KABANATA 39 Para akong hinigop ng isang ipo-ipo sa ilalim ng tubig. Binitawan ko ang hawak kong kahoy at supot at pinilit kong ikampay ang mga braso ko at ipadyak ang mga paa ko para makaahon ako. Hindi ko napaghandaan ang pagragasa ng tubig kaya katiting na hangin lang ang nasa baga ko. Kailangan kong makaahon kung hindi ay malulunod ako. Naririnig ko ang malakas na sigaw ni Mona. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko habang panay naman ang kampay ko. Bigla akong napahinto sa paglangoy dahil may sumabit ata sa paa ko. Tumingin ako sa ibaba habang mahigpit ang pagkakapinid ng bibig ko. Paigsi nang paigsi ang pisi ko. Nauubos na ang hangin ko. Ang akala ko ay may sumabit na bagay lamang sa paa ko, pero isang malaking nilalang ang nakita kong nakahawak sa paa ko. Sa tantsa ko ay ha

