Kabanata 24 Kidnapping is one of the most common crimes in this world. Noong bata ako laging panakot sa 'kin na kapag naglikot ako ay kikidnapin daw ako ng mga alien para dalhin sa Pluto. Kaya bata pa lang ay namulat na akong kinatatakutan ito. Who would want to be abducted by aliens? Lol. Pero sa puntong ito ng buhay ko, handa ko ng isuko ang sarili ko sa kidnapper na nasa harapan ko. Marahil kung alam ko lang na siya ang kidnapper na dudukot sa 'kin sa lifetime na 'to ay mas nakapaghanda ako. Nakapag-retouch man lang sana! Haist. "You're very easy to abduct." Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa bibig ko pero kinuha ko ulit iyon at dinala sa pisngi ko. "Basta ba laging ikaw ang dudukot, I will always surrender myself to you." Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti at bahagya

