Stephanie's POV
"OMG Best ! Kyaaaah !!! tawag ni Trina sakin at bigla nalang nagtitili sa harap ko, nandito kami ngayon sa canteen.
"Bakit ka ba nagtitili dyan best? Maghunos dili ka nga!
"Best may nasagap akong chismis! Alam mo ba papasok na ulit dito sa school si papa Drake ko !! kyaaaaahhh!!
"Sino naman yang Drake na yon ha ?!!
Nanlaki ang mga mata nito, at halatang nainis sa tanong ko.
"Talaga ba best?Hindi mo kilala si Drake ? Halos yata ng babae dito sa school eh kinababaliwan siya ?? tapos ikaw hindi mo siya kilala !!" sigaw niya sa akin.
"Tatanungin ba kita kung kilala ko yun ? alam mo naman na puro pag aaral ang inaatupag ko."paliwanag ko sa kanya.
Kinuwento sakin lahat ni Trina ang tungkol sa Drake na yun, sila pala ang may ari ng TORRES SHIPPING LINE INC, ang pinaka malaking shipping line dito sa Pilipinas.Hindi lang pala ito sikat sa kaguwapohan nitong taglay, sikat din pala ito sa pagiging basagulero.Madalas daw ito napapaaway noong pumapasok pa ito, kung ilang beses daw ito napapaaway ay ganun din kadami ang bilang nang pagpunta nya sa Guidance Office. Hindi ito napapatalsik dahil may malaking ambag ang pamilya nito sa paaralan.Isa kasi ang pamilya nito na nagdodonate at nagbibigay ng scholarship sa mga kapus palad. Kaya pala hindi ito nakakapasok dahil binugbog ito nang taga kabilang School.Halos dalawang linggo ito nasa hospital dahil medyo grabe ang natamo niyang pinsala sa katawan sa sobrang pambubugbog.
"Excited na tuloy ako makita si Papa Drake ko ayyyyiiiehhh! " sabi pa niya.
"Best,alam mo ikain mo nalang yan at baka nagugutom ka lang eh."
"Naku,Best baka pag nakita mo si Papa Drake ko tumulo ang laway mo sa kagwapuhan niya.
"At sa tingin mo naman papatulan ako nun sa itsura kong to ! tsaka wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay dahil ang goal ko ay makatapos muna ng pag-aaral."Bilisan mo dyan kumain para makabalik na tayo."
"Oo na eto na po , kakain na po! sabay irap nya sakin.
Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa room. Lahat nang dinadaan namin ay si Drake ang pinaguusapan.Lahat sila ay tuwang-tuwa halos lahat ay kinikilig dahil sa nalaman na makakabalik na ulit ito sa pag-aaral.
"Naiintriga tuloy akong malaman kung sino ka ba talagang Drake ka".sa isip isip ko.Pagbalik namin sa classroom ay si Drake pa din ang kanilang topic.
"Pati ba naman dito sa classroom ang lalaki pa din na yon ang pinaguusapan. sa loob-loob ko.
"Grabe best, ganyan ba talaga kasikat ang Drake na yun? Mula kanina siya ang pinaguusapan sa canteen, sa corridor at ngayon pati na din dito sa classroom."
"Sabi ko nga sayo best, sikat si Drake sa school pano ba naman biruin mo nasa kanya na ang lahat ng gusto nating mga babae sa isang lalaki gwapo na , mayaman pa higit sa lahat yummy!! hihihihihi".
" Fyi , best kayo lang ang may gusto sa Drake na yun hindi ako kasama dyan".agad ko sagot dito.Nakangisi at nagkibit balikat pa ito.
"Tignan natin best, wag kang magsasalita ng tapos hehehe.
"Iniinis pa ko ng bruhang to hmf !
Papunta ako ngayon office ng adviser namin na si Ma'am Sanchez.Dinala ko kasi ang mga naiwan niyang gamit sa classroom.Malapit na ako sa office nila ma'am na may biglang may bumungga sakin.
"Ano ka ba?! tumingin ka nga sa dinaraanan mo!! sigaw niya sa akin.
"Sorry miss, pasensya ka na hindi ko naman sinasadya".paghingi ko dito ng paumanhin. Nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang galit nang tignan ko siya.
" Panget ka na nga! ang tanga- tanga mo pa ! Baka naman sira na yang salamin mo at hindi mo ko nakita??
