Pagktapos nila magsalo-salo, nagkaroon ng kaonting inuman ang mga oldies. Bukod din ang inuman nina Allan, Kyrie at Jeff. Silang tatlong babae ay juice lang habang nagkukuwentuhan. “So, ikaw pala ang girlfriend noon ni Allan kahit mag-asawa na sila ni Sam?” tanong ni Jelly. Mahinahon naman ang tanong at walang bahid na pagdududa. “Yup, pero wala akong ideya noong una, ah. I just thought malapit lang sila Sam sa family ni Allan kaya siya nasa bahay na ’to noon. Kaya nga right after ko malaman ang totoo, nakipaghiwalay agad ako,” sagot nito. Nakatingin at nakikinig lang siya sa pag-uusap ng dalawa. Tumango-tango ang kaibigan niya. “Hmm. Mabuti kung ganoon. Saka wala rin naman sa mukha mo na maging desperada. Mukhang may pinag-aralan ka talaga,” komento nito. “Well, hindi talaga ako t

