CHAPTER 32

1685 Words
"I saw her fainted at the park kaya agad ko siyang dinala rito," paliwanag ni Iya nang nakarating na si Martha sa hospital. "Anong sabi ng doktor?" "She was under so much stress at sabi pa ng doktor, walang laman ang kanyang tiyan. She didn't eat anything from yesterday." Napapikit na lamang si Martha dahil sa pag-aalala. Sino ba naman kasi ang may gana pang kumain sa kabila ng nakakagulat na mga pangyayari sa buhay nito ngayon. "Thank you. Ako na ang bahala sa kanya." Napatango naman si Iya at kahit na marami pa sana itong itanong ay mas pinili na lamang nito ang manahimik at umalis na lamang. Dahan-dahan na binuksan ni Martha ang pintuan ng kwarto kung saan nandu'n si Xia at nang mabuksan na niya ito ay nakita niyang gising na ang kaibigan pero nang makita siya nito ay agad naman itong umiwas ng tingin. Napabaling ito sa kabilang side ng kwarto ng hospital. Talagang wala itong balak na tingnan siya kahit panandalian lamang. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa palapit dito at nang nasa tapat na siya ng hinihigaan nito ay napahinto siya habang hindi niya inaalis ang kanyang paningin dito. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya pero wala siyang natanggap na tugon mula rito. Ramdam niya ang galit nito sa kanya hanggang sa mga sandaling 'yon at hindi niya ito masisisi. Umupo siya sa gilid ng higaan nito kahit na ramdam niyang ayaw ng kaibigan ang kanyang presensiya. Nakatagilid patalikod sa kanya si Xia kaya likod lamang ang kanyang nakikita rito. "May ikukumpisal ako sa'yo," pagsisimula niya. Kahit na hindi maganda ang naging kalagayan ngayon ni Xia ay alam niyang karapatan pa rin nito ang buong katotohanan. Kung hindi niya sasabihin dito ang lahat ay baka, hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataong makausap ito kagaya ng ginagawa niya ngayon kahit na hindi ito sumasagot sa kanya. "About the lipstick..." sabi niya at nahsisimula na ring bumigat ang kanyang kalooban habang si Xia naman ay unti-unting bumabalik sa kanyang ala-ala ang lahat. "Totoong magkasama sina Alexander at Marco nang bilhin nila iyon but the lipstick that your husband bought was not for you. It was for Nicole." Napapikit si Xia sa kanyang narinig habang pinipigilan niya ang kanyang mga luha. "Akala ko ba para kay Xia ang lipstick na 'yon pero bakit nasa kay Nicole na 'yon?" naguguluhang tanong ni Martha kay Alexander nang malaman niyang ibinigay pala nito kay Nicole ang nasabing lipstick instead na sa asawa nito ibigay. "Xia saw the lipstick inside your pocket the day after you bought it and she saw it again inside Nicole's bag." Naaalala pa niya kung papaano nag-aalala si Alexander nang mga sandaling 'yon nang malaman nito na alam na ni Xia ang tungkol sa lisptick na 'yon. "I didn't know it," saad nito. "Do something. I told her that your going to surprise her kaya sana, gawin mo ang dapat." Ayaw kasi niyang magkaroon ng aberya sa pagitan nilang lahat lalo na nang paparating na ang birthday nito ng panahong 'yon. "I was the one who advised him to buy a new one for you para hindi ka maghinala." Palihim na ikinuyom ni Xia ang kanyang kamao dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi talaga pumasok sa kanyang isipan na mangyayari sa kanya ang lahat nang nu'n. "That guy who hugged Nicole during your brithday..." Lihim na sakit na naman ang muling pumitik sa puso ni Xia dahil noon pa man ay malaki na ang kanyang pag-aakala na ang lalaking kayakap ni Nicole nang gabing 'yon ay walang iba kundi ang kanyang asawa. "It was Alexander." At tuluyan na ngang dumaloy ang kanyang mga luha. Bakit ba ang tanga-tanga niya? Bakit  ba hindi niya pinaniwalaan ang kanyang sarili? "When I saw you watching them quietly, I secretly sent a message to Nicole to warned them, to let them know that you are there at their back, silently watching them." Ngayon na niya nalaman kung bakit nang kumalas mula sa pagkakayakap si Nicole kay Alexander nang gabing 'yon ay nakita niya itong napatingin sa phone at maya-maya lang ay biglang sumulpot mula sa kanyang likuran si Martha at nang muli niyang nilingon si Nicole nang mga sandaling 'yon ay wala na ang lalaking kayakap nito. "Noong time na nadatnan mo kaming nagkakasagutan ay 'yon ang time na sinubukan ko uli siyang kausapin na itigil na ang lahat ng kanilang ginagawang panluluko pero ayaw niyang makinig kaya humantong kami sa away." Hindi na alam ni Xia kung kaya pa ba niyang pakisamahan ang mga ito pagkatapos ng lahat. Hindi na niya alam kung kaya pa ba niyang ibalik ang kung ano man ang pakikitungo niya rito noon. Sadyang napakasakit para sa kanya ang tanggapin ang lahat. Nagpakatotoo naman siya pero bakit ganito pa ang naging sukli? "Xia, alam kong galit ka pero sana naman maniwala kang hindi ako ang nag-send sa'yo ng message na nagsasabing si Marjorie ang kabet ni Alex. Maniwala ka." Ramdam na ni Xia ang pagkaralgal ng boses ni Martha at alam niyang any moment ay iiyak na ito. Dahan-dahan na tumayo si Martha mula sa pagkakaupo