“Some old wounds never truly heal, and bleed again at the slightest word.” – George R. R. Martin Chapter 26 Nakita ko si Britanny and she looks so angry, ayaw ko na talaga ng drama. Dahil kay Sandro, nadadamay na ako sa mga drama nila. Alam kong dahil sa divorce nila kaya siya pumupunta dito. Gusto ko lang naman na maging peaceful ang buhay namin ni Zoe pero ayaw talaga kaming tantanan ni Satanas, parati siyang umi epal sa buhay namin. Napakamalas ko talaga sa buhay. "What did you say to him huh? Why is he asking for divorce?" galit na tanong niya, at siya pa talagang may karapatang magalit samin eh siya ang nang agaw. Napakakapal ng mukha ng babaeng to. Kung di lang sana mahaba ang pasensya ko, nasabunutan ko na sana siya. "Tanungin mo ang asawa mo, wala akong sinabi sa kanya at wala

