CHAPTER -9

2285 Words
"I said stop it!" Muling sigaw ni Paulo, Na halos mag pabingi sa dalawang babae. Habang nanlilisik naman ang mga Mata ni Anne at kuyom ang dalawang kamao nito. "Senyorito---Ate Anne " biglang sabi ni Madona na humahangos papasok ng kusina. Nasa Garden ito at narinig nito ang malakas na boses ng Senyorito Paulo niya. Kaya mabilis itong pumasok ng Bahay habang naka limutang bitawan ang Hawak na malaking Gunting. Agad itong lumapit kay Anne ng makita nitong Namumula sa galit ang Ate Anne niya. Habang si Anne naman ay galit na galit siya. Nangi-nginig siya sa sobrang galit at halos bumaon na ang kaniyang kuko sa kaniyang palad, dahil sa higpit ng pagkaka kuyom ng kaniyang kamao. Walang kahit na sino ang pwedeng manakit sa kaniya at ang pinaka ayaw niya ay 'yung sinisigawan siya. Hindi siya makaka payag na hindi siya maka ganti kay Bernadette sa pagkaka tulak nito sa kaniya. Kaya sa sobrang galit niya ay wala sa sariling inakaw niya ang hawak ni Madona na malaking Gunting na ikina gulat naman ng Tatlo "Ate! " biglang sabi ni Madona "A.... Anne" nauutal na sambit ni Paulo "Darling she's crazy " maarteng saad ni Bernadette "Talagang baliw! dahil mababaliw ako hanggat hindi ako maka ganti! " gigil na sabi ni Anne. Kaya sa sobrang takot ng babae ay napa lundag ito sa binata na kaagad namang nasalo ni Paulo. At dahil narin sa pagka taranta ng Binata ay hindi na niya naibaba si Bernadette at tumakbo na lamang upang Hindi sila masaktan ni Anne. Agad naman humabol si Anne kaya nag paikot -ikot sila sa malaking lamesa habang hindi parin binababa ng binata si Bernadette, naka limang ikot na sila sa malaking lamesa ng maka ramdam na ng pagod si Paulo kaya naibaba na niya ang babae. At kinuha naman ni Anne ang pagkaka taon na iyon, sa sobrang gulat ni Paulo ng makita niyang papalapit na si Anne habang hawak nito ang malaking Gunting. ay hindi niya inaasahang mapatid niya ang isang upuan kaya natumba siya. "Lagot ka saakin lalaki ka!"gigil na sabi ni Anne habang binubukas Sara nito ang Malaking gunting at sa takot naman ni Paulo na baka guntingin ni Anne ang kaniyang alaga ay napa ihi siya sa kaniyang Boxer short, kaya natigilan si Anne ng makita niya iyon. "Mag tutos tayo mamaya! " saad ni Anne ng maalala niya ang babae. At bago paniya iniwan si Paulo ay tinapakan niya muna ang isang paa nito. "Madona habulin mo! " malakas na sigaw ni Anne sa dalagita, nang makita niyang palabas ng Pinto si Bernadette. Agad naman ito sumunod ngunit huli na dahil naka labas na ito ng Pinto. Kaya lumabas narin si Anne upang habulin ang babae "Sige tumakbo kapang butiki ka! " sigaw ni Anne sa babaeng naka paa lamang habang patuloy parin ito sa pag takbo. Hanggang sa mapadaan sila sa isang maliit na basketbolan ng mga binatiliyo. Nasa katorse hanggang sa benty singko aniyos ang mga kalalakihang naka tambay ruon, ang ilan ay kilala na si Anne mag mula ng ipasyal siya ni Madona sa lugar na iyon nung unang dating nila ng binata. "Bentong harangin niyo ang babae nayan! " sigaw ni Madona habang patuloy parin itong naki habol narin kasunod ni Anne Si Bentong ang pinsan ni Madona, nang maunawaan ng mga binatilyo iyon ay humarang ang mga ito at kinorner ng mga ito si