Stephanie's POV
Pagkatapos ng klase namin sa umaga ,pumunta agad kami ni Trina sa karinderya ni Aling Susan.Hindi naman ito malayo sa paaralan kaya pwedeng pwede naming lakarin. Ang karinderya ni Aling Susan ang pinaka paborito naming kinakainan, bukod na sa masarap ay mura pa.
Pagkadating namin sa karinderya, ay wala na ako makita na bakanteng upuan halos mapuno na kasi ang lahat ng mga upuan dahil sa dami ng kumakain ngayon dito, kaya naghintay muna kami ni Trina nang ilang minuto at hindi nagtagal ay mayroon na natapos kumain.Agad kaming nagpunta sa bakanteng upuan at baka maunahan pa kami.
"Aling Susan,ang dami po kumakain ngayon ah".sabi ni Trina sa matandang babae.
"Oh ! Trina, Stephanie, nariyan na pala kayo!.Pasensya na kayo at hindi ko kayo agad naasikaso dahil ang dami ng customer ko ngayon, may ginagawa kasing daan sa kalapit na barrio, kaya maraming tao ngayon dito."ani nito.
"Ah ganon po ba.Aling Susan, isang order po ako ha,alam nyo na po iyon! hehehehe"..ani ni Trina.Alam na niya ang order ni Trina, ito ang ang paborito nitong sinigang na baboy.
" Oh sige Trina.Ikaw naman Stephanie ano ang sa iyo? tanong sa akin ni Aling Susan.
Tinignan ko ang mga kaldero ,mayroon doon na sinigang na baboy na paborito ni Trina, adobong manok, pinakbet, pritong manok at pritong tilapia.
"Isang order po ako ng pinakbet at pritong manok sabi ko kay Aling Susan.
"Sige , ayusin ko na ang mga order nyo.Pakihintay nalang ha!".
"Sige po Aling Susan, Maraming Salamat po".masigla ko sabi dito.
"Haaaay.. mabuti nalang at naka order na tayo, kung hindi baka abutan na tayo ng bell dito".ani ni Trina.Hindi kasi namin akalain na maraming customer ngayon si Aling Susan, nitong mga nakaraang araw naman ay hindi naman ganito kadami ang kumakain dito.
"Kaya nga Trina, kung hindi lagot tayo kay Ma'am Dela Cruz, teacher namin sa English.Ayaw kasi nito na may nalalate sa kanyang subject at iyon ang iniiwasan naming mangyari.Noong isang araw, ay nalate ang isa naming kaklase na si Arnold, pinalabas nya agad ito at pinatayo sa labas ng room namin hanggang sa matapos ang klase nito.
"Heto na ang mga order nyo, Trina at Stephanie.Magpakabusog kayo ha! tawagin nyo nlng ako kung may kailangan pa kayo". ani ni Aling Susan.
"Sige po , Maraming Salamat po.sagot ko dito."
Kumain agad kami ni Trina pagkabigay ng order namin. Habang kumakain kami hindi namin mapigilan ang sarili namin mapangiti sa sobrang galak dahil sa masarap naming pananghalian.
"Napakasarap talaga nang luto ni Aling Susan.Mapapadami na naman ako nito ng kain hehehehe."ani ni Tina.
"Oo nga Trina, pag sang ayon ko naman dito.
Napansin ko na walang katulong si Aling Susan sa karinderya, hindi ko kasi nakikita ang anak nitong si Lucy. Si Lucy kasi ang katulong nito sa pagluluto at pagtitinda sa kanilang karinderya.
"Aling Susan, wala po yata si Lucy ngayon ? tanong ko kay Aling Susan.
"Nagpunta siya sa kaniyang ama, Stephanie. Dinala nya doon ang mga gamit nito dahil hindi makakauwi ngayong linggo ang kanyang ama dahil pinapatapos na agad ng may-ari ang pinapagawa nitong bahay .Dito na kasi maninirahan ang pamilya nito galing sa Maynila."mahabang sagot sa akin ng matanda.
"Ah ganon po ba ? sagot ko naman dito.
Pagkatapos namin kumain ay nagbayad na kami ni Trina.Tinignan ko ang oras sa aking relo na suot ko , may bente minuto pa bago mag ala una ng tanghali. Makakaabot pa kami ni Trina sa English Subject namin dahil sampung minuto lang naman ang lalakarin mula sa karinderya ni Aling Susan hanggang sa paaralan.
Malapit na kami makarating sa room namin, nakita ko na nagkakagulo ang mga estudyante at nagtitilian pa, base sa kanilang mga reaksiyon akala mong may pumasok na artista sa room namin. Lumabas ang kaklase namin si Bea tinanong ko kung ano ang nangyayari doon.
"Bea , anong meron sa loob? bakit ang daming nakasilip at mga nagtitilian dito sa labas?tanong ko agad kay Bea.
" Nandun kasi si Raymond sa room natin kasama ang grupo nito, nililigawan kasi ni Raymond si Trixie".ani ni Bea.
"Ahhh kaya pala sabi ko rito." Salamat Bea ha".ani ko
"Walang anuman , Stephanie. Nakangiting sabi ni Bea.
