"Thank you so much, Ms. Sanchez. It's so great to have you in our company," magiliw na saad ni Xia, isang araw nang napagpasyahan ni Ms. Sanchez na pumirma na sa kanya para maging investor na nila ito.
"Well, you should be thankful to a person who encouraged me to invest."
"Sino po?" takang-tanong niya rito.
"Hmmmm..." anito na para bang nagdadalawang-isip pa kung sasabihin nito ang tungkol sa bagay na 'yon, "Kumusta na pala ang buhay-pag-ibig mo?" pag-iiba nito ng usapin na siya namang nagpatahimik sa kanya.
Napayuko siya at nahihiya siyang tingnan nang diretso sa mga mata ang kanyang kausap.
"Alam mong minsan sa buhay, may mga bagay talaga tayong hindi maiintindihan na siyang magiging dahilan sa pag-aaway but I'm hoping na kasabay ng pag-angat mo ay ang paglago ng buhay mo kasama ang taong mahahalaga sa'yo."
Tumayo si Ms. Sanchez at bago pa man ito tuluyang nakaalis ay muli muna siya nitong tinapunan ng tingin.
"I know your husband, he is a good man. Please, don't let him slip away from your hands," makahulugan nitong saad saka siya nito tuluyang iniwan.
Agad siyang napatayo at bahagya siyang napayuko bilang paggalang dito.
Muli siyang napaupo nang tuluyan nang nawala sa kanyang paningin ang kanyang kausap. Hindi niya maiintindihan kung bakit nasabi iyon ni Ms. Sanchez sa kanya gayong hindi naman sila close, hindi naman siya nito lubusang kilala.
"May point din naman siya," saad ni Nicole nang sabihin niya sa mga ito ang tungkol sa sinabi sa kanya ni Ms. Sanchez.
"While you can, try to reconcile with Alex. Sayang ang mga taong pinagsamahan niyo kung matatapos lang sa ganitong paraan," pahayag naman ni Martha.
"Wala naman sa kung sino ang may mali, basta ang mahalaga ay isa sa inyo ang handang humingi ng patawad at magpakumbaba para sa katahimikan ng pagsasama niyo," sabad naman ni Nicole.
"Salamat sa inyo," nakangiti niyang sabi sa mga ito.
Napatingin siya sa kamay niya nang bigla itong hinawakan ni Nicole.
"We are here for you so, don't hesitate to tell us your problem dahil handa kaming makinig sa'yo," pagpapalubag-loob na saad nito.
Napatingin siya kay Martha at nakita niya ang pagngiti nito sa kanya na para bang sinasabi nitong totoo ang sinabi sa kanya ni Nicole.
Napatingin si Alex sa pintuan ng kanyang office nang bigla itong bumukad at napakunot ang kanyang noo nang makita niya ang kanyang asawa na nakangiti habang nakatingin ito sa kanya.
"Hi," bati nito sa kanya habang nasa gilid ng mga labi nito ang matamis na ngiti.
"Why are you here?" tanong niya kaagad dito.
Napatingin siya sa bitbit nitong plastic nang ipinatong nito sa ibabaw ng kanyang mesa.
"I bought you a lunch," magiliw na saad ni Xia saka nito iniisa-isang inilabas mula sa dalang plastic ang mga pagkaing binili nito.
"What are you doing?" nagtatakang-tanong niya na siya namang nagpahinto sa kanyang asawa sa ginagawa nito at seryoso itong napatingin sa kanya.
"Alam kong nagkamali ako but let me do everything so that I can to fix it. Okay?"
Nanatiling nakatuon ang mga mata ni Alex sa kanyang asawa habang inaayos nitong muli ang dalang pagkain sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Hayan! Kumain ka na," ani Xia habang nakatingin ito sa kanya.
Nagdadalawang-isip na napatingin siya sa mga pagkaing nasa harapan niya. Hindi niya alam, wala siyang ideya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito kaya hindi niya naiwasang mag-isip ng kung ano-ano.
