CHAPTER 34

1635 Words
"Director Dela Cruz?" tawag ni Manager Santillan sa asawa ni Xia. Napatingin si Alexander sa kanyang asawa na kasalukuyan nang nakatingin sa kanya. "Where are you going?" tanong niya saka niya muling tinapunan ng tingin ang dalawang maleta ng kanyang asawa na nasa tabi ni Manager Santillan. Hindi umimik si Xia na siyang ikinainis ni Alexander kaya walang babalang agad niyang hinila ang dalawang maleta palayo kay Manager Santillan at wala namang nagawa si Manager Santillan. "You can't go anywhere," matigas na tugon niya saka mabilis niyang nilapitan si Xia na nanatiling nakatayo lamang at nakahawak sa pintuan ng sasakyan ng manager nito. Nang nasa harapan na niya si Xiq ay mabilis niya itong hinila sa kamay. "Ano ba! Bitiwan mo 'ko!" pagpupumiglas ni Xia pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak ni Alexander sa kamay nito kaya hindi ito nakawala. "Alex, ano ba?!" sigaw nito. "Mawalang-galang na po, Director Dela Cruz pero sa tingin ko nasasaktan ang asawa niyo," singit ni Manager Santillan nang hindi na niya kaya pang tiisin ang kanyang nakikita. "Huwag kang makialam!" galit na baling ni Alexander dito saka niya muling binalingan ang kanyang asawa habang patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas. "Bitiwan mo 'ko," muli pang angal ni Xia pero hindi na siya nakinig pa. "Director, please lang. Huwag niyo namang----"Hindi na naituloy pa ni Manager Santillan ang iba pa sana niyang sasabihin nang biglang dumapo sa kanyang mukha ang kamao ni Alexander na siyang labis niyang ikinabigla. "Manager Santillan!" sigaw ni Xia. Napaatras si Manager Santillan dahil sa lakas ng pagkakasapak ni Alexander sa kanyang mukha. Nagmukha tuloy siyang lasing, mabuti na lamang at matibay ang kanyang balance kaya hindi siya kaagad napabagsak nito. Mabilis na napatakbo si Xia palapit sa kanyang manager since nabitawan ni Alexander ang kanyang kamay nang sapakin nito si Manager Santillan. "Okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Xia rito habang hawak-hawak niya ito sa magkabila nitong braso habang nakahawak naman ang kanang kamay ni Manager Santillan sa bahagi ng pisnging tinamaan ng kamao ni Alexander. "I'm okay," saad nito kahit na medyo nakaramdam ito ng sakit sa bahaging nasapak ni Alexander. Galit na napatingin si Xia sa kanyang asawa na para bang nawala na ang pagiging lasing dahil sa ginawa nito. "Are you insane?!" bulyaw niya sa asawa na nasa mga mata pa rin nito ang galit dahil sa akalang pangingialam ni Manager Santillan sa kanilang dalawa. "Are you worried about him?" tanong ni Alexander sa boses na para bang nadi-disappoint. "Walang kasalanan ang tao sa'yo pero sinuntok mo. Alam mo ba kung ano ang pinaggagawa mo?" "Ipinagtatanggol mo ang pakialamero na 'yan?!" "Director, mali ang-----"Hindi kita kinakausap!" galit na putol ni Alexander sa iba pa sanang sasabihin ni Manager Santillan. "Sige na po, Manager. Mauna na ho kayo," baling ni Xia rito. "Kaya lang baka kung ano na ang-----"Okay lang po. Ako na po ang bahala," aniya at narinig niya ang mahinang buntong-hininga na pinakawalan nito saka ito muling napatingin sa kanyang asawa. "If there will be a problem, just let me know as early as you can," bilin nito saka ito lumapit sa sasakyan nito at agad nitong pinatakbo paalis matapos itong nakapasok. Galit na kinuha ni Xia ang dalawa niyang maleta saka siya nagmamadaling naglakad