CHAPTER -11

2266 Words
FOUR YEARS LATER! "Suprise! " malakas na sabi ni Anne sa kaniyang nanay Teresa. Apat na taon na ang dumaan, napa rami narin ang nangyare , naka pag tapos na rin ng pag aaral si Anne dahil sa Scholarship na tulong at buong suporta ni Mrs Paulyn Santiban. At tuluyan narin gumaling ang kaniyang Nanay Teresa Sa Apat na taon na dumaan ay patuloy parin ang mga masasamang panaginip na paulit-ulit na bumabalik kay Anne. Kung nuong madalas mag bangayan sina Anne at Paulo, ngayon ay masasabi niyang malaki na ang pinag bago ng binata. Hindi na niya ito nahuhuling may kasamang babae. Mag mula ng maka away niya sina Carla, Alondra, Tiffany at Sheena ang mga babaeng naka fling ng binata. At ngayon ay kalukuyang nasa Subdivision ng mga Santiban ang mag inang Teresa at Anne. Duon siya naka pag patayo ng Sarili nilang Bahay kung saan hindi kalayuan sa mansyon ng mga Santiban. "Wow anak dito naba tayo titira? " manghang wika ni Teresa "Opo Nay ito po ang late gift kopo sa inyo nung naka raang birthday niyo po. Para sa'yo po ito nanay "naka ngiting sagot niya. Nagulat naman ang matanda at mangiyak -ngiyak na niyakap siya nito. "Sobrang proud ako sa'yo anak. At maraming salamat sa mahal na panginuon dahil kahit alam mo nang hindi ako ang tunay mong ina ay hindi mo parin ako iniwan at pinabayaan. Napaka swerte kopa sayo, mahal na mahal kita anak" buong pag mamahal na wika ni Aling Teresa habang mahigpit siya nitong niyakap "Nanay naman eh, nag papaiyak na naman. Sandali po nay may tumatawag sagutin kolang po. " aniya ng biglang mag Ring ang kaniyang cellphone "Hello" "Anne where are you? " ang baritonong boses kaagad ni Paulo ang kaniyang narinig. kaya napa kunot nuo siya dahil kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang salubong na naman ang kilay nito. Apat na taon ay naging seryoso na ito sa kaniya, hindi na siya nito inaasar at kinukulit napansin niya rin ang minsang pag Iwas nito sa kaniya, ngunit hinahayaan na lamang niya ang mga pag babagong napapansin niya sa binata. Dahil pabor naman iyon sa kaniya ang pag Iwas nito, dahil sa ilang taon na paninilbihan niya sa binata ay sinungaling siya kung hindi niya aaminin sa kaniyang sarili na tuluyan ng nahulog ang loob niya sa binta, lihim na niyang minamahal ang binata kahit alam niyang g*go ito. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa lakas ng karisma ng binata isama mopa ang gandang lalaki nito. Kaya hindi na siya mag tataka kung bakit napaka raming babaeng nag kakandarapa dito at napaka raming babaeng dumaan na dito. At lihim siyang nasasaktan sa isipin na iyon. "Nasa loob rin ng subdivision why? " aniya "Hindi kaba sinabihan ni Mommy?"anito,kaya nag taka ang dalaga "Bakit? Hmmm wala ...walang sinabi si Tita--- "Okey pumunta ka dito "anito at pinatayan na siya ng tawag. "Huh? Saan naman niya ako pa pupuntahin? " tanong niya sa Sarili. "Nay pupunta lang po ako sa Mansyon, mag pahinga muna po kayo sa taas. tska mamaya lang ay nandito na po si Nestle "Sige Anak mag-iingat ka " sagot ni Aling Teresa "Oh!? Ano ba 'yun? " aniya na kakapasok lamang at nakita na niya sa malawak na sala ang binata "Anniversary party bukas nina mom and dad. Gusto ko ikaw