Mabilis kaming nagtungo ni Gunner sa ospital kung saan naka-confine si Kalbo. Puno na ng mga pulis ang palapag kung nasaan ang kwarto niya at kalat din ang mga nurse at doktor sa paligid. Maging ang ilang mga pasyente ay nakiki-usyoso rin. May nakapalibot ng warning tape ang pinto ng kwarto at kasalukuyang pinalalayo ng mga gwardya at kasama naming mga pulis ang mga tao. Halos walang kakaiba sa kwarto pagpasok ko maliban marka ng dugo sa puting kumot na nakatakip sa katawan ng biktima at sa kulay abong duct tape na nakatakip sa bibig nito. Dalawang malalim na sugat ng kutsilyo sa kaliwang tagiliran ang tumapos sa buhay ni Kalbo. Masasabing lumaban siya sa gumawa nito sa kanya dahil napakaraming galos ng mga braso niya. Mga tanda na sinubukan niyang salagin ang mga pag-atake sa kanya. At

