Nakatingin lang ako sa malayo habang pinag-iisipan ng mabuti ang aking gagawin. Gusto man sana na umuwi sa amin sa pagsapit ng aking kaarawan ngunit kailangan ko rin na umattend sa aming engineering day dahil napaka importante rin ito. "Apat na buwan nalang at magtatapos na ang klase. Kunting panahon na lang din at ga-graduate na kayo. So, don't missed this very important and memorable event. By the way next meeting ko nalang e-aanunsyo ang magiging agenda natin patungkol sa inyong Engineering day. And for now ay mag e-early dismissed tayo it's because I have a class on the other section. Thank you and goodbye everyone. Have a nice day ahead." Wika pa ng aming guro. Pagkatapos magbigay at magpahayag ng anunsyo ang aming guro ay agad din itong umalis. Samantalang kami ay napapaisip sa mag