ang mag ayos ng lahat. Aalis ako bukas dahil susunduin ko ang special gift ko, maasahan ba kita? "Wika ng binata. Kahit sinabi na sa kaniya ng kaniyang ina na silang dalawa ni Anne ang mag aasekaso ay ipag kakatiwala na lamang niya sa dalaga. Isa pa't ayaw niya rin maka sama ang dalaga. " 'yun lang ba? ,Sure ako nang bahala." Sagot ng dalaga. Kinabukasan abala ang lahat lalo na si Anne, naka ngiti niyang pinag masdan ang party ng mag-asawang Paulyn at Pablo, sobrang laki ng utang na loob niya sa mag-asawa dahil kung hindi dahil sa mga ito, ay hindi niya mararating kung ano siya ngayon. Isa na siyang ganap na fashion designer "Perfect! " aniya at pumalakpak Pa ng dalawang beses. "Anne mag palit kana, mamaya ay mag sisidatingan na ang mga bisita"wika ng isa sa mga Coordinator na kinuha niya. Dati niya itong kaklse sa highschool kaya masasabi niyang naging kaibigan niya rin ito. "Sige Lai salamat" naka ngiti niyang sagot at tumalikod na --- "Paulo papunta na kami, huwag kana pumunta dito" wika ng nasa linya "Okey, alam ba niya kung saan kayo pupunta? Ani ng binata, habang seryosong nag mamaneho. "Yes binanggit na namin sa kaniya ang lahat."sagot ni Vanessa na nasa kabilang linya. Sa Araw ng Anniversary party ng mga magulang niya ay matutupad narin sa wakas ang isa sa mga pinaka hinihiling ng buong pamilya. Ang mahanap at maibalik sa kanila ang isa sa nawawalang anak ng mga Santiban. Ang nawawala niyang kapatid na si Paula "Sige babalik na ako sa mansyon. Hihintayin namin kayo. " sagot niya -- "Iha bakit hindi kapa naka bihis? Si Paulo dumating naba? " tanong ni Mrs Paulyn ng maka salubong niya ito nang akmang paakiyat na siya ng hagdan "Papunta napo ako sa Goes room tita para maka pag palit at hindi kopa po nakikita si Paulo. "Sagot niya. "Ganun ba, sige iha inform me kapag dumating na siya okey" wika nito "Sige po tita"sagot niya at nang akmang tatalikod na ang ginang ng mapa tampal ito ng sariling nuo "Bakit po tita may problema po ba? " nag aalala niyang tanong sa ginang Umiling ito "no iha I'm okey, nagiging maka limutin na ata ako, I forgot my purse" wika nito habang naiiling pa "Saan niyo po nailagay tita ako napo ang kukuha"aniya "Sa gallery room iha. Kung Hindi ako nag kakamali naipatong ko sa side table malapit sa photo frame ng baby Paula ko" wika ng ginang at bahagiyan pang lumungkot ang boses nito sa huling binanggit Alam niya ang tungkol sa nawawala nitong anak na si Paula. Dahil nung pangalawang buwan niya pa lamang naninilbihan at tumira sa bahay ng mga Santiban ay na ekuwento sa kaniya ng ginang ang tungkol sa kaisa-isa nitong anak na babae. At sinabi rin nito na dalawang taon lamang ang agwat ng tanda niya sa anak nito. "Sige po tita ako napo ang kukuha" aniya at tumalikod na upang mag tungo sa Gallery room. Pag pasok Pa lamang niya sa silid ay namangha at nagulat pa siya dahil sa dami ng mga larawang naka display sa apat na sulok ng silid na iyon. Apat na taon na siyang nag tatrabaho sa mga Santiban ay tanging Gallery room lamang ang hindi paniya napapasukan sa mansyon na iyon, lagi kasi iyon naka lock at bawal pumasok ang hindi pamilya at walang sariling susi ng silid na iyon. Walang libro o kahit na anong naka