Chapter 33

1615 Words

“YES, Attorney! Pwede mo nang iuwi ang pinsan mo.” “Thank you, Officer.” Sinibat ako ng tingin ni Matthew. I smirked. Umiling ako at naglakad na palabas ng presinto. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Matthew. Pagdating sa labas ay napahinto ako. Si Celine talaga ang nakita ko kanina. Although she looks different from the last time I saw her, alam ko na siya ‘yon. Dahil kung ibang tao ang nakita ko, hindi siya basta aalis. Hindi siya basta maglalaho. Hindi niya ako pagtataguan. Humugot ako ng hangin at tumingin sa kalangitan ng siyudad na iyon. Cebu. Nandito siya sa Cebu. Sa tagal ng paghahanap ko sa kaniya, nandito lang pala siya. At kung hindi pa ako pinilit ni Kyle na sumama rito, hindi ko malalaman na nandito pala si Celine. “Let’s go.” Narinig kong yaya sa akin ni Matthew.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD