa sofa. Wala sa sariling tumango ako. Hindi ko alam kung namukhaan ako ni Sir Grant dahil minsan lang naman kami nagkaharap sa school. Siguro ay hindi dahil hindi ko iyon makita sa reaksiyon niya. Kahit ang pagkausap niya sa akin ay parang normal lang. O baka nakilala niya ako pero, wala naman siyang pakialam? Professor siya sa school ko, hindi ba dapat ay sitahin niya ako sa ginagawa kong ito? Pero sa isang banda, bakit niya ako sisitahin kung siya nga na mismong professor ay nagbabayad para magkama ng virgin? Akalain mo nga naman! Ang sikat at heartthrob professor ng school namin, collector ng virgin? Ang hirap lang paniwalaan! “Do you want anything? Pwede kang mag-request,” wika ni Sir Grant na pumukaw sa pag-iisip ko. Napahigpit ang hawak ko sa aking bag. “W-wala po…” sagot ko. Hindi ko sigurado kung naninigas ba o nanginginig ang mga binti ko. Ang alam ko lang ay nahihirapan akong gumalaw sa aking kinatatayuan. Umismid siya. “Tatayo ka lang ba riyan buong gabi?” Ikinagulat ko ang tanong niya. Lumunok ako. “S-sorry po… N-nagulat po kasi ako…” Sandali niya akong pinagmasdan na parang iniisip kung ano ang ikinagulat ko. Hindi ba niya talaga ako namumukhaan? Ngumiti siya. “Shall we start?” Parang minamaso ang dibdib ko. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko patungo sa kinaroroonan ni Sir Grant. Inalis ko sa balikat ko ang aking bag at ipinatong sa sofa. Saka ko lang napansin ang itim na coat na nakasampay pala sa sandalan noon. Huminga ako nang malalim at isiniksik sa utak ko kung anong dahilan bakit ako naroon. Hindi ko na inisip na kilala ko ang kliyente. Nilakasan ko ang aking loob at tumingin nang direcho kay Sir Grant. Nakapameywang siya at pinanonood ako. Pakiwari ko ay wala siyang balak na alalayan ako sa kung ano ang dapat gawin. Ako ba ang magpapasimula? Siguro. Pero dapat ay kumilos na ako. Bahala na. Una kong inalis ang aking mga sapatos. Isinunod ko na agad ang aking pulang dress. Ibinababa lang naman ang zipper noon sa tagiliran at makikitid ang mga strap. Madulas ang tela sa katawan kaya madali ko iyong naibaba hanggang sa malaglag sa aking paanan. Nag-init ang mukha ko pero, pinigilan ko ang pag-ahon ng hiya. Simula’t simula ay hindi ako marunong niyan. Walang mangyayari kapag ang tao sobrang mahiyain. Yumuko ako at dinampot ang aking damit sa paanan. Inilagay ko iyon sa sofa. Naka-strapless bra at panty na lang ako. Pag-angat ng tingin ko kay Sir Grant ay nahuli kong pinagmamasdan niya ang katawan ko kasabay nang mahigpit na paglunok. Birhen ako at hindi pa nakaranas na mahalikan man lang ng lalake pero, hindi naman ako ganoon kainosente. Sa parlor ba naman ni Nicole ako lumagi nitong nakaraang dalawang taon? Mas madalas ay mga matrona o kaya ay bading ang mga kliyente na kung mag-usap tungkol sa mga s*x activities nila, parang nanonood na rin ako ng p*rn movies. Hindi pa rin kumikilos si Sir Grant. Nakatingala na ako sa kaniya. Tumingkayad ako upang maabot ng aking mga kamay ang kaniyang batok. Kinabig ko siya at sa sandaling maglapit ang mga mukha namin ay hindi na ako nagdalawang-isip na lapatan siya ng halik sa mga labi. Dinikit ko pa nang husto ang bibig ko sa bibig niya. First kiss ko iyon pero, hindi na masama. Gwapo si Sir Grant at maraming nagkakandarapa sa kaniya. Bonus pa na napakabango niya. Hindi siya tumugon man lang sa halik ko. Mali yata ang intro ko. Binawi ko ang bibig ko at saka inilipat ang mga kamay ko sa unahan ng kaniyang polo shirt. Sinulyapan ko siya. Nakita kong nakasunod ang tingin niya sa galaw ng mga kamay ko. Inisa-isa kong kalasin ang mga butones ng polo niya. