"Yes," malamig at seryoso nitong sabi. Napaawang ang aming mga labi dahil sa sobrang gulat. Hindi ko talaga inaasahan na sobrang yaman pala nito. At kasama pa sa top ten ah? So ibig sabihin may kompanya rin ito? Eh 'di ba 24 pa ito? Gosh, to think that he was able to achieve that high at a young age is making me beyond proud. Like duh, sino bang hindi? Professor ito, grumaduate sa pinaka prestigious na school sa Asia, ang daming kurso na natapos dahil advance ito, at business man? Jusko, perfect man na ba ang na bingwit ko? "Wow, nahiya tuloy ako sa bahay namin. Pasensya na anak," nakangiwing sabi ni Mom at halatang nahihiya talaga. Napatango-tango ako sa sinabi ng aking Ina. Hindi ganoon ka laki ang aming bahay at hindi kami ganoon ka yaman. Simple lang ang aming buhay, habang itong si

