Masama ang tingin na pinukol ko kay Noah na halata ring nagulat nang makita ako. Simula noong makita ko ang babae at maalala kong saan ko ito nakita ay sumama kaagad ang aking mood. Ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo habang nakatingin sa kanilang dalawa. Mas lalong sumama ang aking tingin kay Noah nang makita na nakalingkis ang babae sa braso nito. I gritted my teeth and glared at him. Noah let out a sigh while staring at me too. He looks like he's in trouble. For what? Dahil nakita ko ito? Hayop na lalaking 'to. Kaya pala hindi nag message sa akin buong araw at umalis nang maaga kanina ay dahil may babae pala ito. Hindi ko pa nga ito sinasagot pero ito ngayon ang lalaki, may babae na. Inis na inirapan ko ito at tumalikod. I crossed my arms over my chest and calmed myself. Ramdam ko ang