niya sa higaan ng kanyang kaibigan at bago pa man niya ito tuluyang iniwan ay muli pa niya itong sinulyapan. "That was not me. It was Nicole," sabi niya saka na siya tuluyang lumabas ng kwarto at nang marinig ni Xia ang pagsara ng pintuan ay lalong umagos ang kanyang mga luha na para bang walang katapusan. Galit ang kanyang nararamdaman! At kahit kailan, hindi niya mapapatawad ang mga ito. Kahit kailan, hindi na niya magawa pang kalimutan anv mga nagawa ng mga ito sa kanya. Kabutihan ang ibinigay niya sa mga ito pero bakit sakit ang isinukli? Minahal niya nang tapat ang kanyang asawa pero bakit kataksilan ang ibinalik sa kanya? Ganito ba talaga ka-unfair ang mundo? Bakit hindi na lang, kung ano ang ibinigay mo ay siya ring babalik sa'yo? "Promise me, that no matter what will happen, even if I'm not a perfect wife to you, you will never ever leave me at hindi mo 'ko ipagpapalit kahit kanino man." Naaalala niyang pakiusap kay Alexander nang gabi kung kailan nagse-celebrate siya ng kanyang kaarawan pati na si Marco. Takot kasi siya na baka sa isang iglap lang ay mawala na sa kanyang buhay ang mahal niyang asawa kaya pinilit niya itong mangako para naman kahit papaano ay may panghahawakan siya. Panghahawakan na kahit kailan ay hindi siya nito iiwan. Panghahawakan na kahit anong mangyari ay siya lamang ang mamahalin nito habang-buhay. "What's wrong? May nangyari ba?" "Promise me, please." "Promise, hindi kita iiwan. Hindi kita ipagpapalit kanino man." Lalo lamang siyang napaiyak. Lalo lamang naninikip ang kanyang dibdib dahil sa kanyang mga naaalala. Lalo lamang bumuhos ang kanyang mga luha. Lalo lamang siyang nasaktan! Napahawak siya sa suot niyang damit sa may bandang dibdib niya at unti-unti niya iyong hinigpitan na para bang du'n niya ibinubuhos ang lahat ng sakit. Ang pangako na pinanghahawakan niya ay ngayon, nagkaroon na ng lamat. Ang pangakong akala niya magiging lakas niya upang matapang na harapin ang anumang pagsubok na darating sa kanilang pagsasama ay nagbibigay lamang ng sakit sa puso ni Xia kapag naaalala niya ito. Samantala, pagkatapos ng halos dalawang oras na biyahe ay nakarating na rin sina Nicole at Glendon sa resthouse kung saan dinala ni Glendon ang kanyang asawa na pagmamay-ari rin ng kanyang pamilya. Ayaw pa sanang lumabas ni Nicole ay wala na siyang nagawa nang pwersahan siyang hinila ni Glendon. Nasasaktan man siya ay wala nang pakialam sa kanya ang kanyang asawa dahil na rin sa galit na nararamdaman pagkatapos masaksihan at malaman ang buong katotohanan. Ang ginagawang pagtataksil ni Nicole! "Why did you bring me here?" galit na tanong ni Nicole. "I just want to take you away from Alexander," matapat na sagot ni Glendon. 'Yon naman talaga ang kanyang balak. "You can't do this to me," matapang na saad ni Nicole saka nito sinubukang makatakas pero agad naman siyang nahawakan ni Glendon sa kanyang beywang. "Let me go!" sigaw nito habang nagpupumiglas pero hindi na siya pinakawalan pa ni Glendon. Binuhat siya nito papasok ng resthouse at nang nasa loob na sila ay agad siyang ibinaba ng kanyang asawa. "Hayop ka!" bulyaw niya rito na siyang lalong nagpainis kay Glendon. "You can't lock me up here!" aniya saka niya biglang itinulak si Glendon pero galit na hinawakan siya ng kanyang asawa sa kanyang magkabilang braso. Nakaramdam siya ng sakit nang bahagyang idiniin ni Glendon ang kanyang pagkakahawak sa braso ni Nicole. "Bitiwan mo ako!" "You want to go home? You don't want to stay here with me?" tanong niya sa asawang nagpupumiglas pa rin upang makawala. "Why?!" singhal niya kay Nicole, "Is it because you can't leave that bastard?!" "Yes! I can't leave him. I can't afford to lose him!" matapang niyang sagot. "Bakit? Mas masarap ba siyang humalik kaysa sa akin? Mas magaling ba siya sa kama? Ganu'n ba, huh?!" "Oo!" Tuluyan nang sumabog si Glendon sa galit matapos niyang marinig ang hindi niya inaasahang pag-amin ng kanyang asawa. Bigla niyang binaklas ang braso nito palapit sa kanya kasabay ng pwersahang paglapat ng kanyang mga labi sa bibig nito. Galit na galit na nagpupumiglas si Nicole habang buong lakas ding inaangkin ni Glendon ang kanyang mga labi. At nang makawala siya ay isang malakas na sampal ang kanyang ibinigay sa asawa na siyang lalong nagpainit sa ulo ni Glendon. Kaya, walang anu-ano'y binuhat siya nito at pabagsak na binitiwan sa ibabaw ng malambot na kama. Agad niyang hinubad ang suot niyang t-shirt at mabilis na hinila si Nicole pabalik sa kama nang sinubukan pa nitong makatakas uli. Nang patihayang nakahiga na si Nicole sa ibabaw ng kama ay agad niya iton dinaganan at walang awang muling inalipusta ang mga labi nito habang ang kanyang mga kamay ay naghahanap ng paraan upang tuluyan na niya itong mahubaran at hindi nga siya nabigo pa. Wala nang nagawa si Nicole nang tuluyan nang nagkaisa ang kanilang katawan ng kanyang asawa. Si Glendon naman ay tuluyan nang nilamon ng galit sa mga nalaman at sa mga natuklasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD