Nagulat ako nang makita ko si Grace na nakatayo sa harapan ko. Nahihilo pa rin ako dahil sa gamot na itinurok niya sa akin. Umiikot ang paningin ko pero nawala naman ang kirot na nararamdaman ko kanina. Medyo nasusuka pa rin ako. Pero kaya ko na sigurong tumayo. Ang mahalaga, natatandaan ko pa kung sino ako. Ako pa rin, si Marco Perez ng Arkhenham City Police Department. At hindi ako halos makapaniwala na nakalabas kami ng buhay sa impyernong hide-out ni Anthony Gregorio. Halos wala akong maaalala sa mga nangyari noon at ang pinakahuling natatandaan ko bago nila ako madala sa ospital ay sumikip ang dibdib ko at dumilim ang paningin ko. Pagkatapos noon, ay hindi ko na maalala. Napakalaking impormasyon ang nakuha namin noong gabing iyon. At sa wakas, nasagot na ang isa sa pinakamalaking tan

