Chapter 10
Thunder’s POV
Umuwi muna ako sa bahay, ayos lang naman dahil puro writtten output lang naman ngayon. Kokopya nalang ako kay Neith. Tutulong kasi ako sa paghahanda ng decorations. Si Mom kasi sobrang hands on. Kung nandito si Tita Abbigail baka pareho sila ni Mom na masyadong hands on. Sabagay unang apo nila yung kambal.
“Tito Thunder!” tawag sa akin ni Jasmine
“Bakit? Anong kailangan ng prinsesa?” tanong ko sa kanya at binuhat siya
“Tito pwede po natin i invite yung mga naging friends namin nung sumama kami sa activity sa school nina tito Kent?” tanong ni Jasmine
“Sige. Saan ba sila nakatira?” tanong ko
“Alam po ni Kuya.” Sabi niya kaya ibinaba ko siya at pinuntahan namin si Robin
“Tito Thunder!” sabi ni Robin at nagtatakbo papunta sa akin
“Kuya, saan nakatira sina Den at Jae?” tanong ni Jasmine kay Robin
“Kay tita Mia.” Sagot niya
“Kuya naman eh.” Reklamo ni Jasmine
“Sa dad nila? Ewan.” Sabi ni Robin
“Paano natin sila i invite kung di niyo alam kung saan sila nakatira?” tanong ko sa dalawa
“Tito Thunder pwede po pahiram ng cellphone?” tanong ni Jasmine
“Kuya, nandito ka na pala? Akala ko nasa school ka pa.” Sabi ni Zephanea nung nakita niya ako
“Tutulungan ko si Mom mag ayos.” Sabi ko
“Mommy alam mo po ba kung saan nakatira sina Jae at Den?” tanong Robin kay Riley
“Hindi eh. Pero itatanong ko sa tita Lav niyo, okay?” sabi ni Riley at nilabas ang phone niya tapos may tinawagan
“Ilang taon na ba sila?” tanong ko sa dalawa habang kausap ni Zephanea si ate Lav
“2? Parang 3 na po ata.” Di siguradong sagot ni Robin
“Pati rin sina Dawn at si Dusk.” Sabi ni Jasmine
“Pupunta naman sila. Sila pa.” Sabi ni Robin
“Ikwento niyo nga kay tito yung mga ginawa niyo dun sa school ni Kent.” Sabi ko sa dalawa
“Masaya po. Lagi po kaming sumasama kayna tita Mia kasi si ate Aly at si Kuya Ren hindi marunong mag alaga ng bata kaya po nagpapatulong sila kay Tita Mia. SI Tita Mia po ang sarap niya magluto lalo po ng sinigang lagi niya po yun niluluto kapag gusto po namin.” Pagke kwento ni Robin
“Si ate Dionne po best friend po siya ni Tita Mia. Nakita ko lang po siya nung mag gym kami ni ate Dionne. Mabait po yung mga naging kalaro namin tapos po pag po busy si ate Dionne dahil architect po yung career niya pinapayagan niya po ako sumama kayna Tita Mia.” Sabi ni Jasmine
“Tapos Tito Thunder sina Jae at Den di po sila kambal pero magka mukha sila. Sabi ni Tita Mia mas matanda si Jae ng dalawang buwan tapos po kambal daw po yung mga mommy nila kaya magkamukha sina Jae at Den. Minsan nga po iniisip ko na si Tita Mia yung Mommy nina Jae at Den.” Sabi naman ni Robin
“Mukhang masaya nga. Sino si Tita Mia?” tanong ko sa dalawa
“Si tita Mia po girlfriend po siya ni Tito Fuego. Pinsan po siya ni Tito Kent.” Sabi ni Jasmine
Fuego?
“Sabi ni ate Lav kasama nila mamaya sina Dawn at Dusk pero di pa daw sigurado kayna Jae at Den dahil kasama sila nina ate Rianna ate Rielle.” Sabi ni Riley pagkabalik niya
“Rielle?” tanong ko
“Oo kuya. Rielle Smirnov. Akala mo si ate Rielle noh.” Natatawang sagot ni Riley
Pumunta na ako sa loob para tulungan si Mom.
Naghalfday ako pero makakahabol ako sa lessons dahil pwede ako kumopya sa ugok na si Neith. Yun lang naman ang seryoso sa pag-aaral samin eh.
“Thunder, kailan mo balak magpakasal?” tanong ni Dad habang nagkakabit kami ng ilaw sa bakuran
“Dad.” Sabi ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko
“I arrange nalang kaya kita kay Lady Vesta?” suhestiyon ni dad
“Dad ayoko ma arrange marriage sa isang mafia.” Sabi ko
“Si Autumn naman tulad rin ng mga kaibigan niya ah? Mafia rin naman si Autumn ah.” Sabi ni Dad
“Dad iba si Autumn at ibang iba si Lady Vesta.” Sabi ko
“Sabagay. Mabait si Autumn. Sayang.” Sabi ni Dad
Oo, Dad. Sayang dahil wala na siya.
“Kamusta naman ang klase?” tanong ni Dad
“Ayos lang po.” Sagot ko
Pumasok na kami pagkatapos namin mag ayos. Nagbihis narin ako ng damit pagkakain namin ng merienda
Pagkabihis ko sinilip ko si Robin.