halo sa silid na iyon maliban na lamang sa nag lalakihang mga Photo Frame, Sketch picture ng buong pamilya Santiban .laglag ang pangang nililibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng silid na iyon. Simula sa larawan ng Dalawang sanggol na sobrang mag magka-mukha at alam na niya kung sino ang mga 'yon walang iba kundi ang magka-patid na sina Paulo at Paul hanggang sa mag binata na ang mga ito at bawat larawan ng mga ito ay may naka lagay na buwan at taon kung kailan iyon kinuhanan. Pagka tapos ay nalipat naman ang tingin niya sa mga larawan ng kaisa-isang anak na babae nina Pablo at Paulyn na si Princess Paula Santiban. Nakita niya mula sanggol hanggang sa mag dalawang taon gulang ito. "Heto kalang pala" aniya ng makita niya ang Purse ni Mrs Paulyn sa tabi ng larawan ni Paula Sa gitna naman ay duon naka display ang napaka laking larawan ng buong Pamilya ng Santiban. Sa sobrang kalikutan ng mata niya ay napadapo ang kaniyang tingin sa apat na Larawan na naka display sa tabi mismo ng isang Sketch ng Dalawang bata Hindi niya mawari kung bakit may sariling isip ang kaniyang mga paa at namalayan na lamang niyang nasa harapan na pala siya ng apat na Photo Frame. Kinuha niya ang isang frame kung saan naka larawan ang dalawang bata, parehong naka ngiti at magka hakbay Pa ang mga ito. Alam niyang hindi si Paula ang batang babae na nasa larawan, dahil ayun narin sa kwento ni Mrs Paulyn ay 2 years old Pa lamang ito ng mawala ang anak nitong babae. At kung titignan ang batang babaeng nasa larawan ay nasa Anim na taon gulang na ito. Ang kasunod niyang tinignan ay ang pangalawang photo frame kung saan ay parehong bata rin ang nasa Larawan. Babae at lalaki rin at katulad ng naunang larawan ay naka ngiti at magka hakbay rin ang mga ito habang naka suot ng school uniform Nangi-nginig ang kaniyang kamay habang binabalik niya ang pangalawang larawan at kinuha naman niya ang pangatlong photo frame. Nasa larawan ng dalawang bata ang kasiyahan dahil nasa Enchanted kingdom ang mga ito. Habang tinitignan niya ang mga larawan ay nangi-nginig ang kaniyang mga kamay kasabay ng pag agos ng kaniyang mga luha. Lalo na't ng mahawakan niya ang pang Apat na litrato ng dalawang bata. Nasa Playground ang mga ito habang buhat buhat ng batang lalaki ang naka ngiting batang babae. "Habulin mo ako Pao-pao! Hahaha bilis.. Kapag hindi mo ako nahuli Akin ang baon mo bukas" tumatawang wika ng batang babae. "AHHHH! " sigaw ni Anne at napa hawak siya sa kaniyang ulo dahil sa kirot na nararamdaman, sumasakit at kung ano-ano na ang kaniyang mga nakikita sa kaniyang isip. Nakikita niya ang dalawang batang nag hahabulan. masaya ang mga ito ngunit hindi naman niya maklaro ang mga mukha nito. "Ahhh! " muling sigaw niya sa pagitan ng pag iyak habang naka sabunot ang dalawang kamay niya sa kaniyang ulo " hahaha pag hindi mo ako nahabol hindi ako mag papakasal sayo pag malaki na tayo" masayang sabi ng batang babae "Jusko! Anne! Anong ng yayare sayo?! " nag mamadaling wika ni Mrs Paulyn ng maka pasok ito ng Gallery room. Nag tataka siya kung bakit ang tagal naman ng dalaga bumalik kaya sumunod na siya dito. Ngunit hindi paman siya nakaka pasok ng silid ay narinig na