Ang ganda ganda nga niya , kaya lang kabaligtaran naman ng ugali nya nabubulok na. sa isip isip ko lang.
"Ano ba ? Nananadya ka ba talaga?!
" A-ah , e-eh hindi ha!pasensya kana hindi talaga kita agad napansin."Pasensiya ka na ulit. Agad kong pinulot sa sahig ang mga nagkalat na gamit ni Ma'am Sanchez.
" Pasalamat ka may importante pa akong pupuntahan ! Palalampasin ko itong ginawa mo sakin, pero sa susunod na magkita tayo humanda ka sakin!! Umalis na ito agad ito sa harapan ko.
Base sa pananamit nung babae ay mukhang mayaman ito. Maganda sana siya pero pangit naman ang ugali niya.Siya itong bumangga sakin ay siya pa itong may ganang magalit.Pagkadating ko sa office ay binigay ko kay Ma'am Sanchez ang mga gamit niya.
"Bakit ba ang tagal mo??sabi ni Trina pagkabalik ko sa classroom.
"Eh may nakabungguan ako na babae malapit sa office ni Ma'am Sanchez nagalit pa nga sakin eh.
"Ayos ha! siya na nga may kasalanan siya pa ang may ganang magalit? Nasan ba yang babaeng tinutukoy mo mabigyan ko lang ng mag-asawang sampal! Ang kapal naman ng mukha nya ! Akmang tatayo na siya , pero agad kong pinigilan.
"Uminahon ka nga! wala na siya! umalis na kanina pa.'
"Pasalamat siya hindi mo ko kasama kanina, kung nagkataon na kasama mo ko makakatikim sya sakin kung sino man siya."
Amber's POV
Nagpunta ako sa Saint Benedict Academy para magpasa ng mga requirements.Kailangan maibigay ko na ang mga ito para mabilis ang pag transfer ko dito. Umalis ako sa dating kong school dahil kay Drake ,kaya nung nabalitaan ko ang nangyari sa kanya tatlong linggo na nakakalipas ay agad akong nagpaalam kay mommy na lilipat ako dito para mabantayan ko si Drake.
Mag bestfriend sina mommy at siTita Athena na mommy naman ni Drake. Noong mga bata pa kami may madalas kaming pumapasyal sa bahay nila.Lagi kami naglalaro sa Garden nila kasama ang nakakatandang kapatid ni Drake na si Kuya Gavin.Tatlong taon ang tanda ni Kuya Gavin kay Drake, samantalang kami ni Drake ay magkasing edad lang.
May lihim ako pagtingin kay Drake simula pa noong mga bata pa kami, alam rin ni Drake ang nararamdaman ko sa kanya, pero ang sagot nya sa akin ay kaibigan lang ang tingin nya sakin. Gagawin ko ang lahat para lang mapansin niya lang ako at magugustuhan nya din ako.
Pagkabigay ko ng mga requirements sa office ay lumabas na ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa dala kong sling bag para matawagan si Drake. Excited akong ibalita sa kanya na parehas na kami ng school na papasukan.
May babae na bumangga sa akin, mabuti nalang ay nahawakan ko agad ang phone ko at hindi ito bumagsak.
Flashback ....
Ano ka ba?! tumingin ka nga sa dinaraanan mo!! sigaw ko dito.
"Sorry miss, pasensya ka na hindi ko naman sinasadya".paghingi agad ng pasensiya sakin ng babaeng manang na may salamin sa mata.
Hindi ko akalain na may ganito pa nang klase ng tao,ang baduy niyang manamit, at ang kapal ng kilay nya ,tapos ang salamin nya sa mata ang kapal. manang na manang pumorma.
"Panget ka na nga! ang tanga- tanga mo pa ! Baka naman sira na yang salamin mo at hindi mo ko nakita?? Mataray kong sabi dito.
Hindi ako nito sinagot at natulala nalang siya.
"Ano ba ? Nananadya ka ba talaga?! napipikon na ako sa kanya, nananadya yata eh.
" A-ah , e-eh hindi ha pasensya kana hindi agad kita napansin. "Pasensya ka na ulit.Kung hindi lang ako pupunta kay Drake makakatikim sakin ang babaeng to !!
" Pasalamat ka may importante pa akong pupuntahan ! Palalampasin ko itong ginawa mo sakin, pero sa susunod na magkita tayo humanda ka sakin!! Mabilis akong umalis sa school para mapuntahan ko agad si Drake sa bahay nila.
End of Flashback...