Episode 2

1973 Words
7 years ago....  "Besh!"kilala ko ang boses na iyon ang matinis at malakas na tinig ni Kelly and kaisaisang kaibigan ko sa buong campus simula first year at kahit hangang ngayong graduating student na kami ay hindi ako nagkaroon ng interest sa pakikipagkaibigan ang nais ko lang ay ang mgfocus sa aking pagaaral.Palagi kong inilalayo ang aking sarili sa ibang tao malayo sa distraksyon lalong lalo na sa mga kalalakihan na kahit sobrang wierdo na ang tingin ng ibang mga studyante.Si Kelly lamang ang makulit na dikit ng dikit sa akin dahil kahit anong iwas ko dito ay laging itong nakabuntot sa akin kaya nasanay na lang ako sa presensya nito. "The most valuable letter of the year!!"sabay abot sa akin ng isang itim na invitation card na may nakasulat na Graduation Ball "ano to?"sabay sipat sa sobre "alam mo besh minsan napapaisip ako kung matalino ka talaga,ano pa b yan sa tingin mo invitation yan para sa Grad party naten sa saturday"impit na napapatili si Kelly na naimoy kinikilig, "Ewan ko sayo pero hindi ako pupunta jan sakit lang ng ulo aabutin ko jan"sabay balik ang card sa kanya "Hindi ka ba gagraduate?"sabay lapit ng muka niyang nakakunot sa muka ko ,tinakip ko ang kamay sa kanyang muka at tinulak papalayo, "ewan ko sayo, kelan ba naging requirement ang pagpunta sa party para makagraduate" saktong patalikod na ako sa kanya ng bigla nya hinatak ang kamay ko at inipit ang sobre  "wag ka ngang kj Alaine bawasan mo ng konti ang pagka boring at wierdo mo "pero isang matalim na tingin ang binigay ko sa kanya pero alam ko ng nagpasabog ng kakulitan sa mundo eh isa ito sa mga nagdala ng truck at sumalo ng lahat kaya hindi ako mananalo sa kanya. Lagi akong masungit sa kanya dati pa nga lagi ko syang tinataguan pero sa kamalas malasan eh naging room mate  pa kami sa dorm.Naiirita ako sa kanya pero aaminin ko kung hindi dahil kay Kelly malamang isang malaking black and white ang university life ko.Natuto akong magpahinga at ngumiti dahil  sa presenya nya nakakalimutan ko tuloy ang pagkamiss ko sa aking mga magulang.     Isa akong scholar galing sa aming probinsya at dahil sa kagustuhan kong maiahon sa hirap ang aking mga magulang nagsisikap ako makatapos pinangako ko sa kanila na pag nakatapos ako ay kukuha ako ng magandang trabaho at ipapagawa ko ang aming barong barong.Kaya lalo akong dapat magfocus saaking goal hindi ako dapat mapaliko ng daan.Binilisan ko ang aking paglalakad para makalayo na sa makulit na ito.     "you will miss half of your life,malay mo dun mo makilala ang poging the one mo!"sigaw sa akin ni Kelly at halos marinig ng ibang mga studyante, mabilis akong tumakbo pabalik sa kanya at tinakpan ang bibig nya,napaka maeskandalo talaga tong tao na to."Ano ka ba Kelly hinaaan mo nga ang boses mo"pagbabanta ko sa kanya.Tinangal nya ang kamay ko "hihinaan ko ang boses ko pag mgpromise ka na pupunta ka sa party" "anu ba kase mahalaga jan sa party na yan at anung gagawin ko sa pogi hindi ko makakain un"naiinis kong sabi sa kanya,"naku besh ang wild mo pla ,kain agad hindi ba pwedeng get to know each other muna"sabay kindat  sa akin "tumigil ka sa kalokohan mo ,hindi mo ako mapipilit jan"at inisnab ko sya  "ah ganun ha"pilya syang ngumiti sa akin "hoy mga schoolmate alam nyo ba ba boxer shorts ang la....!!!"lumaki ang mga mata ko ng sumigaw si Kelly,mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig isang sikreto ko na sya lang ang nakakalam at dahil hindi ko naman matatago sa kanya since room mate kmi"shsss!!ou na please wag ka ng maingay pupunta na ako"kinkabhan kong sabi sa kanya "talaga?"excited syang yumakap sa akin "hoy  joke lang ung sinabi ko wag kayo maniwala sakin"jusko minsan talaga iniisip ko na lang na accelerated ito at 13 years old lang talaga xa.Tumakbo na ako palayo sa kanya at kung ano pa maisip nitong kalokohan.Ano ba tong pinasok ko.Ano