Bernadette "Akala mo hahayaan Kong maka takas kang butiki ka! " gigil na wika ni Anne at hinila niya ang Blondeng buhok ni Bernadette. Kaya kaagad itong napa higa sa lupa, kinababawan ito ni Anne at pinag sasampal. habang ang babae naman ay patuloy parin ito sa pag pupumiglas at hindi na nito namamalayan na lantad na pala ang maselang parte nito na siyang nag patuwa sa mga kalalakihan. Ang iba ang bini videohan ang Ari ni Bernadette ang iba naman ay nag pustahan kung sino ang mananalo sa Dalawang babae. Kung hindi pa dumating ang mga Barangay tanod ay wala pang may gustong mag patigil sa dalawa Puno ng kalmot, pasa at putik si Bernadette dahil sa lupa ito bumagsak at dahil umulan ng madaling araw sa lugar na iyon ay literal na maputik at basa ang lupa. Nasa barangay hall na sila at tinawagan ni Bernadette ang kaniyang Abogado at assistant manager nito upang hindi lumabas sa media ang nangyare ,kaya duon nalaman ni Anne na isa palang sikat na Modelo ang babae ngunit wala siyang pakealam kung sino ang kaniyang binangga. Naisipan niyang humingi ng tulong kay Mrs Paulyn dahil alam niyang wala siyang laban kung mag isa lamang niya haharapin ang pag demanda sa kaniya ni Bernadette Wala pang isang oras ay dumating kaagad si Mrs Paulyn kasama ng mga bodyguards nito. Na labis na nag pagulat kay Anne "Tita! " agad na sabi ni Anne at lumapit sa ginang. " iha how are you? Gash! Masakit ba?"nag aalalang wika ng ginang nang mapadako ang Mata nito sa kaniyang braso. Maging siya ay hindi niya alam na nagka sugat pala siya galing sa mga Kalmot ni Bernadette "Okey lang po ako tita.. Bakit ang bilis niyo pong naka rating? " nag tatakang saad ni Anne " iha helicopter ang sinakiyan namin kaya naka rating kaagad kami ni Attorney " sagot ng ginang. Sinabi ng abogado ni Bernadette ang mga ikakaso nila kay Anne. Habang ang mga Barangay captain at Chairman naman ng lugar na iyon ay walang gustong maki sali sa usapan ng mga ito. Lalo na't mga mayayaman ang mga taong nasa loob ng Barangay hall nila. Nanatili lamang silang nakikinig sa usapan ng magka bilang panig. Hanggang sa hindi na naka tiis si Mrs Paulyn ay binalingan niya si Anne at malakas ang boses na tinanong niya ang babaeng nasa Tabi niya " Anne iha. Sabihin mo saamin kung totoo ba ang mga sinabi ng dalawang tao nayan? At sabihin mo ang mga pangyayare iha huwag kang matakot" saad ni Mrs Paulyn Dahil ang sinabi ni Bernadette ay nababaliw si Anne at obsess raw umano si Anne kay Paulo kaya ganun na lamang siya saktan nito. At nag pakilala pang girlfriend siya ni Paulo "Hindi po totoo lahat ng mga sinasabi niya tita, katulad po ng trabaho ko ay ginawa ko lamang po iyon. Nadatnan kopo siyang walang suot na panty habang naka kandong kay Paulo, sinunod kolang po ang trabaho Kong huwag hayaang may ibang linta este babaeng kumapit kay Paulo. At siya po ang naunang manakit! Itinulak niya po ako kaya gumanti lang ako " paliwanag ni Anne "Pero hindi mo dapat ipinahiya si Ms Bernadette " sagot naman ng abogado ng babae "Hindi kopo siya pinahiya. Mayaman po siya Oo pero Hindi kona po kasalanan kung pati Panty ay hindi kayang bilhin ng babae nayan. Kasalanan niya kung bakit siya napahiya--- "Tama na iha" malumanay namang wika ng