"Go ahead," nakangiting saad ni Xia at nang kakain na sana si Alex ay bigla namang may kumatok sa pinto ng opisina niya at iniluwa iyon ng kanyang secretary. Si Marjorie Cabias!
"Yes?" tanong niya sa kanyang secretary.
Bahagyang napatigil si Marjorie nang makita nito ang mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa ng kanyang boss.
"What is it?" muling tanong ni Alex.
Bahagya namang napaawang si Marjorie at saglit itong napatingin kay Xia na naghihintay na rin sa isasagot nito.
"Sir, I just want to remind you about your lunch meeting together with Mr. Sentin today," saad nito.
Nakita ni Xia ang bahagyang pag-awang ng mga labi ng kanyang asawa.
"Yeah, right! I almost forget about that lunch," saad nito saka ito mabilis na tumayo kasabay ng pagdakma nito sa jacket nitong nakasabit sa likuran ng inuupuan nitong swevil chair.
Nakaawang naman ang mga labi ni Xia habang nakasunod ang kanyang mga mata sa kanyang asawa.
"Alex, what about the----"Oh, by the way," agad nitong singit sa iba pa sanang sasabihin ni Xia.
Napatingin siya sa kanyang dalang mga pagkain nang nakita niyang isa-isang ibinalik ni Alex ang mga iyon sa loob ng plastic na pinaglalagyan niya kanina.
Walang sabi-sabing lumabas ang kanyang asawa sa opisina nito habang nakasunod naman ang secretary nito kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod na rin sa mga ito.
Lumapit si Alex sa iba pang mga empleyadong nandu'n saka nito inabot sa isa mga iyon ang pagkain na binili niya para rito.
"My wife is so kind. She really want to give you this food as her treat to you. Sana naman magustuhan niyo kahit na konti lang ang mga iyan," pahayag nito at tuwang-tuwa naman ang mga empleyadong nabigyan ng pagkain.
"Thank you so much, Mrs. Dela Cruz," giliw na saad ng iba habang pinaghahatian na ng mga ito ang pagkain.
Napaawang lalo ang mga labi ni Xia sa ginawa ng kanyang asawa. Sadyang hindi niya inasahan na gagawin iyon ni Alex sa kanya. Wala talaga sa kanyang isipan na mangyayari iyon kaya talagang hindi siya makapaniwala sa nasaksihan.
Wala siyang ibang nagawa kundi ang sapilitang ngumiti na lamang lalo na at nakangiting napatingin at nagpapasalamat sa kanya ang ibang empleyado.
"Come with me," narinig niyang baling ni Alex sa secretary nito.
Agad kinuha ni Marjorie ang sling bag nito at walang lingon-likod na umalis ang dalawa.
Nasaktan si Xia sa ginawa ni Alex na ibigay ang pagkaing dala niya na talagang inilaan niya iyon para rito pero ang iwan siya nito kasama ang secretary nito na para bang hindi siya nito nakikita ay siyang labis na nagbigay sa kanya ng sakit ng kalooban.
Halos hindi niya akalain na magagawa ni Alex sa kanya ang bagay na 'yon.
Nasaktan na nga siya, napahiya pa siya nang napatingin sa kanya ang ibang empleyado na nakapansin sa eksena.
Agad niyang hinabol sina Alex at Marjorie. Hindi siya gagawa ng gulo, 'yan ang ipinangako niya sa kanyang sarili nang pumunta siya para makipagbati sa asawa. Gusto lamang niya ng paliwanag sa mga nangyayari.
"Alex?" tawag niya rito pero hindi siya nito pinansin.
Tuloy-tuloy itong naglakad hanggang sa nakarating na sila sa basement ng kompanya kung saan naka-park ang kanilang sasakyan.
