"Akala ko ba solid tayo? Akala ko ba forever na itong relasyon natin? Diba sabi mo na hindi mo'ko iiwan sa ere dahil bubuo pa tayo ng pamilya? Pero bakit ngayon ang dali- dali lang para sa'yo ang sumuko at iiwanan ako?" naiiyak na tanong ko sa asawa ko.
"Baliw ka ba Samuel? Hindi mo alam? Samuel nakakahiya ka! 10 years na kitang jowa at almost six years na tayong nagsasama simula nung makasal tayo, pero bakit hindi mo inaming bakla ka pala? Nakaka hiya ka! Ano? mag de- deny ka? E dedeny mong nasarapan ka sa mga ginawa ninyo? Samuel kitang kita ko lahat sa video. Anim na lalaki pa talaga? Hindi kana nahiya!" Naiiyak na pagkakasabi din ng asawa ko. Pinagdidiinan pa talaga niya ang word na bakla ka!
"Love, let me explain. Please makinig ka muna sakin please." Mahinahong pagmamakaawa ko sa kanya. Pero isang malutong na sampal ang natanggap kong tugon sa pagmamakaawa ko.
"Tapos na tayu Samuel! Ngayon, kalimutan mo ng may asawa ka. Dahil ako, ibabaon ko lahat sa limot na nakilala pa kita. Ibabaon ko na sa limot na minsan nang may nabuong ikaw at ako. Nakakahiya ka! Pinandidirihan kita Samuel! Wala akong asawa na bading!" yun nalamang ang narinig ko sa asawa ko dahil tuluyan na niya akong iniwan at tumakbo papasok sa bahay nila.
THE BEGINNING
"Love, bangon kana jan. Pinagluto na pala kita para sa umagahan mo. Alis na ako ah, baka ma late pa ako sa unang araw ko sa trabaho ngayon. Bye love?." pagpapaalam ko sa asawa ko habang kini- kiss ko siya sa labi.
Ako pala si Samuel, Samuel Villamor. Asawa ko naman ang tinatawag kong love na si Dyna, Dyna Villafuerte. Almost six years na din kaming nagsasama sa iisang bubong matapos kaming makasal noong araw.
Happy naman at maayos ang pagsasama namin, dahil madali lang naman kaming magkaintindihan at magkapatawaran kung may hindi man napagkaunawaang bagay. Sweet ako sa asawa ko at lalong ganon din siya sakin. Maalaga, mapagmahal, at maalahanin. Masasabi ko naman na under ako sa asawa ko dahil lahat ng mga desisyon o gagawin ko ay ipapaalam ko sa kanya. Mabait naman si Dyna at matalino, sa katunayan ay magka klase na kami niyan simula highschool hanggang college. Since highschool palang kami ay ramdam ko ng gusto ko siya. Aaminin kong may pag ka torpe din ako dahil, kahit naging close bestfriends na kami ay hindi ko man lang magawang aminin na may pagtingin at nahulog na ang loob ko sa kanya.
One time, nabalitaan kong may manliligaw na pala siya. Ang sakit pala sa pakiramdam kung makikita mong may umaaligid aligid na ibang tao , sa taong gusto mo. Yung feeling na gusto mo nalang na itago at ilayo siya sa ibang tao para hindi maligawan pa ng ibang taong may gusto. Pero mas masakit pala kung ang taong pinaka iningat- ingatan mong hindi maligawan ng iba, ay masaya na sa bagong manliligaw niya. Nasaktan ako that time, kaya napag desisyunan kong aminin nalang ang nararamdaman kong pagtingin sa kanya, kahit alam kong ang kapalit man nito'y sakit. Sakit na baka ay mareject lang at sakit na baka ito na ang huli sa aming pagkakaibigan.
Kailangan kong sumugal, kahit mag mukha pa akong hangal! Ke'sa naman na forever kung itago ang totoo, na mas lalong mag dadala lang ng pasakit sa'kin ng husto.
Isang araw kinausap ko siya. Handa na sana akong sabihin ang lahat sa kanya, kaso may biglang dumating na isa! Ang manliligaw pala niya. Te'ka bat nag hoholding hands sila? Sila na ba?
"Ah, Samuel diba may sasabihin ka?" Tanong ni Dyna.
"Ah, eh! Wala kalimutan mo na'yun." pagsisinungaling ko pa.
"Ah, tara na babe! Punta na tayo sa canteen dahil wala naman palang sasabihin sayo si Samuel, Kaya halika kana." sabat naman ni Rafael, ang manliligaw ni Dyna.
