ALEXA's POV
"Ano'ng nangyari sa kanya, Daph?" bungad sa amin ni Ate Ella nang maka pasok kami sa infirmary.
Ate Ella is one of our doctors here in our HQ.
"Nagka sprain po siya, Doc" sabi ko naman sa kanya.
Agad namang lumapit sa amin si Ate Ella 'tsaka tiningnan ang paa ni Miya.
"Oh, I see. Hindi naman malala 'yong case mo, Hija. For now, dito ka muna sa infirmary namin and h'wag kang matakot mababait 'yong mga staff namin dito" Ate Ella said tapos nginitan kami.
"She's right. Miya. Mababait ang mga nandito" Sabi ko naman.
"Pagaling ka" Alucard said.
Tumango naman si Miya at nginitian si Alucard. I smell something fishy here. Sana all malansa Lol.
Nagpaalam naman si Alu sa amin na mauuna na daw siya.
Ate Ella called some nurse para alalayan si Miya. Akmang aalis na sana si Ate Ella but I stop her.
"Ate Ella"
"Bakit, Daph?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Ikaw na po ang bahala sa kanya".
Tumango naman siya.
"Sige, Daph" sabi niya at nginitian niya ako for assurance.
Nagpaalam na siya sa akin kasi madami pa daw siyang gagawin dahil doon lumabas na ako sa infirmary. Bumalik na ako sa office ko, it's already 3PM.
Pagpasok ko sa office agad namang bumungad sa akin ang mukhang ng kapatid ko. Tsk! Just like what I expect. Nandito nga siya sa loob ng office ko at ang walang hiya sa swivel chair ko pa talaga umupo. Kapal ng mukha eh. Feeling niya office niya 'to.
"Sino 'yong babaeng kasama niyo?" He asked me.
Sinabi ko naman sa kanya ang tungkol kay Miya
"Kawawa naman pala siya" Kuya said.
"What's your plan now?" He added.
"Hmmm. I'm thinking, actually kanina ko pa 'to naisip habang papunta palang kami dito sa HQ" sabi ko sa kanya.
Kuya look at me with curiosity.
"Spill it"
"I'm thinking pano kung sa bahay nalang siya titira . . . I mean, E adopt natin siya. Like ituring natin siyang bunso natin kahit hindi natin siya kadugo. Kawawa naman kasi 'yong bata eh" paliwanag ko sa kanya.
"Pwede din, tutal tayong dalawa lang naman sa bahay and nakakasawa nang tingnan 'yang pagmumukha mo " Kuya said.
Inirapan ko lang siya.
"Baka nakakalimutan mong magkamukha tayong dalawa" Paalala ko sa kanya.
Yup, kaming dalawa lang ng mokong na 'yan ang nakatira sa bahay namin. Nasa ibang bansa kasi parents namin doing their business. Charot hahaha doon sila na assign sa ibang bansa as Agents din. Wala din kaming maids sa bahay kasi 'di lang namin gusto ni Kuya.
"Sinabihan mo na ba si Miya regarding to this?"
Umiling naman ako.
"Hindi pa, siguro pag magaling na siya saka ko nalang sasabihin sa kanya"
Tumango lang siya.
" 'Yang kamay mo? Ayos lang ba 'yan?" He asked me may halong worried 'yong pagkakatanong niya.
"Sus naman Kuya, parang hindi ka pa sanay sa'kin. Alam mo namang sanay na ako sa suntukan 'di ba?" sabi ko sa kanya para 'di na siya mangulit pa.
"Kahit na, bunso" Kuya said.
"Wag ka ngang OA, Alexzeus. Galos lang 'to" Sabi ko sa kanya at inirapan ito.
Tumayo naman siya at lumapit sa akin. He just smile at ginulo 'yong buhok ko.
"Concern lang ako sa prinsesa ko"
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
I hug him at gumanti naman 'to ng yakap.