"Alex!" muli niyang tawag dito pero nanatili itong bingi sa kanyang pagtawag kaya nang buksan na sana nito ang pintuan ng sasakyan ay agad niya itong itinulak pasara na siyang ikinabagot ng kanyang asawa.
"What?!"
Labis ang pagkabigla ni Xia nang bigla siya nitong sinigawan dahil sa kanyang ginawang pagsara sa pintuan ng kotse habang si Marjorie naman ay nanatili lamang nakatayo sa kabilang side ng sasakyan.
"What do you want?" tanong nito sa kanya.
"I just want an explanation," mahinahon pa rin niyang saad.
"For what?"
"Those foods... I brought them just for you but why did you give it to others?" May bahid ng pagkainis ang kanyang boses nang bigkasin niya ang mga katagang 'yon.
"Did you hear what my secretary told me earlier?" balik-tanong nito sa kanya.
Saglit niyang tinapunan ng tingin si Marjorie pero agad naman itong umiwas ng tingin.
"I will tell you just in case, you didn't hear what my secretary told me..." Bahagyang nag-bend si Alex kaya nagpantay ang mukha nito sa kanyang mukha.
"..I have my lunch meeting with Mr. Sentin and that meeting is so important and I can't postpone it. In other words, I can't eat the food you brought for me."
Ramdam na ramdam ni Xia ang panginginsulto sa mga binitiwang kataga ng kanyang asawa.
"Pero hindi mo na dapat ginawa 'yon. Alam mo bang nagmumukha akong katawa-tawa sa harapan ng mga 'yon? Alam mo bang napahiya mo ako dahil sa ginawa mo?" pagpakatotoo niya rito.
'Yon naman talaga ang kanyang nararamdaman kaya hindi na niya dapat pa itong itago. Alam naman ni Alex na prangka siyang tao kaya hindi na nakapagtataka kung minsan walang preno ang kanyang bibig.
Karapatan din naman niyang ilabas kung ano ang kanyang nararamdaman kaya wala siyang dapat na ikatakot.
"Well, I'm sorry. I didn't know about that thing," malamig na saad ni Alex imbes na makunsensiya ito sa ginawa nito.
"Alex, why are you so hard to deal with? Ang nais ko lang naman magiging okay tayo. Pero, bakit parang ayaw mo?" maluha-luha niyang tanong sa asawa.
"Will you stop? Hindi lang tayong dalawa ang nandito," saway sa kanya ni Alex.
Napatingin siya kay Marjorie at nakita niya ang muling pagyuko nito na tila ba ito pa ang nahihiya sa eksenang kinasasangkutan nila.
Saglit lang ang ginawa niyang pagtingin sa secretary ng kanyang asawa.
Muli niyang ibinalik ang kanyang atensiyon kay Alex na alam niyang napipikon na rin sa mga inasal niya.
At wala na rin siyang pakialam kung may ibang tao bang nakikinig sa kanilang usapan. Wala na siyang pakialam kung ano ang sasabihin ni Marjorie tungkol sa kanya pagkatapos nito.
Magsasalita pa sana siya ngunit mabilis naman ang ginawang pag-awat sa kanya ni Alex.
"Get inside," baling nito kay Marjorie na agad naman nitong sinunod.
"Alex?" tawag pa niya rito pero tunog na lamang ng pagsara ng pintuan ng kotse ang kanyang narinig.
She keeps blinking her eyes just to avoid her tears from falling down to her face dahil sa totoo lang, nasasaktan siya sa kanyang mga narinig mula mismo sa kanyang asawa.
Nang nawala na sa kanyang paningin ang sasakyan na minamaneho ni Alex ay saka na lamang tumulo ang kanyang mga luha sa sakit na kanyang nararamdaman ng mga sandaling 'yon. Kahit na anong pigil niya ay talagang hindi na niya kinaya pa dahil pakiramdam niya, sasabog ang kanyang dibdib kapag hindi niya ito nailabas.