Te'ka! Babe? So ibig sabihin sila na nga? Mas lalo lang bumigat at sumakit ang nararamdaman ko nung inisip kong sila na talaga, at wala na akong pag- asa .
Hindi man sa bakla ako, pero alam kong may luha ng namumuo sa aking mga mata. Totoo nga talaga ang sabi nila na kahit ang luha at pawis ay parehong galing sa katawan, hindi man ito sabay na nalalag-lag pero kusa naman itong pumapatak kapag pagod at nasasaktan kana.
Pero hindi! Hindi maaring hindi niya malaman ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Kahit alam kong wala na talagang pag-asa.
"Segi Samuel, una na kami sayo ni Rafael dahil pupunta pa kami sa canteen." Sabi ni Dyna. Akmang tatalikod na sana silang dalawa ng magsalita ako.
"Dyna, Gusto kita!" Salitang lumabas sa bibig ko. Napatigil naman silang dalawa at humarap sa akin.
"Matagal na kitang gusto at hindi ko lang masabi sayo. Oo na! Torpe na kung torpe pero takot lang akong masawi sa huli, kaya pinili kong kimkimin ang totoong nararamdaman ko. Dyna mahal kita!" napaiyak naman ako sa mga nasabi ko. Iyak namay halong lungkot at saya! Iyak namay halong kaba't pag-aalala. Pero bahala na! At salamat dahil sa wakas ay nasabi ko na.
Akmang tatalikod at tatakbo na sana ako ng biglang-
"Gusto din kita Samuel! Mahal din kita. Hindi ko lang din magawang aminin sayo dahil ang akala ko'y mutual ang pagtingin natin sa isat- isa at ikaw ang unang umamin nito sa akin. Samuel matagal na kitang hinintay na mag open up!" Sabi ni Dyna.
Woh! Hindi nga? Totoo ba tong naririnig ko na gusto at mahal din ako ni Dyna? Pero may boyfriend na siya, kaya huli na siguro ako.
"Wag kang mag-aalala dahil matagal ko ng binasted itong si Rafael. Sinabi kong ikaw talaga ang mahal at gusto ko at hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Walang totoong kami Samuel! Ginamit ko lang din siya upang paniwalain kang kami na, Nang sa ganon ay magawa mo ding aminin sa akin ang totoong nararamdaman mo para sa akin." Dagdag pa niya.
Papano niya nalaman na gusto ko siya? Paano niya nasabi na para aminin ko na sa kanya na gusto ko siya? Mga tanong sa aking isip.
"Si Rafael lang din ang nagsabi sa akin na gusto mo daw ako. Noong araw na kinompronta at pinilit mo siyang lumayo at tumigil sa panliligaw sa akin dahil nag seselos ka! Ngayon Samuel sabihin mo na sa akin. Ano ba talaga ako para sayo? Gusto mo ba ako?" Tanong naman ni Dyna sa akin.
Oo nga pala, naamin ko pala kay Rafael na gusto at mahal ko si Dyna noong nagkasagutan at nagkasuntukan kami. Pero sandali lang naman yun dahil may nakakakita naman agad sa amin at inawat kami.
Tango lang ang iginawad ko kay Dyna bilang tugon na sumang ayon ako sa mga sinasabi ni Rafael sa kanya. Na totoong gusto at mahal ko nga siya.
"Fvck! Kung ganon ay ipakita mo! Patunayan mo Samuel! Ipaglaban mo kung mahal talaga ako! Hindi yung tutunganga at basta kana lang tatalikod nang makita mong may kasamang iba ang taong gusto mo. Duwag ka ata Samuel! Duwag ka!" Paiyak naman na pagkakasabi ni Dyna.
Hindi na ako nagsasayang ng oras pa!
Wala ng patumpik- tumpik pa kung pwedi namang agad agad ay mag bobom karak- karaka kana!
Tumakbo agad ako sa kinaroroonan niya at niyakap siya ng kay higpit.
Simula nung mangyari ang mga tagpong iyon ay niligawan ko na nga si Dyna. Siyempre, kahit naman alam kong gusto at mahal niya din ako ay hindi naman pwedeng maging kami kaagad kung hindi ako manligaw sa kanya. Wala naman kasing himala na kusa nalang dadating ang biyaya ng hindi ka nagkakawang gawa o wala ka man lang ginawa!
Hindi naman ako nahihirapan at natagalan pa sa panliligaw sa kanya dahil sinagot naman niya ako kaagad.
Hanggang sa makatapos kami ng kolehiyo at napagdesiyunang magpakasal na. Wala naman kasing tutol sa pamilya namin, dahil parehas naman nilang supurtado ang relasyon namin.
