Chapter 3: Speed

1072 Words
HER EX left her after the deed. Inis na inis sa sarili si Ginny, but she was cursing Cloud Han even more. Nang tumingin si Ginny sa salamin, lalo siyang nainis dahil punong-puno ng pulang marka ang leeg, dibdib at kung saan-saang parte ng katawan niya. Binigyan siya nito ng tatlong araw na palugit para maipasa ang report plan niya. However, she has to stay home on her first day because of those marks. Inis na tinawagan niya si Patricia para ipaalam na magwo-work from home na muna siya sa araw na iyon. Gustuhin man niyang pumasok kahit late siya ay hindi niya magawa. Para siyang papel na ginawang bola ni Cloud Han kaya masakit ang buong katawan niya. "Pat, magta-trabaho na muna ako rito sa bahay. I have a flu." Ngumiti si Patricia sa kabilang linya. "Don't worry, Ms. Gin, your boyfriend called and notified us earlier" Boy… friend? Nakaramdam ng kirot si Ginny sa sentido niya. This Cloud Han is so scheming! "Ahmm. Okay, just let me know kung may kailangan kayo sa'kin. Send me the files that I would need. Ok lang ba?" "Don't worry Ms. Gin!" Ginawa na lang ni Ginny ang lahat para makalimutan niya ang unfortunate event na nangyari nang nagdaang gabi. Gayunman ay hindi rin siya makapag-focus sa trabaho dahil pumapasok talaga sa isip niya si Cloud. Napasabunot siya sa sarili. Kailangan niyang magpaka-busy sa araw na iyon at pilitin na kalimutan ang lalaki. Paano siya makakapagtrabaho nang maayos kung sa gilid ng mata niya ay nakikita niya ang kama niya. Hindi pwede ang ganito! Kinagat-kagat niya ang kuko ng hinlalaki niya. She was obviously stressed out of what her ex did to her. Hindi siya pwedeng mag-stay rito sa kuwarto niya dahil hindi niya matatapos ang trabaho na kailangan niyang tapusin sa loob ng tatlong araw. Pero paano? She doesn't have medicine to treat those red marks. She wanted to go out but how can she do that? Kung gusto niyang makita ang lahat ng love bites na iyon sa publiko ay sige lang, labas! Grrrr… Cloud Han! Sinabihan ni Ginny si Patricia sa pamamagitan ng emails sa kanyang plano. Nanghingi siya ng references sa researchers’ team and sa planning team to finish her report. Wala siyang nagawa kung hindi ipagpaliban muna ang araw na iyon para ipahinga ang magang katawan. But she has to make sure she makes way on her second day. Humiga si Ginny sa kama. Tumingin siya sa kisame ng silid. Natatawa siya sa sarili. She blames Cloud, but she knew to herself that she was the most willing victim for what happened last night. She cleared her mind and planned everything for the shorter time that she has for the project. Hindi siya pwedeng sumuko dahil marami na siyang oras na naipundar para sa proyektong iyon. Nakatulog si Ginny dahil sa sakit ng katawan at sa pag-isip sa trabaho niya. Nagising lang siya nang may mag-doorbell. Hindi niya maitayo ang sarili sa higaan dahil masakit talaga ang katawan niya. She didn't expect any visitors that day. Inisip niya kung sino ang posibleng nasa labas ng pintuan. Parang wala sa sarili na sinilip ni Ginny ang peephole. Her eyes almost widened when she saw her ex looking at her as if he knew that she was looking at him through that small circle. Kinabahan si Ginny. The devil is here. Kinakabahan siya. Bumalik siya sa kuwarto at huminga nang malalim. She wants to play dead at the moment. Dahil sa kaba, napakislot siya nang marinig na nag-ri-ring ang cellphone niya sa tabi. Hindi kilalang number ang nakita niya sa screen. Iniisip niya na posibleng kliyente niya ang tumatawag kaya tinanggap niya iyon. "Hello!" "Ginny Lopez, please tell me your lock code or else I will tell the whole MGM Employees that you had a one-night-stand with me," banta ni Cloud sa kabilang linya. "55771231," napilitang sabi niya. 'Sh*t, Sh*t, Sh*t !' She actually gave her lock code? How she wished she had just opened her door. Parang maiiyak si Ginny sa nangyayari sa kanya. Kahapon lang ng umaga, maayos na maayos ang buhay niya na ginulo ng taong ito ngayong araw. Please lord, help me. Gustong magtago ni Ginny, pero paano? Narinig na lang niya na bumukas ang pintuan. Dahil wala siyang maisip kung paano makakatakas sa sitwasyon, she plays dead. Ikinumot niya ang sarili at pumikit. Tumalikod sa kung saan naroon ang puwesto ni Cloud. Nagawa niya na magdasal na sana ay mag-disappear siya habang nasa kama. "Ginny Lopez, come here," narinig niyang wika nito. Hindi niya pinansin si Cloud. Hindi siya kumikilos sa pagkakahiga. Gusto niyang ibaon ang sarili sa ibabaw ng kama. "Come here, or else I will do it again with you!" banta nito. Kinabahan si Ginny sa narinig. Bigla siyang napabangon at walang nagawa na lumapit dito. She was gritting her teeth. Inis na inis siya sa lalaki. Nakakapalan pa siya sa mukha nito. "Sit here," utos nito. Pinaupo siya sa tapat na silya. May inilabas na ointment si Cloud mula sa brown bag na bitbit nito. He applied it on her skin na may mga pulang marka. Hindi siya makatingin kay Cloud dahil para siyang napapaso sa pagdikit ng balat niya sa kamay nito. His hands slowly touching those marks like an expert. Nang maramdaman ni Ginny na pababa na sa dibdib ang kamay nito ay agad niyang hinablot ang ointment mula rito. "Ako na!" Tinalikuran niya ang lalaki at nagmadaling nagpunta ng banyo para gamutin ang sarili. Tila siya nakahinga nang naroon na siya sa masikip na silid. Ngunit hindi mawawala ang kaba niya. Mga beinte minutos na yata siya sa loob nang katukin siya ni Cloud. "Ginny Lopez, are you trying to play dead out there?" Binuksan niya ang pintuan at lumabas. Sinandal niya ang sarili sa pader, tiningnan niya ang lalaki. "Why are you here anyway? It's inappropriate na dalawin ng boss ang empleyado niya!" Hindi naman ito nagpatalo na nakipaglabanan ng titig. "I am here because kailangan mo akong panagutan sa ginawa mo kagabi." She was speechless. Hindi maka-isip ng isasagot. Did she hear it right? Siya ang may pananagutan? "You should come with me," sabi nito nang pautos. Hindi makapaniwala si Ginny sa nadinig. Nawala ang lalaking ito ng walong taon, at ngayon ay gusto siyang dalhin sa kung saan? Sa pangalawang araw na pagkikita nila? This guy sure knew the word “speed.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD