Kabanata 38 Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa malaking salamin sa women's room. Napapikit na naman ako nang mariin. Para kasi akong mauubusan ng hangin sa table kasama sina Daddy at Fyuch kaya nag-excuse muna 'kong mag-c-cr lang. Humigpit ang hawak ng magkabilang kamay ko sa gilid ng sink. At agad na dumapo naman ang mga mata ko sa higad na biglang pumasok. "Kaya pala ayaw mo sa isang Dela Vega," panimulang banat nito bago tumabi sa 'kin at naghugas ng kamay. "Dahil isang Smith pala ang target mo. Nice idea, huh? Gumagamit ka naman pala ng utak paminsan minsan." "Kung anumang germs ang gumagapang ngayon d'yan sa utak mo, pakihugasan mo na rin. Wag mo 'kong itulad sa 'yo na sa bank account bumabase. Bahala na kung matanda. At lalong mas bahala na kung may asawa't anak." Mala-demonyit