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Lalo na’t unti-unti kong nasisilayan ang matipuno niyang dibdib. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang kamay ko. Napahinto ako sa ginagawa habang awang ang mga labing nakatunghay sa kaniya. “You’re shaking. Are you sure about this?” matiim na tanong niya habang tinititigan ako. Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit tinubuan ako ng pagdududa. Pakiramdam ko, hindi kailangang magbayad ni Sir Grant ng malaking halaga para madagdagan ang koleksiyon niya ng mga virgin na babaeng naikama. Sa dami ng estudyante sa school na may gusto sa kaniya, baka may isa o dalawang papayag na sumama sa kaniya kahit saan. “S-sigurado ako. S-saka… b-babayaran mo naman ako, 'di ba?” paninigurado ko pa. Natigilan siya sandali. Nakiraan sa imahe niya ang matinding pagkadismaya bago umismid at ngumisi sa akin. “Of course,” sagot niya na sinabayan ng paggapang ng mga kamay niya sa baywang ko at marahas na pagkabig sa akin. Ramdam ko ang pagbundol sa aking tiyan ng matigas na pagkalalake niya. Siniil niya ako ng halik. Nagulat ako pero, hindi ako nagpakita ng pagprotesta. Kumapit ako sa mga balikat ni Sir Grant. Kusa ko ring ibinukas ang mga labi ko upang mas mapagbuti ang serbisyo sa kaniya. Ang bilin ni Digna, hindi man ako marunong ay maging masunurin lang daw ako. Umakyat ang isa niyang kamay papunta sa batok ko at mahigpit akong hinawakan doon. Pumulupot naman ang isa niyang braso sa katawan ko. Nakakapaso ang init ng braso ni Sir Grant. Nakakalasing ang paraan ng paghalik niya sa akin. Gumapang ang basang labi niya sa panga ko at may mainit na dilang sumuyod sa aking leeg. Hinila niya ang buhok ko upang maitingala pa ako nang husto. Napapikit ako dahil sa kakaibang kiliti na hatid ng paghalik niya sa aking leeg. Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagsinghap. Akala ko ay magtatagal siya roon pero, umakyat muli ang mga labi ni Sir Grant at hinalikan ako. Sa sumunod na sandali ay naging maingay ang paghalik niya. Sinasabayan niya iyon ng ungol at para naman akong inaapuyan.Sinubukan kong tugunin siya sa paraang alam ko pero, bigla siyang huminto. Mistulang naulila ang mga labi ko. Inilayo at binitiwan niya ang katawan ko mula sa kaniya na sobra kong ipinagtaka. Pagtingala ko ay nasalubong ko ang tingin niya sa akin. Namimilog ang mga mata kong tumingin sa kaniya. Ang hirap basahin ng iniisip ni Sir Grant pero, ang sigurado ko lang ay ang nararamdaman ko pagkatapos. Ramdam ko ang paggapang ng init sa aking mukha. Napapalunok ako sa pinagsamang kaba at hiya. Tapos na ba siya? Iyon na ba 'yon o hindi lang niya ako nagustuhan? Paano na’to? Hindi rin ba niya ako babayaran? Sari-sari na ang naiisip ko nang marinig ko ang malakas na tikhim niya. “Get dressed. Mag-uusap tayo,” seryosong wika ni Sir Grant na nagdulot naman ng takot sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD