Chapter 36 Simula nang pumutok ang balita tungkol sa engagement namin ni Easton, wala na 'kong natanggap na ano mang pagbabanta. Wala rin namang violent reaction si Sam dahil masyadong malawak ang pang-unawa ng fiance ko sa sitwasyon. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba 'ko sa kanya o matutuwa. S'yempre gusto ko rin namang maramdaman na pinagdadamot n'ya 'ko, 'no! "Matuwa ka na lang na gano'n ang naging reaksyon ni Sam," ani Adara habang pinapalitan ang diaper ng anak nitong si Saint. Namiss ko kasi sila bigla kaya pumunta agad ako ngayong rest day ko. "Pero malay mo nagpapanggap lang siya." Awtomatikong umikot ang mga mata ko. "Anong nagpapanggap! Eh, chill na chill nga lang ang itsura n'ya! Wala man lang bakas ng selos o pagkabahala!" "Ayaw mo no'n? Tiwalang tiwala siya na kahit may