“Ang gwapo ko ba tito?” tanong niya sa akin nung makita niya ako
“Syempre. Mana ka kay Tito.” Sabi ko
“Tingin mo po magugustuhan ni Den?” tanong niya
“Crush mo ba yon?” tanong ko
“Hindi po, gusto ko lang po na magustuhan niya.” Sabi niya
“Alam mo, ganyan din ako noon kay Tita Autumn mo.” Sabi ko
“Pero tito hindi ko pwedeng maging crush si Den dahil bata pa siya.” Sabi ni Robin
“Sabi mo eh.” Sabi ko
Lumabas na kami nung nagdatingan na yung mga bisita.
“Ang laki mo na Robin.” Sabi ni Sky nung makita si Robin na kasama ako
“Syempre po lumalaki ako.” Sagot naman ni Robin
“Tito Sky, Tito Neith, Tito Cloud, Tito Ice.” Bati ni Jasmine nung makita niya sina Sky
Maya-maya nagsimula na yung party nung dalawa.
Nakaupo lang kami dito sa table. Walang masyadong batang imbitado. Halos mga kamag anak at kaibigan lang namin. Andito narin sina ate Lav kasama sina Krystal, Blue at yung dalawang anak niya.
“Ayan na yung mga babae.” Sabi ni Neith at nakita namin yung mga babae
Nilapita ko sila at inimbitahan sa upuan namin.
“Male late daw ng konti si Nee-chan.” Sabi ni Rainiellaine
Lumapit dito yung kambal at binati yung mga babae.
“Ang ganda mo parin, Jasmine.” Sabi ni Aira
“Thank you, Tita.” Sabi ni Jasmine
“Ano Robin? May crush ka na?” tanong ni Jade kay Robin
“Si Den.” Sabi ko
“Si Tito Thunder imbentor. Sabi nang di ko crush si Rimiel eh pinsan ko po iyon.” Sabi ni Robin
Lumapit dito sina Blue at si Krystal
“Si Tita Mia po ba yun?” tanong ni Jasmine at napatingin kami sa entrance andoon si Anzhel may kasama siyang dalawang bata.
“Yup.” Sagot ni Krystal
“Tita Mia!” sabi nung dalawa nung makalapit dito si Anzhel
“Hi Kuya Robin.” Sabi nung batang babae
“Hi Den.” Sabi ni Robin
“Siya pala si Den.” Sabi ko
“Kuya Robin, ate Jasmine.” Sabi nung batang lalaki
“Hi Jae.” Sabi ni Robin
“Ate Dawn!” sabi ni Den at niyakap si Krystal
“Hi Maiden.” Sabi ni Krystal at hinalikan sa pisngi si Den
“Sorry na late ako. Ginising ko pa kasi yung dalawa.” Sabi niya
“We wouldn’t miss your birthday.” Sabi nung bata
“Hi Mama.” Sabi ni Blue at ni Krystal
“Hi Dusk, Dawn.” Sabi niya at hinalikan sa pisngi yung dalawa
Umupo siya sa upuan katabi ni Rainiellaine
“Mommy, Den play?” tanong ni Den kay Anzhel
“Sure. Basta don’t forget – Don’t talk to strangers.” Pagtutuloy ni Jae sa sinasabi niya
“Hai, Mommy.” Sabi nung dalawa at nag salute kay Anzhel
Kami naman parang na estatwa.
“Huy nagulat na kayo.” Sabi ni Jade
“Bakit Mama at Mommy yung tawag nila sayo?” tanong ni Sky
“Sina ate Lav ang nagsabi sa kanila na Mama ang itawag nung mga pamangkin at anak niya sakin tapos sina Jae at Den naman anak nina ate at nakasanayan narin ang pagtawag sakin ng Mommy.” Sagot niya
“Kambal ba sila?” tanong ni Cloud kaya sabay sabay na natawa yung mga babaemaliban kay Icelle, si Anzhel naman napangiti lang.
“Hindi sila kambal.” Sabi ni Jade
“Mas matanda si Jaerim kaysa kay Rimiel.” Sabi naman ni Lana
“Pupuntahan ko lang si ate Lav.” Sabi ni Anzhel at umalis ng table
“Minsan talaga iniisip ko anak ni Icelle si Dawn dahil sa ka coldan.” Sabi ni Aira
“Her father is.” Sabi ni Icelle
“Kung sabagay sing lamig rin naman nung yelong yan yung pangalan niya.” Sabi ni Rainiellaine
“What did you say?” tanong ni Ice sa kanya
“I mean kasing lamig din ni Icelle yung pangalan niya.” Sabi ni Rainiellaine
“Pero pantay lang. Si Dawn nagmana sa pagiging yelo ng tatay, si Dusk naman sa pagiging childish ng nanay.” Sabi ni Lana
“Yelo.” Sabi ni Rainiellaine
Napalingon naman si Ice sa kanya
“Don’t call me that.” Sabi ni Ice
“Di lang naman ikaw yung yelo ang pangalan. Si ICElle din naman.” Sabi ni Rainiellaine
Nung bumalik dito si Anzhel nagsimula na kaming kumain. Di ko na nakita yung mga batang kasama niya kanina.