After one month ng kasal namin ay bumukod na kami sa sarili naming bahay. Dahil sa mga magulang ko lang kami nakitira dati. Tsaka hindi din naman kami nahihirapang bumukod dahil kaming dalawa palang naman ng asawa ko. Hindi pa kasi kami nabibiyaan ng anak.
Until now, almost six years nadin kaming nagsasama pero di pa din kami nag ka anak. Gayon paman ay trying hard parin si manoy niyo para eh, maka buo naman. Since kami palang naman dalawa ng asawa ko ay napag desisyunan kong mag apply muna para sa trabaho. At sa awa naman ng diyos ay mapalad naman akong natanggap bilang staff sa pinag tatrabahuan kong kumpanya.
Unang araw ko ngayon at maaga akong gumising para mag ready sa mga kakailanganin ko sa trabaho, para nadin mapagluto ko naman ang pinaka mamahal kong asawa ng umagahan niya bago man lang ako umalis ng bahay, para hindi nadin siya magpapagod at mag abala pang magluto sa sarili niya. Ganto talaga kaming mga lalaki bukod sa mapagmahal na ay ma alaga at maalalahanin pa sa asawa o nobya nila.
Kasalukuyan pa siyang natutulog habang ako ay ready to go na para umalis papuntang work dahil 6Am-5pm ang duty ko at 5:30 am na. Kaya ginising ko na muna ang sleeping honey ko na maganda padin kahit tulog. Pagkatapos kong magpaalam sa kanya na aalis na ako ay siyempre dapat may halik muna para pampaganda ng araw ko. Halos ungol lang ang naging tugon niya dahil inaantok pa siguro. Sabagay sobrang aga pa talaga kaya hinayaan ko nalang muna siya at ako'y nagtungo na nga papunta sa trabaho ko.
Days, months and years passed by ay mas lalo pang gumanda ang pamumuhay namin ni Dyna. Na promote din ako bilang manager sa pinag tatrabahuan ko kaya lumaki laki ang sweldo, dahilan para mabili na namin kung ano ang nais naming bilhin.
Although, may mga kaunting problema at pagtatalo din minsan sa relasyon naming mag-asawa. Pero madali lang naman maayos dahil buo naman ang tiwala namin sa isat isa at kinalimutan nalang kung ano man ang mga bagay na hindi namin napagkasunduan. Kaya ito, mas lalong tumibay ang aming pagsasama at pagmamahalan sa isat isa.
Samantala, sa opisina naman ay nag karoon ng kaunting problema. Pinagseselosan kasi ako ng ka trabaho ko simula noong hinirang ako bilang manager at hindi siya. Dapat daw kasi siya ang e promote dahil baguhan lang ako kumpara sa kanya na matagal na siyang nanunungkulan doon.
Sa sobrang galit niya ay isang beses na niya akong pinabugbog sa kanto nung umuwi ako ng late sa gabi dahil marami akong inaasikaso . Kaya hindi ko man lang natiktikan na may sumusunod at tumambang na pala sa akin kaya bugbog sarado ang inabot ng manoy niyo.
Matapos ang insidenting iyon ay natanggal din siya sa pinagtatrabahuan namin. Nakulong naman siya pero isang araw lang dahil nakiusap at nagmamakaawa siya sa akin na hindi ko nalang siya kasuhan dahil pinapangako niyang magbabago na siya at hindi na uulit sa kabalastugang ginawa niya. Naniwala ako sa mga sinasabi niya. Bukod sa naawa at ayoko rin na may kagalit ako ,kaya ko siya pinatawad at hindi nalang kinasuhan.
Simula din nuon ay maayos na naman ang lahat. Wala kaming away o problema ng asawa ko at wala nading nangugulo o nagseselos sa akin na kaopisina ko.
Hanggang sa isang araw ay maaga ang uwian namin sa opisina dahil wala naman kaming importanteng bagay na kailangang gawin pa dahil lahat ay maagang natapos. 2pm in the afternoon, naglakad ako sa kanto di kalayuan sa opisina namin ng may biglang umakbay sa balikat ko. "Hoy! Gulat ka no?" natatawa pa niyang tanong. Naglakad lang din ako ngayon dahil hindi pa ako nakahanap ng masasakyan at saka yung kotseng naipondar naman namin ay ginamit ng asawa ko dahil may pupuntahan lang daw siya kaya magko-komyut nalang muna ako.