isang matanda na nag pakilalang kagawad. ipinag katiwala na lamang ni Mrs Paulyn sa tauhan at sa kanilang abugado ang kasong pag dedemanda ni Bernadette kay Anne. At dahil sa takot na mawalan ng trabaho at kalabanin ang mga Santiban ay inurong na lamang ng babae ang kaso. Kaya napa hinga ng maluwang si Anne. Napa natag na ang kaniyang loob nang ibalita sa kaniya ni Mrs Paulyn ang pag urong ni Bernadette "Paulo! Bakit nandito kalang? Bakit hindi mo sinamahan si Anne? " "Mom papatayin ako ng babae na iyan. Kung nakita niyo lang kung ga'no nakaka takot ang babae nayan" parang batang pag susumbong ni Paulo "I don't care son and you deserve it! " sagot ni Paulyn sa anak Pagka tapos masermunan ni Paulyn ang anak ay nag paalam narin itong babalik na ng maynuila dahil hindi raw umano ito nag paalam sa Asawang si Pablo "Oh ano tinitingin-tingin mo d'yan. Bumaba kana at linisan mo ang mga kulungan ng Baboy at kuwadra ng mga kabayo" saad ni Anne sa binatang naka tingin lamang. "What?!" " 'wag mo ako ma what what kumilos kana!" Matigas na utos ni Anne sa binata. "Pero--- "Ano? Huwag mong sabihin hindi ka na naman marunong mag linis? " ani ng dalaga. Parang maamong tupa namang Umiling ang binata " Aba't anak ng Tokwang! wala kana ba talagang alam na gawin... Oh sige sige sasamahan kita! " saad ng dalaga. Habang nag lilinis ng kulungan ng bAboy si Paulo ay pigil hininga lamang siya, halos gusto ng bumaliktad nang sikmura niya dahil sa masamang amoy at kung hindi Pa ito tinulungan ng dalaga ay aabutin ng semana santa dahil sa bagal at puro pag rereklamo ang binata. "Oy! Tomboy bumaba ka diyan baka mahulog ka! " saad ni Paulo ng matanaw nito ang dalaga sa taas ng punong mangga. May hawak itong kutsilyo at prentang naka upo lamang ang dalaga habang ito ay kumakain ng mangga Katatapos lamang nila mag linis at mag pakain sa mga hayop kaya nag paalam muna ang binata upang maligo at nang matapos ay hinanap ng kaniyang mga mata ang dalaga. ngunit hindi niya ito makita sa loob ng bahay, kaya lumabas siya hindi niya sana makikita ang dalaga kung hindi lamang siya nito binato ng balat ng mangga "Chaar! Concern? Huwag ka mag alala master sayo lang ako mahuhulog at hindi dito dahil magaling kaya ako umakiyat. Sayo lang naman ako nahihirapan umakiyat eh" pag bibiro ng dalaga at may pilyang ngiti sa labi nito. "Akala mo naman sasaluhin kita kapag nahulog ka, aba mangarap ka" sagot ng binata at namewang Pa ito habang naka tingala sa dalaga. "Gusto mo? Ang tamis hinog na hinog hmm.. Ang sarap" pag iingit ng dalaga sa binata sabay subo ng hinog na mangga "Bigyan monga ako isa lang at bumaba kana diyan" saad ni Paulo "Luh asa ka! Blee mainggit ka" parang batang saad ni Anne "Ang damot kung ayaw mo akong bigyan edi aakiyat nalang ako at kukunin ko 'yang mga nakuha mo" saad ng binata at nag simula ng umakiyat. "Hahaha kung kaya ---ahhh! " hindi na naituloy ni Anne ang kaniyang sasabihin dahil sa kaniyang pag tayo ay nadulas ang kaniyang kaliwang paa sa isang sangang tinapakan niya, hindi kaagad ito naka kapit dahil may hawak ang magka bilang kamay niya at dahil sa pagka gulat kaya ito ay nahulog at para itong niyog na bumagsak sa lupa "Anne! "Malakas na sigaw ni Paulo ng makita