"Thanks, Kuya"
"Sige na, babalik na ako sa office ko. May kailangan pa akong tapusin."
Bumitaw na ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Lalabas na sana siya ng pinto pero bigla siyang tumigil.
"May nakalimutan ka?" I asked him
Tumango naman siya.
"I forgot to tell you. The boys are waiting in Johnson's Office. May pag uusapan daw kayo eh" Kuya said.
Tumango naman ako.
"Sige, salamat. Pupunta na ako later"
Tuluyan namang umalis si Kuya. Nagbihis muna ako ng panibagong damit bago pumunta sa office ni JS. Pagdating ko doon 'di muna ako pumasok agad. Tumambay lang ako sa pintuan 'di naman nila ako napansin kasi busy sila sa paglalaro ng UNO. May mga times pa na napapasigaw sila lalo na pag na plus 4 or plus 2
"Having some fun,boys?" I interrupted them ng napansin kong malapit na silang magkapikunan.
Hayss boys nga naman oh!
"Tagal mo kasi" Lance.
"Sorry naman. Nag usap pa kasi kami ni Kuya" Me.
Tumayo naman agad sila at pinabayaan lang 'yong cards sa lapag. Tinaasan ko naman sila ng isang kilay at ang mga mokong dali-daling niligpit 'yong cards.
Palihim naman akong napangiti. That's my boys. Isang taas lang ng isang alam na agad 'yong gagawin.
"Hinihintay niyo daw ako?" I asked them.
Alam ko namang they are waiting for me pero trip ko lang silang tanungin hahaha
Tumango naman si Johnson
"Pwede naman siguro tayong umupo 'di ba?" Alucard said
"Nakaupo na nga kayo kanina 'di ba? Tumayo pa kayo" sabi ko sa kanya.
Napakamot naman siya sa batok niya.
"Ano 'yong sasabihin niyo?" I asked them
"This is about the mission" Johnson.
"Oh, I see. Spill it" sabi ko naman sa kanya.
Umupo naman ako sa swivel chair ni Johnson. Feeling may ari din eh noh? Kapal din ng mukha. Magkapatid nga kami ni Kuya hahahaha. JS told me everything about their back up plan. Well, maganda naman 'yong back up plan na ginawa nila kaya hindi na ako umangal pa.
"Good luck nalang sa atin for this evening" sabi ko sa kanila.
"Kaya 'yan. Pang ilang mission na natin 'to eh" sabi ni Johnson.
"Goodluck ulit, boys" sabi ko sa kanila.
Nginitian naman nila ako. I bid good bye to them. Bumalik na ako sa opisina ko at kinuha 'yong bag ko. Uuwi muna ako sa bahay ngayon tutal maaga pa naman , 3:30 palang kasi ng hapon and 'yong mission namin is mamaya pang 7PM kaya mahaba pa 'yong time para makapaghanda ako. Bago ako umalis, dumaan muna ako sa opisina ni Kuya.
Hindi na ako kumatok sa pinto niya.
"Oh, What bring you here?" Kuya ask me with his left eyebrow na nakataas.
Ang attitude talaga, amp.
"Uuwi ako ng bahay. Pahiram ng kotse mo" Sabi ko sa kanya
"Asan pala kotse mo?" He ask me.
Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.
"Sorry hahaha nakalimuta ko. Hindi ka nga pala nagdala ng kotse kanina" Kuya.
"Ano na? Ibibigay mo ba 'yong susi sa akin o hindi?" mataray na tanong ko sa kanya.
He just laugh
"Ano na? Sumagot ka! Sagot! Sumagot ka!"
"Eto na! Tanginamo" sabi nito at hinagis sa akin 'yong susi ng kotse niya.
"Madali ka lang naman palang kausap eh, I love you, Kuys Hahahaha" Me.
"Whatever, Balik ka dito before 7PM." Kuya
"I know.. Byeers" Sabi ko sa kanya at lumabas na ng opisina niya.