Emie's P.O.V: Kinabukasan ay naalimpungatan ako nang maramdaman kong wala ng tao sa tabi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, and found out na ako na lang mag-isang andito. Nananaginip lang ba ako? Pero kung panaginip lang ang lahat ng 'yon edi sana nasa bahay ako. Nandito pa rin naman ako sa kwarto ni Renzo, pero nasaan na kaya sila ni Peter? Nakarinig ako ng pagkatok ng pinto. Dumako ro'n ang tingin ko, at nang bumukas ito'y bumungad roon si Peter at Renzo. Peter's holding a bouquet of red roses, while si Renzo naman ay may dalang breakfast. Parehas silang nakangiti habang naglalakad papunta sa'kin. "Good morning, Mommy!" Peter greeted. "Good morning too, anak." "Good morning, my love. How's your sleep?" Renzo asked saka nilapag ang pagkain sa may paanan ko. "Okay nam

