KABANATA 14 Nakahiga sa malawak na talampas na kulay berde dahil sa makapal na d**o at binigyan ng ibang kulay ng marami at iba’t ibang bulaklak si Malaya kasama si Silverio. Nakahiga si Malaya sa dibdib ni Silverio habang nakayakap siya sa tagiliran nito. Ilang buwan na rin silang magkaibigan bago nagtapat si Silverio ng pag-ibig sa kanya. Dahil may pagtingin na rin siya sa binata ay nagsabi rin siya ng tunay niyang nararamdaman. Naging magkasintahan sila ngunit hindi alam ng kanilang mga pamilya. “Maganda sa kaharian namin, ngunit hindi ko alam kung paano kita dadalhin,” sabi ni Malaya habang naglalaro ang kanyang daliri sa madulas na tela ng suot na damit ni Silverio. “Hindi ko na kailangang makita ang kagandahan ng kaharian ninyo dahil sapat nang nasilayan ko ang kagandahan mo.” “B