niyang bumagsak sa lupa ang Dalaga. Mabilis siyang bumaba at humahangos na nilapitan ang walang Malay na dalaga, kaagad niya itong binuhat at mabuti nalamang ay may padaan na isang Motorsiklo, kaya duon niya isinakay ang dalaga "Madona sumunod nalang kayo!" Malakas na sabi ni Paulo sa dalagitang patakbong papalapit "Opo opo! " mabilis nitong sagot. "Unahin niyo kami! Help " sigaw ni Paulo ng maka rating sila sa pinaka malapit na Hospital sa Lugar na iyon. Kaagad naman silang inasekaso ng mga Nurse at doctor lalo na't ng makilala ng mga ito si Paulo. "Tumakbo kana bilis! " sigaw ng lalaki sa batang babae. "Kuya paano ka? "Tanong ng batang babae habang patuloy ito sa pag iyak. "Kunin mo ito at Ingatan moyan! hahanapin ka ni kuya basta tumakbo kana.. Takbo! " sigaw ulit ng lalaki habang hindi ito maka labas sa sasakiyan. Tumakbo ng mabilis ang batang babae ng makita niyang paparating na ang dalawang sasakiyan na humahabol sa kanila ,habang patuloy parin ito sa pag iyak. "Kuya! " sambit ng batang babae ngunit sa kaniyang pag takbo ay hindi na niya napansin ang malalim na bangin kaya ito ay gumulong paibaba "Ahhh! " sigaw ng batang babae "Ahhh!" Malakas na sigaw ni Anne, heto nanaman ang kaniyang paulit-ulit na masamang panaginip "Hey are you okey?!" Nag aalalang tanong ni Paulo ng makita niya ang takot sa mukha ng dalaga nang magising ito. Kakapasok pa lamang niya dahil bumili muna siya ng makakain Nagulat si Anne sa hindi pamilyar na silid. Kulay puti ang kaniyang nkikita at nang akmang babangon siya ay napa hawak siya sa kaniyang ulo. Kumikirot iyon at napag tanto na lamang niya na nasa Hospital pala siya ng may pumasok na dalawang babae. Na satingin niya ay isang Doctor at isang Nurse "Paulo.. " sambit niya sa pangalan ng binata ng mapadako ang tingin niya dito "Gash! mySugar sweetypie mabuti nalang at nagising kana sobra mo kaming pinag alala ng mga anak natin" saad ni Paulo at hinawakan nito sa magka bilang pisngi ang dalaga pagka tapos ay hinalikan nito sa Nuo. Mas lalo naman naguluhan si Anne dahil sa tinuran ng binata "anak natin? Sweetypie? anong pinag sasabi mo Paulo? " naka kunot nuong wika ng dalaga " my sugar sweetpie matagal kang na Comatose kaya sobra kaming nag alala ng isang dosena nating mga anak, ang akala namin ay hindi mona kami babalikan" ani Pa ni Paulo "Na Comatose ako? Isang dosenang mga anak? " naguguluhan paring wika ni Anne. Habang ang dalawang babae naman na kakapasok lamang ay nag pipigil lamang ang mga ito sa pag tawa. Habang si Paulo ay patuloy parin sa pag halik sa buong mukha ng Dalaga "Ano ba tumigil kanga! " saway ni Anne sa Binata "Doc totoo po ba iyon? Ano pong nangyare saakin at bakit ako na Comatose? Anong Year napo ba ngayon? " sunod sunod na tanong ni Anne. Ngunit natahimik lamang siya ng mapansin niya ang pag pipigil ng mga ito sa pag Tawa. Kaya dahil ruon ay naunawaan niyang pinag loloko lamang siya ni Paulo "bwisit ka muntik na akong maniwala " gigil na sabi ni Anne at pinag kukurot ang binata "Aray! Aray! Doc help aray tama na! MySugar Sweetypie" tumatawang saad ng binata habang patuloy parin ito sa pag daing dahil sa pang gigil ng dalagang kurutin siya //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD