"Hindi ako pamilyar sa Hawaii at iba ang lahat sa nakasanayan ko pero naisip ko pa talaga na lumabas ng hotel na mag-isa. Katangahan nga naman, Ahleya." "Tumutulo na laway ko. Mas mabuti na maghanap muna ako ng pagkain. Buti na lang may binigay sa akin si Madam Allaine na pera." Nagpatuloy si Ahleya sa paglalakad. "May makikita kaya akong convenience store?" Pero habang naglalakad siya, mas lalo siyang nawala. "Hindi ko alam kung paano babalik sa hotel, at hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Tanginang buhay." Sa wakas, habang dumilim ang langit, napadpad si Ahleya sa isang maliit na convenience store. "Sa wakas!" Pumasok siya sa loob at bumili ng pickles at vanilla ice cream. "Ang sarap!" Nguya lang siya ng nguya at walang pakialam sa nadidiri na tingin sa kanya ng

