LOGAN “What?!” I combed my hair out of frustration. Paatras. I'm mentally cursing Grec right now. Damn it. Stupid asshole. Galit si Calli at gusto akong kausapin dahil kay Duncan. Tang ina, ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang pinapangunahan ako ng gagawin. Hindi ko pa nga maamo ang anak ko, pinakilala na agad kay Calli. Malamang magagalit talaga iyon dahil iyak nang iyak ang anak ko. Tang inang gago na iyon. Paano siya nagawang natakasan ni Lyn sa paglabas kay Duncan? Bilib din ako sa babaeng iyon, masiyadong pakialamera. “Mister Logan, hinabol ko naman si Lyn, kaya lang ang bilis niya. Dating miyembero ng salisi gang yata ang babaeng iyon at naisahan ako,” paliwanag nito habang minamasahe ko ang sintido ko. “You're just fuckin' stupid.” Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga.