pabalik sa kanilang bahay at agad namang napasunod sa kanya si Alexander. Nang nakapasok na sila sa kanilang bahay ay galit na agad niyang binalingan ang kanyang asawang nakabuntot sa kanya kasabay ng pagbitaw niya sa dalawang maletang hawak niya. "Ano bang problema mo?!" galit niyang tanong nito. Sobra siyang nahihiya sa ginawang pagsapak nito sa kanyang manager. Nagmukha tuloy silang walang mga modo sa harapan ni Manager Santillan dahil sa inasta nito. "Tatanungin mo ako kung ano ang problema ko?" balik na tanong ni Alexander sa kanya, "You're about to go with him. Sa tingin mo, ano kaya ang mararamdaman ng isang lalaki kung makikita niya ang kanyang asawa na sasama sa ibang lalaki?!" Napaawang ang mga labi ni Xia sa naging pahayag ni Alexander. Hindi niya inaakalang napaka-one sided din pala ang lalaking pinakasalan at minahal niya. Dahan-dahan na inihakbang niya ang kanyang mga paa palapit dito habang nanatili ang matatalim niyang tingin dito. "Bakit ako? Inisip mo rin ba kung ano ang mararamdaman ng babae kapag nakita niya ang kanyang asawa na nakayakap sa ibang babae?" masakit na tanong niya rito. "Bakit, naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ko nagawa 'yon?" Lalong napaawang ang mga labi ni Xia dahil para bang sinasabi ngayon ni Alexander sa kanya na siya ang tanging  dahilan kung bakit nagawa nitong yumakap ng ibang babae. "Ako pa ang sinisisi mo?" hindi niya makapaniwalang tanong sa asawang tuluyan nang napasukan ng dumi ang pag-iisip dahil sa mga bagay na hindi nito matanggap. "Bakit hindi ba? Kung hindi mo lang sana ginawa ang bagay na 'yon, malamang hanggang ngayon maayos pa ang relasyon natin." Napatawa ng pagak si Xia sa kanyang mga narinig. Hindi niya akalain na sa bandang huli, sa kanya pa rin ibunton ang lahat ng mga nangyayari sa kanilang dalawa ngayon! "So, after all ako ang may kasalanan ng lahat?" tanong niya habang nangingilid na naman ang kanyang mga luha sa gilid ng magkabila niyang mga mata. "Oo!" matapang na sagot ni Alexander at tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Xia sa kabila ng kanyang pagpipigil dito. "Kasalanan mo ang lahat. Nang dahil sa'yo kaya tayo nagkakaganito. Kung hindi ka lang sana naging makasarili, hindi ko sana nagawa ang mga-----"Biglang napatigil si Alexander sa kanyang pagsasalita nang biglang dumapo sa kanyang pisngi ang palad ng kanyang asawa. "Nagsisisi ako kung bakit kita nakilala. Nagsisisi ako kung bakit ikaw pa ang pinangakuan ko ng panghabang-buhay na pagmamahalan. Pinagsisihan ko kung bakit ikaw pa ang minahal ko!" Napahagulhol na si Xia matapos niyang bitiwan ang mga katagang 'yon. Masyado nang mabigat ang kanyang kalooban. Hindi na niya kakayanin pa kung pipigilan niya iyon kaya hangga't magagawa niya ay ilalabas niya ito kahit na nagmumukha na siyang tanga sa harapan ng kanyang asawa. Ang sabi nga nila, ang pag-iyak ay hindi nagsasabing isa kang mahinang tao. Kung minsan, ito lang ang tanging paraan para naman mailabas mo ang mabibigat mong kalooban. Isa ito sa paraan para ipakita na nakahanda ka nang bumangon at magsimulang muli at when that time comes, isa ka nang matatag at matibay na indibidwal. Mabilis na hinawakan niya ang dalawa niyang maleta at nang hahakbang na sana siya palabas ng bahay ay agad namang nagsalita si Alexander. "Sige! Umalis ka! Umalis ka! I don't need you anymore! Umalis ka!" Wala nang iba pang dahilan si Xia para