"Kala ko kung sino. Hindi naman ako nagulat sakto lang!" Diniin ko pa ang word na sakto lang. Takte kasi tinatanong pa! Ikaw ba naman ang mag lalakad sa kanto mag isa tapos may bigla nalang aakbay, di kaba magugulat? Epal eh.
"Ah. Ehehe . Halika pre! Wag ka muna umuwi sa inyu. Samahan mo muna kami ng mga tropa ko sa bahay, iinom lang tayo kahit kunti. Maaga pa naman eh" sabi niya pa.
"Ay naku, Salamat nalang pre at paumanhin nadin. Naghihintay na kasi si misis sa bahay kaya kailangan ko ng umuwi ngayon." tugon ko pa sa alok niya.
"Segi na naman pre, promise ngayong araw lang talaga ako makikiusap sayo. Sinadya ko pa naman abangan ka para nadin makapagpasalamat ako sayo dahil hindi mo ako kinasuhan dati at pinalaya nalang kahit di makatarungan ang ginawa ko sayong kabalastugan." paliwag niya.
Oo si Edgar ang taong bigla nalang umakbay sakin. Siya ang dating kasamahan ko sa trabaho at siya din yung taong nag pa bugbog sa akin sa kanto dati.
"Sus! ikaw talaga, Wala nayun. Kalimutan mo na lang, ang importante ay nagbabago ka na at may napupulut kang aral sa mga ginawa mong mali." sabi ko naman.
"Ang bait mo talaga pre, Kung di kalang nagsasalita ay iisipin ko ng santo ka! Pero sana samahan mo naman kaming uminom kahit ngayon lang. Birthday ko pa naman sana." pagmamakaawa effect niyang turan.
"Oh sya! Segi na." tanging tugon ko lang.
"Yun oh! Thank you pre." Natutuwang saad niya.
"Segi, e text ko nalang muna si misis para hindi ako malalagot nun pag- uwi ko." sabi ko.
"Take your time pre. Sundan mo nalang kung saan ako tutungo ng sa ganon ay dika mawala." sabi niya.
"Segi," yun na lamang ang sinabi ko dahil busy na ako sa kaka type sa keyboard ng cellphone ko para makapag paalam kay misis kahit sa text lang. Love, may dadaanan lang pala akong mga tropa ko. Niyaya kasi akong uminom dahil birthday niya ngayon. Wag ka palang mag-aalala sakin dahil sasamahan ko lang naman sila, kung mapainom man ako ay sisiguraduhin kong hindi ako malalasing dahil kunti lang ang iinumin ko. Alam mo naman na hindi ako umiinom talaga ng mga ganyan kaya Im sure maiintindihan mo ako. Mag ingat ka jan mahal ko. Uuwi ako agad love, di ako magtatagal dito.. I LOVE YOU LOVE. Message sent.
Pagkadating namin sa lugar na sinasabi ni Edgar na bahay niya ay agad bumungad sa akin ang anim na mga matitipunong lalaki. Naka short lang lahat ito at walang damit pang itaas. Dumako naman ang paningin ko sa ambiance ng lugar, teka! Hindi naman bahay to eh! Kung totoosin para itong mini bar dahil sa alindog ng lugar at sa mga nagraramihang mga inumin, at may disco light pa! kahit wala pa namang disco. Natatanging kami lang talaga ang tao sa lugar na bukod sa akin at ni Edgar ay ang anim na mga kaibigan daw niya. Nagtaka man ay isinawalang bahala ko nalang ito dahil hindi din naman ako magtatagal dito.
"Pre, yan naba yung sinasabi mo?" Tanong ng isang lalaki na kung iyong pagmasdan ay masasabi mong sa gym ito tumira dahil sa naglalakihan mga braso at nag gagandahang katawan.
"Ah, oo pre. Siya ang bisita at magpapasaya sa atin ngayon, siya si Samuel. Samuel ito pala ang mga kaibigan ko!" nakikipag kamay naman ang bawat isa sa kanila at tig iisang nagpapakilala.
Matapos naman ang pakikipagkilala sa isat isa ay may ibinigay sa aking alak na nakalagay sa baso.
"Ito pre, inumin mo." utos ni Edgar habang ibinigay sa akin ang baso namay lamang alak.
"Ang puno naman ata nito pre, diba pwedeng tag kalahati lang ang laman bawat tungga?" pagrereklamo kong tanong. Paano ba naman kasi parang gusto ata ng mga kolokoy na ito na agad ako malasing dahil sa sobrang puno ang laman ng baso ng alak.
"Segi lang pre, Ubusin mo lang yan. Promise kapag naubos mo na ang isang basong alak nayan ay pwede kanang umuwi sa misis mo. Sandali lang naman yan pre!" paliwanag pa ni Edgar. Kaya sa gustong makauwi agad, ay inumpisahan ko ng tunggain ang baso. Amoy palang parang masusuka na ako dahil sa mapaklang amoy nito. Gayun paman ay tinungga ko na lamang ito dahil no choice naman ako at saka para maubos na agad ang isang baso, ng sa ganon ay makauwi na agad.
Hindi paman ako nangangalahati sa nainom ko ay ramdam ko na agad na nahihilo at parang lasing na ako. Takte! Ang sakit na ng ulo ko at blur nadin paningin ko. Anong klaseng alak ba ang ipinainum nila sa akin? Tanong ng isip ko.
Pero dahil sa kabobohan ko ay inubos ko padin ang natitirang laman ng baso. Ilang sandali lang ay parang ang bigat- bigat na sa katawan ko at parang nawalan na ako sa katinuan dahil sa kakaibang parang sumanib sa aking katawan. Sa kalagayan ko ay ramdam kong nawalan na ako ng balanse sa katawan kaya hindi na talaga ako makakauwi nito.
Narinig ko naman ang bawat halakhak sa mga kasamahan ni Edgar at pati nadin ang mensaheng sinabi ni Edgar na 'segi na simulan niyo na yan ng sa ganon ay ma videohan ko kayo at ma e- upload ko ka agad. Ilang sandali lang ay may bagong sikat na!' yun nalamang ang narinig ko dahil mas lalo lang bumigat ang katawan ko at parang pipikit na ang mga mata ko sa antok na nadarama. Subalit bago paman ako tuluyang nawalan ng malay ay nakikita ko pa ang mga kahayupang ginawa ng mga kaibigan ni Edgar sa akin. Hinubad nila unti- unti ang suot kong mga salawal hanggang sa wala na itong natira. Kitang kita ko pa ang tawa ni Edgar habang nag vivideo sa amin. Nakakaramdam naman ako ng labis-labis na kiliti kaya napahagikhik ako sa tawa at nilamon na nga ng kadiliman ang mga mata ko at tuluyang nawalan ng malay.
Nagising ako sa ulirat at ramdam ang kadilimang bumabalot sa paligid. Naramdaman ko ding sobrang sakit ng aking katawan at lalong lalo na sa bandang? Oh s**t! I will kill that son of b***h!
Binalot ako ng sobrang galit ng mag sink in sa akin ang mga ginawang kababuyan nila. Alam kong lasing at wala ako sa huwisyo nong mga time na yun pero naalala kong hinubad nila lahat ng salawal ko kaya sila nga! Sila nga ang bumaboy sa pagkatao ko! Pagbabayaran niyo to!
Wala akong magawa sa ngayon kundi ang napaiyak at napa aray nalang sa sakit na inabot ng aking katawan. Napakuyom ako sa kamao ko when I felt my phone buzzing in the ground. Oo nga pala, wala pa akong saplot. Mas lalo lang napaigting ang galit na aking nararamdaman ng naisip ko na naman ang kababuyang nangyari sa akin.
Isa- isa kong kinuha ang mga salawal ko at dahan dahan itong isinuot sa sarili. Pagkatapos kong makapagsalawal ay kinuha ko ang kanina pang nag ri-ring na cellphone ko sa bulsa ng aking pants na suot at tiningnan kung ano ang sanhi ng pagriring na iyon. Mga text messages pala galing sa asawa ko. Hell! Ang asawa ko pala, ano nalang isipin niya dahil sa nangyari sa akin? Hell!!!
'love saan kana?'
'love, Gabi na! Umuwi kana dahil wala akong kasama dito.'
'love ano ba! Uuwi ka ba o hindi?'
'love ano tong kumakalat na video mo, ha?'
'love! Nakakahiya ka! Wag na wag ka ng magpapakita sa aking hayop ka!'
Matapos kong basahin lahat ng mga message ng asawa ko ay tinawagan ko ito ng paulit-ulit pero out of coverage ito. Anong video ang pinagsasabi mo love? Tanong ko sa isipan ko.
Tawag lang ako ng tawag sa number ng asawa ko pero nakapatay pa din ito. Naisipan kong e open ang f*******: ko para doon nalang siya e message kaso isang nakakakilabot at nakakapanindig balahibo ang bumangad agad-agad sa newsfeed ko. Hindi pa nga ako nag scroll ay una ko ng nakita ang mukha ko. Hindi lang pala mukha ko kundi pati ang mga hayop na anim na lalaking bumaboy sa pagkatao ko. Mga walang hiya! Papatayin ko kayo isa-isa!!! Tanging naisigaw ko na lang nung makita ko ang sarili na nasa video kasama ang mga lalaki.
