At sa susunod 'wag ka nga basta-basta kumausap sa taong di mo pa kilala, paano pag masamang tao pala iyon o kaya holdaper. Mapaano ka pa at may mangyari sa iyong hindi maganda. Kaya nextime 'wag basta-basta makikipagkausap sa taong 'di mo kilala." Wika pa niya sabay kamot sa ulo. "Akala ko kasi na ikaw 'yun ehh. See na nga." Ani ko pa sabay buntong hininga. "Hay nako umalis na nga lang tayo." Sabay bukas ng pintuan ng kaniyang kotse. Agad akong pumasok. "Okay." At umalis agad kami ni Cris. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko lang ay masaya ako dahil kasama ko siya. Sa byahe habang abala si Cris sa pagmamaneho. "Um, Cris saan ba tayo pupunta?" Pag-aalinlangang tanong ko sa kanya. "Um, kakain na muna tayo, kumain kana ba?" Tanong niya sa akin. "Ah hindi pa." Mahin

