"Oo Allen pero nahihiya lang ako sa iyo bakit naman kasi binili mo pa ito, ang mahal-mahal kaya nito." Agad tiningnan ang sapatos na halatang mamahalin. "Pag special ang taong binigyan mo niyan hindi kana tumitingin sa presyo." Pangiti niyang sagot sa akin. "Anong ibig mong sabihin?" Pagtatakang tanong ko habang napapaisip na special pala ako sa kanya. "Special ka sa akin Aiza siguro naman ay nabasa mo 'yung nakasulat sa box." Malakas niyang sinabi sa akin na tela may kaka-iba sa kaniyang tono ng pagsabi. "Oo nabasa ko nga pero paano? Ilang araw pa nga lang tayo nagkasama at hindi mo pa ako lubusang kilala Allen." Agad napapaisip bigla. "Unang kita ko pa lang sa iyo Aiza alam kong mabuti kang tao 'yung tipo ng babae na madaling makasama 'yung babaeng kaya kang pasayahin." Dagdag pa ni

