"Teka! Hintayin mo ako, Alec!" Hinihingal na si Ahleya at sobrang bigat pa ng maleta niya. "Bakit ba ang bilis niya kung maglakad? Dahil ba sa sobrang taas ng mga paa niya?" "Hah! Tangina!" Binilisan ni Ahleya ang paglakad para mahabol niya na si Alec na kinakausap ang babaeng airport staff sa check-in counter. "May I have your passport, please?" "Here you go." "Are you checking any bags?" "Just this one." "A-At ito rin po?" Kumunot ang mukha ng babae at tinignan si Alec. "Is she with you, Sir?" Tinignan ni Ahleya si Alec, naghihintay sa sagot nito. Bumuntong ng hininga si Alec bago ito tumango ng nakasimangot ang mukha sabay sabi, "Yes." Bakas sa boses at sa mukha noto kung gaano ka bigat sa loob nito na mag-yes sa babae. Dahil pabigla ang desisyon ng kanyang Ina ay hindi