niya ang sigaw ng dalaga. At ganuon na lamang ang labis na pag aalala niya ng makita niyang umiiyak ito habang naka sabunot ang dalawang kamay nito sa buhok nito. "Anne! God! Help! "Tarantang sigaw ng ginang ng makita niyang nahimatay na ang dalaga "Mommy anong---- "Paul anak tulungan mo ako. Buhatin mo si Anne bilis" ani ng ginang kaya kaagad naman tumalima ang binata kahit labag sa loob nitong hawakan ang dalaga ay wala na siyang nagawa dahil ang mommy na niya ang nag utos. "Paul son papuntahin mo dito ang nanay Teresa niya para may mag bantay sa kaniya. Kailangan ko ng bumaba dahil baka hinahanap na ako ng daddy mo. "Saad ni Paulyn sa anak ng mailapag ng binata sa malambot na kama ang walang Malay na dalaga. "Okey mom" tipid na sagot ni Paul sa ina bago siya nito tinalikuran. "Tsssk! " asik ni Paul at kinuha niya ang kaniyang phone upang tawagan ang tauhan upang ito na ang sumundo sa nanay ng Dalaga. Pagka tapos ay lumabas na siya ng Goes room at iniwan na ang dalaga. ----- "Paulo" nakita moba si Sharina? "Ani ni Vanessa ang asawa ng kaniyang kaibigan na si Sebastian Napa kunot nuo naman si Paulo dahil sa tanong ng Kaibigan pagka tapos ay nalipat ang tingin niya sa kasama nitong naka suot ng block evening dress, kilala niya ito. Ito ang Sikat na Agent na kina babaliwan ngayon ng kaibigan niyang si Jego. At kung hindi siya nag kakamali ay Jessa ang pangalan nito. "No Vani, akala koba magka sama kayong darating dito" sagot niya "Kanina lang ay magka sunod lang kami at katabi kopa siyang pumasok sa entrance hall. Pero pag lingon ko wala na siya sa tabi ko. At sa tingin namin ay napa hiwalay siya saamin "Hanapin natin si Sharina Paulo, mag hiwa-hiwalay tayo " ani ni Vanessa na sinang ayunan naman niya. Si Sharina ang Girlfriend ng isa sa mga matalik niyang kaibigan na si Josef. At hindi maka paniwala si Paulo dahil sa liit ng mundo. Kaya pala unang kita palamang niya sa babae ay napaka gaan na ng kaniyang loob. Ang akala niya nuon ay paghanga ang kaniyang nararamdaman sa babae. Ngunit hindi pala, dahil lukso lamang ng dugo ang nararamdaman niya kay Sharina. O kung tawagin sa totoong pangalan ay Paula ang babaeng matagal na nilang hinahanap, ang kanilang bunsong kapatid na si Paula. Sa kaniyang pag hahanap ay naka salubong niya ang nanay ni Anne. Humahangos ito at may kasamang babae, na alam niyang ito ang matalik na kaibigan ni Anne "nay Teresa bakit po? " pag uusisa niya, mag mula ng makilala siya ni Aling Teresa ay sinabihan siya nitong Nanay nalang ang itawag niya dito. "Sir pasensya na ho, Kung natatandaan niyo po. Ako po si Nestle ang Bestfriend ni Anne--- "I know" aniya. Kaya napa tigil ito " iho, may sumundo saamin sa bahay at binalitang hinimatay ang anak ko. Nasan si Anne? Nasaan ang anak ko iho? " nag aalalang tanong ni Aling Teresa sa binata "Ha!... Eh... Wala ho akong alam Nay, sandali ho " ani ng binata at kinuha ang kaniyang phone upang tawagan ang dalaga. Ngunit walang sumasagot sa kabilang linya kaya buntong hiningang lumapit siya sa dalawa at siya na ang nag hatid sa mga ito kung nasaan ang kwarto na palaging ginagamit ng dalaga satwing duon ito natutulog. //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD