PROLOGUE

1110 Words
" Gabe. " Napangiti ako ng todo ng marinig ko ang tinig ng aking ina na nasa bukana ng pintuan ng veranda namin. She was wearing a simple pair of white pajama. Nakataas ang kanyang buhok at may mangilan ngilang hibla ng buhok na tumakas doon na bahagyang tumabon sa kanyang magkabilang pisngi. Simple ngunit ubod pa rin ng ganda despite of her age, kung tutuusin madalas siyang mapagkamalang kapatid ko lamang dahil hindi halata ang kanyang edad. She's the queen yet she act like a plain housewife and a mother. Well my father was the king.. the high and mighty King Gael Hamilton and I have two siblings they're twins Asiya and Safiya. " Did you saw her?" Napaigtad ako ng bahagyang tapikin ni mamay ang aking kanang braso, ni ang paglapit niya sa akin hindi ko naramdaman dahil sa aking kasiyahan na halos pumunit sa aking labi. " Y-Yes May, I-I saw her -------- kagat labing napailing ako ng ilang beses, para akong tangang tumutulala. Hindi pa ako nakontento kinamot kamot ko pa ang aking ulo. " A-And? what Gabe? Your blushing kuya haha-- wait--- what happened? did y-you gave her th-------- HIndi ko na siya pinatapos magsalita dahil ipinaloob ko na siya sa aking mga bisig sabay pupog ng halik sa kanyang mukha. " Wait----- hahhahaha--- kuya--- saglit!! nakikiliti ako --- hahahahahhaha waiittttt Gabeeeeee-----  " She said yes May!! Can you believe it?  She's now my girfriend! Ang ubod ng sungit at supladitang batang  iyon ay girlfriend ko na! Sa loob ng tatlong taon na pangungulit at panliligaw ko sa kanya she finally said yes!! Grabe May! Alam mo yung parang sasabog yung dibdib ko sa sobrang saya--- tapos tapos--- May yung puso ko-- yung buong katawan ko nanginginig kanina lalo na nung niyakap ko siya... Ang bango bango niya,  nakakatakot siyang yakapin   but at the same time matagal kong pinagarap na mahawakan siya ng ganoon. Para bang magagalusan siya sa kaunting pagkakamali ko lamang. Tapos May, ang lambot  lambot ng kanyang labi---- matamis ------arrrghhhhh ansakit--- ansakit!! teka Mamayyyy Halos mawalan ako ng hininga ng walang pakundangang pingutin niya ang aking kanang tainga. Sa liit ng nanay ko napakalakas niya kapag ganitong nagagalit siya. " Sinagot ka pa lang, hinalikan mo na agad! Naku ikaw na bata ka!! manang mana ka talaga sa tatay mong napakabilis! Alam mo ba pinakidnap niya ako at ng hindi pa nasiyahan ikinulong niya ako sa isa sa mga silid ng palasyo and guess what your arrogant father gave me an ultimatum that day na dapat pakasalan ko siya!! as in that day!! ganun kabilis yang damuho mong ama na akala mo ay pag aari ang buong mundo ng dahil sa siya ang hari!! Sa dami ng mamanahin mong bata ka sa ama mo yang sobrang kabilisan pa sa babae!! I swear to God Gabe Hamilton puputulan kita ng pututoy oras na malaman ko sa tita Danika mo na may ginawa ka ng kababalaghan kay Khloe! Makikita mo talaga sa akin! Makikita mo!" halos habulin ni mamay ang kanyang hininga  dahil sa madami niyang sinabi.  Bitawan niya ang namumula at tila namamaga ko ng tainga. Pututoy talaga? Anong akala niya sa akin bata pa rin hanggang ngayon. Ang pututoy na sinasabi niya ay matagal ng lumaki.   Imbis na mainis at magreklamo nginitian ko pa siya na puno ng pagsuyo. Kinamot kamot ko ang aking tainga habang dahan dahang lumalapit ulit sa kanya. " May, natural lang sa mga magnobyo ang maghalikan at magyakapan pero ipinapangako ko sayo. Kung may mangyayari man sa amin ni Klong-klong. Tinitiyak ko sayong kasal na kami. Hindi ko hahayaan na mangyari sa amin ng walang basbas ng diyos at lalong lalo na ni Tito Kristoffer. Matagal ko ng inasam asam ang matamis niyang oo, ngayon ko pa ba naman sisirain ang tiwala niyong lahat. At isa pa nakapaghintay nga ako ng ilang taon, ano ba naman yung limang taon pa na darating. " pinaningkitan niya ako ng mata na parang hindi siya naniniwala sa aking mga sinabi kasabay ng pag ismid sa akin. Muntik na akong mapahagalpak ng tawa ng dahil doon dahil minsan daig pa niya kaming mga anak niya sa pagkaisip bata. Kaya nga minsan madalas siyang mapagkamalan ng mga hindi nakakilala sa kanya na kapatid ko  lamang dahil kung maka abrisyete sa akin, kung makapag lambing akala mo bunso kong kapatid. " Siguraduhin mo lang na bata ka. Kundi hindi lang ako ang uupak sayo kundi pati na rin ang tita Danika mo at ang mga kapatid niyang barako. "  " I swear May. With my own heart, blood and soul. Id rather die than see her hurt. " itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpang bata. Noong una seryosong seryoso siya, nakapinid ng husto ang kanyang labi, ang kanyang noo ay nakakunot habang nakahalukipkip hanggang sa hindi na siguro siya nakapagpigil dahil unti unti sumilay ang kanyang malaking ngiti. " Im so proud of you Gabe. You made me happy dahil nakikita ko sayo kung gaano kita napalaki ng maayos. You have made me proud. And I really really hope na matanggap ng tito Kristoffer mo ang relasyon niyong dalawa. Kaya sana anak, kahit ano pang mangyari, kahit ano pang dumating na pagsubok sa inyong dalawa na natitiyak kong darating. Huwag na huwag kang susuko at bibitaw. Intindihin mo ang kalagayan ng tatay niya. Thats her little girl na natitiyak kong maiiisip niyang aagawin mo sa kanya. Pero wag kang mag alala, nandito kami ni Tita Danika mo para suportahan at gabayan kayo.  " " Thank you May. " I said to her while kissing her forehead gently. " So, you gave her my ring? " " Yes, May. I gave her the ring that symbolize my true love and affection. And the promise that someday she will be my little queen. I just have to wait for her.. kailangan ko lang maghintay dahil marami pa siyang mga pangarap na gustong marating. Ayokong isipin niyang sinasaklawan ko ang pag iisip at desisyon niya. I want her to be free ngunit gusto ko ring nasa isip niya na. Ako.. ako ay naghihintay lamang sa matamis niyang oo para matuloy kami sa dambana at siya ay maging reyna  ng buhay ko. " " Oh.my.god, Gabe!! ang kakornihan mo ay nakuha mo sa ama mong ubod ng hambog! But thats so sweet! shett!! kung nandito ang ninang mo malamang lamang nalamog ka na sa kapipisil niya sa mukha mo. " Ngumiti na lamang ako sa aking ina. Nagmura siya.. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata, ay ang pagsilay niya sa aking alaala.. ang maamo niyang mukha, itim na itim na buhok, mapupulang labi -------- na nahalikan ko kanina.. ang malambot niyang katawan..   damn! Khloe I love you! please grow older. I cant wait to marry you...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD