Chapter 35 2 years later 4 years old na si Zoe at 2 years old na si Caleb, marami na ang nagbago sa pamilya namin. Wala na si Sophia, kinuha siya ni Britanny at dinala sa New York, wala naring magawa si Sandro dahil sa ina mapupunta talaga ang bata kung idadala pa nila sa korte kaya hinayaan nalang ni Sandro kahit masakit para sa kanya. Nasaktan rin ako dahil napamahal narin samin si Sophia at tinuring ko siya ng sarili kong anak. Hindi na maaga nakakauwi si Sandro at alam kong busy na talaga ito sa kompanya niya, he is handling a lot of companies dahil maraming branch ang kompanya niya at nakikita ko rin na pagod ito parati kapag nakakauwi. Minsan nalang din kami nakakapagbonding pamilya. "Mommyy, I miss my dawd" iyak ni Zoe, niyakap ko naman ito at pinatahan. Namimiss talaga ni Zoe