Dahil pala sa isang Raymond Ocampo ang may gawa kaya nagkakagulo ang mga babae dito sa School. At si Trixie Miranda ang bagong biktima nito ngayon.
Bukod sa kilalang heartthrob si Raymond sa dito sa School, kilala din ito na isang matinik na playboy.Halos araw- araw may nakikita kaming umiiyak nang dahil sa kanya, nakikipaghiwalay agad ito kapag nagsawa sa babae. Parang damit lang kung magpalit ng girlfriend.Halos araw-araw iba't iba ang kasama nito.
"Hay naku ! sa dinarami rami ng lugar dito sa school ay dito ko pa makikita ang mga kampon ni Habagat".malakas na sabi ni Trina halatang pinariringgan nito ang grupo ni Raymond.
"Sinong Habagat ? Trina ? nagtatakang tanong ni Trixie kay Trina.
"OMG ! Hindi mo kilala si Habagat ? Hahahahaha !! Eh sino pa ba ? edi iyang manililigaw mo! sabay irap nito kay Raymond."Napakalakas ng hangin ramdam nyo ba guys ?? tanong ni Trina sa mga kaklase namin.
Nakita ko kung paano ang naging reaksiyon ni Raymon.Nakita ko ang kamay nito nakakuyom sa sobrang galit dahil sa sinabi ni Trina.
"Kaysa naman sa isa dyan , kaya walang nagtatangkang manligaw dahil natatakot kasi amazona siya."Baka hindi makatagal sa kanya at bubugbugin niya lang." pagpaparinig din nito kay Trina.
"At kasama mo pa pala ang best friend mong si Betty La Fea ." hahahahahaha ganti sabi nito kay Trina.Bagay na bagay kayo nang best friend mo.Ikaw Trina, walang mangangahas na manliligaw sayo dahil amazona ka ,At saiyo Betty, wala din magtatangkang manligaw dahil manang ka , baduy manamit at higit sa lahat ang panget mo pa puro ka digidig(tagyawat) pa sa mukha!! sabi saming dalawa ni Trina.
Imbis na mainis si Trina ngumisi lang ito, pinakita niya na hindi siya naapektuhan sa mga sinabi ni Raymond. At lalong pa niyang iniinis si Raymond , binaling niya ang tingin kay Trixie.
"Hahahaha ! Naku Trixie mag isip-isip ka ! gugustuhin mo bang maging boyfriend yan eh ang ugali nyan masahol pa kay Satanas.Baka isang araw isa ka na din sa nabiktima nyan.Wag na wag kang magkakamali na sagutin iyan at baka bukas ng makalawa eh makikita din kitang umiiyak dahil sa lalaking yan !!.
"Trina, tama na, wag mo nalang patulan yan at baka mapaaway ka na naman nyan eh.agad ko awat kay Trina.
"Kaya ka hindi nilulubayan ng Habagat na yan kasi hindi ka marunong lumaban !. Ipagtanggol mo naman ang sarili mo , Stephanie !! matuto kang lumaban !! ". ani ni Trina.
"Hindi ko nalang pinapansin ang pagkukutiya nila sa akin dahil walang magandang maidudulot sa akin iyan.Nandito ako sa paaralan para mag-aral hindi ang makipag-away , nandito ko dahil gustong kong makapag tapos sa pag-aaral para kay inay. paliwanag ko kay Trina.
"Best,walang masama kung minsan ay lalaban ka, ipagtanggol mo ang sarili mo para hindi ka kakaya-kayanin ng mga taong katulad ni Habagat na mapanghusga at mapanglait." ani ni Trina.
Pagkatapos ng nangyari, tumunog na rin bell hudyat na mag uumpisa na ang klase namin sa hapon. Dumating na din si Ma'am Dela Cruz.Pinagtuunan ko muna ng pansin ang aming pinag-aaralan, dahil kung iisipin ko pa din ang nangyari kanina ay wala papasok sa utak ko at wala ako maiisasagot kung sakali magbigay ng quiz si Ma'am Dela Cruz.
Lumipas ang oras at uwian na namin ngayon.Inayos ko ang aking gamit at pagkatapos pinuntahan ko si Best sa kanyang upuan para ayain na itong umuwi.
"Tara na Best , uwi na tayo.aya ko kay Trina.
"Saglit lang Best ayusin ko lang muna ang gamit ko .sabi nya sakin.
"Best, pasensya kana sa nangyari knina ha,ayoko lang naman na mapaaway ka na dahil sakin".nakayuko kong sabi.Nahihiya na ako sa kanya mula pa noon at hanggang ngayon , ay pinagtatanggol nya ko sa mga taong kumukutiya sakin.
"Wala iyon best, ayoko lang kasi na nakikita kang kinukutiya ng mga taong yun, dahil para sakin di lang kita kaibigan para na rin kita kapatid". nakangiting sabi ni Trina.
"Salamat Best ,Maraming Salamat sa pag-unawa at pag intindi mo sakin. naiiyak kong sabi sa Best ko.Di ko mapigilang maiyak dahil labis ang pagmamahal sakin ng bestfriend ko .