manatili lalo na nang marinig niya ang mga katagang binitiwan ng kanyang asawa. Mabilis na lumakad siya palabas ng bahay nang walang lingon-likod habang ang mga luha niya ay nag-uunahan sa pag-agos sa magkabila niyang pisngi. Naninikip ang kanyang dibdib habang pinipilit niyang inihakbang ang mga paa papalayo sa lugar na 'yon. Mabibigat ang kanyang mga binti habang tinatahak niya ang daan palabas sa kanilang bahay habang ang mga luha niya ay walang tigil sa kadadaloy. Sana, panaginip lamang ang lahat. Sana, isang imahinasyon lamang niya ang lahat. Sana, sana nga! Pero, kahit na anong gawin niya ay hindi maaaring magiging fantasy ang isang reality lalo na kapag marami ng luha ang nasayang, marami ng luha ang tumulo at umagos. Masakit man para sa kanya ang lahat pero may kalayaan naman siyang mahalin ang kanyang sarili. May kalayaan naman siyang bigyan siya ng kahit konting halaga lamang sa puso ng mga taong mahahalaga sa kanya lalo na sa puso ng taong pinangakuan niya nang panghabang-buhay na pagmamahal. Mahal na mahal niya si Alexander at alam niyang mahihirapan siyang makalimutan niya ito pero ang paglayo lamang ang tangi niyang alam para naman mapagtanto ng kanyang asawa ang kanyang kahalagahan. Hindi na rin napigilan pa ni Alexander ang kanyang mga luha dahil sa totoo lang ay masakit din para sa kanya ang paglayo ni Xia. Mahal niya ito at alam iyon ng Diyos. Pero, kung ito lamang ang tanging paraan para naman matatahimik na silang dalawa ay tatanggapin niya. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kanya pagkatapos nito. Hindi niya alam kung papaano haharapin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanyang asawa na nakasanayan na niya. Tama ba ang kanyang ginawa? Tama bang pinagtabuyan niya ito? Tama bang itinulak niya ito palayo sa kanya? Tama bang mas pinairal niya ang kanyang pride over his love? Mga katanungang kahit alam na niya ang posibleng kasagutan ay mas pinili pa rin niyang panindigan ang kung anumang nagawa na niya. Napahinto si Xia sa kanyang paglalakad nang hindi niya inaasahang susulpot sa kanyang harapan ang kanyang manager. Nag-aalalang agad itong lumakad palapit sa kanya nang mapansin nito ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi habang pinipilit niyang itago ito mula rito. "Why? What's wrong?" nag-aalalang tanong nito sa kanya at sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay biglang bumuhos ang kanyang mga luha kasabay nang biglaan niyang pagyakap sa kanyang manager. Para siyang batang nakahanap ng kakampi sa katauhan nito. Para siyang batang nakahanap ng karamay sa katauhan ng kanyang manager. Lihim namang nabigla si Manager Santillan sa kanyang ginawang pagyakap pero nang marinig nito ang kanyang paghikbi ay nakaramdam ito ng awa para sa kanya kaya dahan-dahan nitong itinaas ang mga kamay nito saka siya nito payakap na hinagud-hagod ang kanyang likuran upang kahit papaano ay kumalma ang kanyang kalooban na nabibigatan. Tahimik lamang si Xia habang nakaupo siya sa loob ng kotse ng kanyang manager sa tabi nito. Habang si Manager Santillan naman ay heto, tahimik din siyang pinapakiramdaman. Nakasandal lamang ang kanyang ulo sa windshield ng sasakyan habang patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha. Kailan ba matatapos ang pasakit na dumating sa buhay niya? Tanong na hindi niya alam ang kasagutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD