"W-what?" nauutal at kinakabahan na tanong ko kay Noah habang sinasalubong ang nagbaba at halatang galit na mga mata nito. Gumalaw ang kaniyang panga at mas lalong humigpit ang kaniyang kapit sa akin. Napahigit ako ng sariling hininga nang binaon niya ang kaniyang ulo sa aking leeg at niyakap ako nang mahigpit. What he said just now made me lose my sense. Wala akong makitang pagbibiro sa kaniyang mga mata. He looks so intense and is really going to do that. Pero imbes na maging masaya dahil ganito ito sa akin ay hindi ko mapigilang matakot. Paano na lang kung dahil sa pagmamahal nito ay mapahamak ito dahil sa akin? Paano kung makulong ito? Hindi ko ata kakayanin. "Don't ever think of something like that…" nahihirapan nitong sabi at mas lalong humigpit ang kapit sa akin. Parang may kung a