ba kasing mali kung boxers and gusto kong isout kesa panty mas kumportable kaya ako dun.pagtatangol ko sa sarili ko     Dumiretso na ako sa faculty room para sa aking duty,isa rin kase akong student assistant at kanang kamay na isa sa aking mga advisor,eto na bale ang aking extra curricular kaysa sumali ako sa kung ano anung club sa school.Mas mabuti na ito marami akong natutunan hindi ko rin kase kayang isabay ang mga club activitied sa mga lesson ko at hindi ko  maaring pabayaan ang aking grades bukod sa scholarship ay running for c*m laude ako kelangan imaintain ang high grades "and sarap sigurong marinig sa graduation ang pangalan ko na may kadugtong na c*m laude "lihim akong napangiti at hind ko na napansin ang  pinto muntik ng mauntog ang ulo ko sa pinto ng faculty room ng may biglang may malapad at mainit na palad ang sumalo sa ulo ko bumitaw din ito sa kaagad kaya bigla akong natauhan paglingon ko para makita kung sino ang taong un ay bigla niyang tinakip ang sobre sa  aking muka "nahulog mo,masyado ka na naman lutang"hinawakan ko ang sobre at ang nakita ko na lang ay ang malapad na likod ng estranghero,nakapamulsa ito at naglalakad palayo sa akin kaya hindi ko na nakita ang kanyang muka napatitig ako sa hulma ng imaheng palayo sa akin "parang sarap naman nyang yakapin"iniling ko ng mabilis ang aking ulo para mawala ang pagpapantasya ko,ano banaman nasa isip ko nakakadiri..!!mabalis na pumasok sa faculty room at dumiretso na sa aking desk wala na masyadong gawain konting filings na lang dahil malapit ng matapos ang sem      "goodmorning Alaine! nakangiting bati sa akin ni Mrs Marasigan ang aking mentor simula first year ay sya na  ang gumabay sa akin sa lahat para na rin syang tumayong nanay sa school.Lumapit ito sa akin at tinipiktapik ang sobre gamit  ang kanyang hintuturo "you should attend to this"diretso pa rin ang tingin niya sa akin ,mejo nahihiwagaan ako sa party na ito bakit ang daming pumipilit sa akin na pumunta dito. "There is more to life than hardwork Ms Lopez"tumalikod na sya sa akin at dumiretso sa kanyang desk kumuha sya ng isang folder at binasa ito pero naramdaman ata nya na atang nakatingin pa rin ako sa kanya ay bigla syang nagtaas ng ulo at binigyan ako ng nagtatanung na expresion.     "bakit po?"tanung ko "why what?"amuse na tanung nya sa akin "c'mon Alaine give yourself a reward there other things you can enjoy more than books and good grades"sabay kindat nya sa akin feeling ko tuloy ibang Mrs Marasigan ang kausap ko seryoso kase ito pagdating sa pagaaral at lagi nya sinasbing education will be my armoir in the future. "naka oo na po ako kay Kelly, alam nyo naman un makulit pero pagiisipan ko pa rin"tinitigan ko ng matagal ang sobre ng biglang lumitaw sa isip ko ang imahe ng lalaki kanina pupunta kaya sya?hsst..!anu bang sinasabi ko haist! napabuntong hininga na lang ako at tinuloy ang aking ginagawa hangang di ko namalayang  oras na pala para  umuwi.Inayos ko ang aking mga gamit at nagpaalam kay maam "ill be expecting you this saturday ha."habol niyang sabi sa akin,  ngumiti na lang ako at tuluyan ng lumabas. Saturday..    Mga 5 oras na ang nakakaraan  ng magsimulaang party pero eto parin ako nakatayo sa kawalan ,sinigurado pa ni Kelly na pupunta ako kaya dinala niya ang lahat ng susi sa room,ipanglalaban ko talaga sa pakulitan ang babaeng iyon. Bumuntong hininga ako at isinuot ang baseball cap,tinaas ang hood ng aking black jacket habang nakatingin sa salamin."siguro naman masaya din duon "nginitiaan ko ang aking sarili at tulyan ng lumabas ng dorm papunta sa party. Sa isang mamahaling hotel ginanap ang party,1960 ang theme ng party si Kelly pa ang bumili ng aking damit pero hindi ko talaga maatim nsa suotin iyon kaya bumili ako  ngslim fit collared shirts at fitted pants ito ang suot ko sa ilalim ng hoody ko mas komportble ako dito kesa sa dress ni Kelly.   