Sana hindi moko e judge love.
Sana paniwalaan at pakinggan mo mona ako sa paliwanag ko. Sabi ko sa sarili.
Kahit paman masakit ang buong katawan ko ay pinilit ko padin maka uwi ng bahay para magpaliwanag sa asawa ko. Medjo may kalayuan pa ang bahay namin sa lugar na ito pero wala akong ibang mapagpipilian kundi ang lakarin nalang dahil paniguradong wala na akong masasakyan nito dahil maghahating gabi na.
Dalawang oras at kalahati ako bago makarating sa bahay, bale alas dos na iyon ng umaga. Hindi ko na kinatok ang pintuan ng bahay namin ng asawa ko dahil may duplicate naman ako kaya madali ko lang itong nabuksan.
Pagkabukas na pagkabukas ko ay agad kong hinanap ang asawa ko. Tinawag tawag ko pa ang pangalan nito ngunit wala akong narinig na sumagot sa akin. Laking gulat ko ng maka rating ako sa kwarto namin at nakitang wala na ang mga gamit niya sa aparador. Love bakit mo ako nagawang iwanan ng hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ko? Tanong sa aking isipan.
Hindi ko na alam ang aking gagawin! Labis labis ang sakit ng aking nadarama. Bukod sa masakit ang buong katawan ko ay subrang sakit din sa puso ko na isiping baka tuluyan na nga akong iniwan ng aking mahal na asawa.
Subalit hindi ako makakapayag na mangyari iyon!
Tinawagan ko ulit ang numero ng aking asawa, pero gaya ng kanina ay out of coverage padin ito.
Tama! Nasa bahay lang siya ng mga magulang niya. Sabi ko pa sa aking isip.
Wala akong sinayang na pagkakataon para puntahan at ipaliwag sa asawa ko kung ano talaga ang totoong nangyari sa akin. Buti nalang talaga iniwan niya ang kotse sa bahay!
Kinuha ko ang susi ng kotse sa honus at dali daling sumalang sa loob ng kotse at pinaharorot ito.
Higit kalahating oras lang ang byahe papunta sa bahay nila kong sumakay ka. Pero kung lalakarin mo, eh iwan ko nalang.
Pagkarating ko sa mismong bakod nila ay agad ako lumabas sa kotse at nag do-doorbill sa gate nila. Nakailang ulit na ako ngunit wala pading nagpapakita sa akin ni anino ng kahit niisa sa kanila. Sa ka desperaduhan kong makausap ang asawa ko ay gumawa ako ng ingay para lang pagbuksan nila ako. Niyogyog ko ang gate at kung ano-ano pang pumasok sa isip ko. Hindi padin ako nakontento ay umakyat nalang ako sa gate nila.
Matagumpay ko namang naakyat ang gate nila at doon na naman ako sa bandang pintuan nila gumawa ng ingay.
Ilang minuto o segundo lamang ang lumipas ng iniluwa ng pinto ang ama ni Dyna. Akala ko'y hindi ito galit dahil ng tingnan ako nito ay parang wala lang. Nang mag salita na ako-
"Pa, pwede ko po bang makausap ang asawa ko?" Naiiyak na pakiusap ko sa ama niya.
Nagulat ako dahil bigla nalang may hinugot ang ama ng asawa ko na nakasuksok sa bandang gilid niya. Baril! Isang baril na itinutok pa ito sa noo ko.
"Anong usap-usap pinagsasabi mong lintik na bakla ka! Umalis ka dito dahil nandidiri ako sa mga baklang katulad mo! Alis! Kung hindi ka lalayas dito ay sabog iyang bungo mo!" Pananakot pa ng ama ng asawa ko habang kinakalabit ang dalang baril. Pero hindi padin ako nag padala sa takot dahil wala naman akong ginawang masama. Kailangan ko lang maipaliwanag ang lahat ng nangyari.
"Segi pa! Ituloy mo." Sabi ko pa sa papa ni Dyna habang idiniin ko ang dulo ng baril sa solar system esti sa ulo ko. "Pero bago mo yan gawin sa akin ay please lang pa! Nakikiusap ako sayo na ipakausap mo ako sa asawa ko. Palabasin niyo si Dyna pa, kailangan ko siyang makausap. Please!" pagmamakaawa ko pa.
"Wala kayong dapat pag-usapan pa! Alam na namin kung ano ang nangyari Samuel. Kaya kahit magmamakaawa kapa ay hinding-hindi ko na ipapaubaya itong anak namin sayo. Bakla! Nakakadiri ka! Layas bago paman kita barilin ng tuluyan." Sabi ng papa ng asawa ko habang patuloy akong itinakwil.
"Segi pa. Kung hindi ko din naman makausap ang asawa ko ay mas mabuti na ngang mawala nalang ako!" Inagaw ko ang baril na hawak hawak ng ama ng asawa ko at itinutok ito sa sarili kong ulo. Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa ama niya at pumipikit habang unti-unting kinalabit ang baril at-
"Wag!!!!" sigaw na narinig ko. Hindi ako pwede magkamali! Sigaw ito ng asawa ko.
"Love?"tanging nasabi ko na lang.
"Wag mong gawin yan! Bitawan mo yang baril. Kakausapin kita basta bitawan mo lang iyan at ibigay sa akin." pakiusap ng asawa ko. Unti unti ko namang nilapag ang hawak kong baril at tinadjakan papunta sa kanya. Agad naman ito kinuha ng ama ni Dyna.
"Pa, kakausapin ko lang muna si Samuel. Maari bang maiwan mo muna kami?" pakiusap ni Dyna sa ama niya.
"Sure kabang gusto mong makausap iyang baklang asawa mo na yan anak?" tanong naman ng ama ni Dyna sa anak niya. Takte! Hindi ako bakla! Hell!
Tango lamang ang tugon ni Dyna sa ama niya. Sumunod naman ang ama sa utos ng anak niya at pumasok sa bahay.
"Love I'm sorry," paunang salitang lumabas sa bibig ko.
"Okay na yun, Kalimutan mo nalang." matigas na sagot niya sa paghingi ko ng tawad.
"Talaga love? Okay na ba talaga tayo?" paninigurado ko pa.
"Makikipaghiwalay na ako sayo Samuel, Simula sa araw na ito. Kakalimutan na kita!" matigas naman na pagkakasabi niya habang umiiyak na.
"Love, ano to? Love, hindi! Ayoko. Please love, bawiin mo yang mga sinasabi mo! Sabihin mo sa aking hindi totoo iyan. Naguguluhan kalang sa sitwasyon natin kaya nasabi mo yan. Please love ayusin natin to." nabigla ako sa mga sinabi ng taong pinakamamahal ko. Ang sakit na marinig ang salitang hihiwalayan kana.
"Wow, I'm sorry! It seemed like whatever I said, fell on deaf ears! Clearly, you didn't get my point!" sarkastikong pagkakasabi niya.
"Love? Please?" pagmamakaawa ko pa. Sa pagkakataong ito ay lumuhod ako't nagmamakaawa sa asawa ko para lang hindi mangyayari ang hiwalan.. I love my wife! And I don't wan't to lose her kaya gagawin ko ang lahat, wag niya lang ako hiwalayan.
"Ayuko na Samuel," simpleng pagkakasabi niya habang tumitig sa kawalan.
"Akala ko ba solid tayo? Akala ko ba forever na itong relasyon natin? Diba sabi mo na hindi mo'ko iiwan sa ere dahil bubuo pa tayu ng pamilya? Pero bakit ngayon ang dali- dali lang para sayo ang sumuko at iiwanan ako?" naiiyak na tanong ko sa asawa ko.
"Baliw ka ba Samuel? Hindi mo alam? Samuel nakakahiya ka! 10 years na kitang jowa at almost six years na tayong nagsasama simula nung makasal tayu, pero bakit hindi mo inaming bakla ka pala? Nakaka hiya ka! Ano? mag de- deny ka? E dedeny mong nasarapan ka sa mga ginawa ninyo? Samuel kitang kita ko lahat sa video! Anim na lalaki pa talaga? Hindi kana nahiya!" Naiiyak na pagkakasabi din ng asawa ko. Pinagdidiinan pa talaga niya ang word na bakla ka!
"Love, let me explain! Please makinig ka muna sa'kin please." Mahinahong pagmamakaawa ko sa kanya habang tumayo ako sa pagkakaluhod. Pero isang malutong na sampal ang natanggap kong tugon sa pagmamakaawa ko.
"Tapos na tayu Samuel! Ngayon, kalimutan mo ng may asawa ka. Dahil ako, ibabaon ko lahat sa limot na nakilala pa kita. Ibabaon ko na sa limot na minsan nang may nabuong ikaw at ako. Nakakahiya ka! Pinandidirihan kita Samuel! Wala akong asawa na bading!" yun nalamang ang narinig ko sa asawa ko dahil tuluyan na niya akong iniwan at tumakbo papasok sa bahay nila.
Wala akong nagawa ng iniwan na niya ako. Kailangan kong tanggapin pero hindi ko kayang gawin!
Puta! Akala ko ba mahal mo ako Dyna? Akala ko ba hindi mo ako kayang iwanan? Bakit Dyna? Bakit hindi mo man lang ako nagawang pakinggan?
Pumasok ulit ako sa loob ng kotse habang dala-dala ang mga masasakit na salitang binitawan ni Dyna.
Bakit ito nangyari sa akin? Nagmahal lang naman ako ng totoo! Bakit sakit pa ang naging kapalit nito?
Panginoon, saan ako nagkulang sa inyu? Naging mabuting anak, asawa at naging mabuti akong tao! Ito ba ang kabayaran ng pagiging mabait? Ito ba ang kabayaran ng pagsamba at paniniwala ko sa inyo? Ang saktan at durugin ang puso't pagkatao ko! Takte naman!
Napasandal at pinalo palo ko nalamang ang manobela ng kotse ko habang tinatanong iyon sa aking isipan. Sana madala nalang ng iyak ang lahat ng sakit! Sana iyak nalang ang kasagutan sa lahat ng pait!
Pinaandar ko ang kotse at agad na pinahaharorot. Wala akong pakialam kong madedesgrasya o maka bunggo man ako! Mas mabuting mawala nalang siguro ako para mawala nadin ang sakit dito sa puso ko. Mas mabuti pang mawala nalang ako para maibsan na ang kahihiyang dinulot ng escandalong kumakalat na video ko.
Bakit kung ikaw pa'yung nasa tama ay ikaw pa ang dehado?
Bakit kung labis-labis kang magmahal ay ikaw pa minsan ang talo?
Bakit ba may mga taong Ang bilis lang kung sumuko?
At bakit ba may mga taong kailangang masaktan ng ganito?
A month passed. Nabalitaan kong umalis si Dyna papuntang ibang bansa. Tuluyan na nga niya akong iniwan at hindi binalikan pa. Ni hindi man lang niya inalam kung ano talaga ang totoong nangyari.
In the meanwhile, naayos ko naman ang eskandalong bumabalot sa pagkatao ko. Nalaman ko din na may druga pala ang ipinainum sa akin kaya ako mabilis nalasing. Nakulong naman ang anim na lalaking humalay sa akin at kasama na doon si Edgar. Kinasuhan ko siya para sa pagvivideo at pag upload ng video sa social media, at pati narin ang pag- utos sa mga kasamahan niya na ipahalay ako.
One month ng hiwalay kami ni Dyna, pero tanging siya padin ang laman ng puso't isip ko. Hindi ko naman siya masisi kung nangdidiri siya sa akin dahil nakakadiri naman talaga. Hindi ako galit sa kanya at naiintidihan ko naman siya kung ganon ang naging reaksiyon niya. Pero diko lang talaga halos matanggap na Ang bilis niyang sumuko.
Pero sa buhay, kailangan nating tanggapin na ang lahat ay isang pansamantala lang!
Pansamantalang kasiyahan, yaman, o kung ano- ano paman. Pero ang importante sa pansamantalang ito ay naging masaya tayu kahit sa pansamantalang panahon lamang.
Kung nagmahal ka man at nasaktan, You don't need to drown your self in alcohol and you don't need to drown in past all by your self. Dahil mas lalo mo lang pinalala at pinabibigat ang sitwasyon. Walang mabuting maidudulot ang pagmumukmok at paglalasing dahil minsan, ang akala mo'y kasiyahan na nadarama sa alak ay mas lalo lang nitong napupunan o nadadagdagan ang problemang iyong inaasam na makalimutan. All you need to do is to think positivity. Mag move on ka! Ibaling mo sa mga mahahalagang bagay ang mga problema mo ng sa ganon ay hindi mona ito maalala pang muli.
Maling mali ang hindi marunong makinig sa ibang panig. Dapat, kahit gaano kalaki o kasama pa ang nagawa ng taong sa iyo ay nagkasala ay kailangan mo ding pakinggan ang rason kung bakit niya ito nagawa. Ng sa ganon ay madali lang natin maitama at para wala tayung kagalit sa ating kapwa.
Wag ka din basta- basta mang husga, dahil minsan ang akala mo'y tama ka ay isang maling akala lang pala.
The end
ANG BILIS MONG SUMUKO

BY:BLACKRAYDEN