Pagpasok ko ng hall ay nahilo agad ako sa dami ng tao duon,para sa Engineering department lang ang party pero nayon ko lang nalaman na napakarami pala namin sa course na yon.Pumunta ako sa  gilid at pinagmasdan na lang ang mga tao sa paligid may ibat ibang grupo ng lahat lalaki,;lahat babae at mga magkakapares na halos magpalit ng muka ng sobrang lapit ang ibang lalaki ay akala mo mga ahas na nakalingkis sa mga bewang ng mga kababaihan. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko kaya lumabas ako ng hall at nglakadlakad,nakarating ako sa elevetor at nakita ko ang sign na  "roofdeck" mas maganda siguro kung mgpahangin muna ako duon nasasakal na rin ako sa suot ko.  Paglabas ng elevator ang isang bakanteng floor na mayroong hagdan pataas kung saan meroon pang maliit na pinto ,ito na siguro un pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang malamig na hangin sa paligid at malakas na hangin mula kinatatayuan ko ay ang magandanng city lights ang sarap sa mata napaka peaceful niyakap ko ang aking sarili at tumingala ng nakapikit ay naramdaman ko na mayroong nakatingin sa akin at laking gulat ko ng isang muka ang bumungad sa akin sa sobrang lapit nito at halos magdikit ang aming mga ilong.Nanlaki ang aking ilong at napaatras sa takot nawalan ako ng balanse at  muntik mabuwal ,ngunit mabilis niyang hinapit ang aking bewang at napahawak ako sa kanyang mga balikat madilim ang paligid pero ang sinag ng buwan ang umilaw sa gwapong muka ng lalaking ito mahaba ang pilik mata nakakaakit ang kanyang mga mata pero parang may bahid ng lungkot ang mga titig nito,may kung ano akong naamoy pero naakit ang ilong ko na amuyin ang kanyang leeg,matangos ang ilong na bumagay sa kanyang basang labi ano kaya pakiramdam kung ito ang magiging first kiss ko? napansin kong gumalaw ang adams apple nito at bumaba ang tingin sa aking labi.  "napaka feminine ng muka mo pare iisipin ko tuloy chicks ka"nagulat ako sa mga salita niya at itnulak siya para makaayos ng tayo akma na akong tatalikod  ng bigla siyang ngsalita "teka lang pre,samahan mo naman ako uminom malungkot ako eh"basag ang boses nito iba ang tono ng malamig niyang boses hindi ko alam kung bakit pero may nagsasabi sa isip ko na kelangan ko siyang samahan kahit hindi naman talaga ako umiinom.Pag harap ko sa kanya ay nakalahad ang kanya kamay namay hawak na bote.Wala sa sarli kong inabot ang alak at sumunod sa lalaki napansin ko ang mga boteng ngkalat sa paligid marami na itong nainom ayun pla ung naamoy ko sa kanya pero bakit ganun parang perfume ang bango ng alak sa kanya, ung tatay ko amoy bangus na hindi maintindihan pag lasing binabagay sa  face value ang amoy ng lasing? "ui teka ubos na pala,tara pare duon tayo sa room ko,marami akong stock dun "nabigla ako sinabi nya pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ba ako sumusunod sa kanya para akong naeengkanto sa bawat salita ng lalaking ito.Sabagay pare ang tawag niya sa akin malamang walang balak na masama ito at  hindi naman sya mukang bading.Naglakad kami palabas ng papunta  sa kanyang room,teka sino ba ang taong ito studyante din ba sya?pero bakit may room sya at bakit ako sasama sa loob lahat ng gumugulo sa utak ko ay biglang natunaw ng hinawkan niya ang aking pulsuhan at hinila papasok ng kwarto nahigit ko ang aking paghinga ng maramdaman ko ang kanya maiinit na palad isang pamilyar na pakiramdam na hindi ko matandaan kung saan galing malamig aircon and kwarto pero umaakyat sa ulo ko ang init ng katawan ko hindi ko alam kung bakit pero parang may battle of the bands sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kalabog nito, napainom ako ng alak ng makapasok kami pinagsisihan ko talaga ang isang lagok naiyon, hindi ko alam na dahil sa patak ng alak na sumayad sa aking lalamunan ay magbabago ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD