"Ano na master tara na at maka pag simula na tayong mag Tanim ng palay! " wika ni Anne sa binata habang malawak ang pagkaka ngiti nito.
"I can't believe it " naiiling na wika naman ng binata. Habang naka tingin sa maliit na daan na kina tatayuan ng dalaga.
"Diyan tayo dadaan? Baka madulas ako ang laki ng paa ko at ang shoes ko! ----
"Hubarin mo kase ang sapatos mo at mag paa ka. tsaka natural lang na mag paa ka dahil mapuputikan Karin pati na ang malilinis at malalambot mong kamay ay hahawak sa putik kaya huwag napong maraming arte. dahil ito po ang ipinunta natin dito " saad ng dalaga sa tonong pang iinis.
"Oh master kaya Pa? " tanong ni Anne sa binata habang kasunod niya ito .
"Ewan ko sa-----Anne! " sigaw ni Paulo ng bigla itong madulas kaya napa higa ito sa putikan na tinataniman ng palay
Bigla naman napa tawa ng malakas si Anne dahil sa nangyare sa binata. Kasama narin ang mga mag sasakang nakakita sa kanila ay naki tawa narin. Kaya naman ay mas lalong nainis si Paulo.
"Aaarg puro putik na ako! " inis na turan ng binata at tumayo na mula sa pagkaka higa sa putikan
"Hahaha nahuli moba master? " tumatawang saad ni Anne
"Ang alin? " kunot nuong tanong naman ng binata
"Yung isda. Hahaha oh punasan moyang mukha mo" wika ng Dalaga sabay abot nito sa puting Face towel nito
Bigla ay may naisip namang kalokohan si Paulo ng makita niyang inilahad ng dalaga ang kamay nito.
"Aaay! " tili ng dalaga ng bigla itong hilain ni Paulo kaya mag kasabay silang natumba sa putikan
"Paulo! " naka busangot ang mukhang ani ni Anne at ng makita ni Paulo na akmang papaluin siya ng dalaga ay tumakbo ito. Kaya nag habulan ang dalawa
"Nako! Ang mga pananim! " malakas na sabi ng matandang lalaki
"Hoy mga bata kayo ang mga pananim huwag kayong mag habulan dito! " ani ng isa pang matanda at nang marinig iyon ng dalaga ay huminto ito. At nilingon ang dinaanan nila
"Paulo ang mga palay! " sigaw ni Anne dahil patuloy parin sa pag takbo ang binata at para itong batang nag iinjoy maki pag habulan sa palayan
Huminto naman ang binata at binelatan siya nito "bleeee ang huling maka rating ay siya ang mag lalaba "wika ng binata at nag patuloy ito sa pag takbo.
"Ang mga palay huwag mo tapakan" pahabol Pa ng dalaga.
Pagka tapos ng katuwaan ng dalawa ay bumalik na naman ang mga ito sa pag babangayan
"Isuot mona ito dahil mag tatanim na tayo " wika ng dalaga at tukoy nito sa damit na Long-sleeve na pang saka
"Ang dumi dumi niyan wala na bang ibang damit " sagot naman ng binata
"Huwag kana maarte. Mamaya ay darating ang mommy mo kaya isuot mona ito para madali tayong matapos sa pag tatanim " ani ng dalaga kahit hindi naman totoo na darating si Mrs Paulyn
"Tssk oo na Akin na" pag suko ni Paulo at naka ngiwi ang mukhang isinuot nalang ang damit.
"Good boy" naka ngiting sabi ng dalaga na ikina ismid naman ng binata kaya mas lalong napangiti ang dalaga
"Master mali yan! hindi ganiyan. Bakit ang dami niyan? Bawasan mo mga anim na dahon lang" saad ng dalaga nang mapansin nitong marami ang mga itinatanim ng binata.
Napa tingin naman si Paulo sa mga itinanim ng dalaga. "Ah ganiyan pala dapat konti lang" tumatangong wika ni Paulo
"Ayusin mo" saad ng dalaga
"Sorry naman ha! Madam Anne. Baguhan lang ako sa mga ganito at tsaka 'di ko ito Gawain no" sagot ni Paulo
"Pwes Gawain mona 'yan ngayon. dahil hindi tayo babalik ng maynila hanggat hindi ka natututo" sagot naman ng dalaga.
"Tsssk " asik lamang ng binata
"Ang bagal mo naman master, wala pang one-fourth 'Yang nagagawa mo"wika ng dalaga
" 'wag mo nga ako paki-alaman atupagin mo 'yang trabaho mo hindi ako ang tinitignan mo" sagot ng binata
"s**t ang init-init aarg hindi kona kaya! " wika ni Paulo at ibinagsak ang sarili sa taniman kaya nasira ang mga pananim na binag sakan nito.
"Senyorito Paulo. Senyorita Anne halina na kayo kain muna tayo! "Tawag ng isang may katandaang babae
"Tara na master kain na muna tayo" saad ng dalaga. kaya napa buntong hininga ang binata bago sumunod sa dalaga. Nag hugas muna sila ng kamay at hinubad muna ng binata ang suot nitong Maruming damit, kaya halos malaglag ang panga ni Anne dahil sa napaka gandang tanawin na kaniyang nakikita.
'Syete! Naman oh, anak ng tokwang! Bakit napaka hunk naman ng lalaking to. Peste walong pandisal' pag wawala ng isip ni Anne habang naka tulala parin naka tingin sa makisig na katawan ng binata
"Anne iha" ani ng matandang babaeng nasa tabi niya
"Ay Pandisal mo" gulat na turan ng dalaga, kaya lihim na napa ngisi si Paulo
.dahil kitang kita niya kung pano pag pantasyahan ng mga Mata ng dalaga ang kaniyang katawan.
"Anong pandisal iha? Walang pandisal dito iha. Kanin ang meron " wika ng matanda
"Ay o...oo nga po pala. Ah bakit po pala nay? "
"Pasuyo naman ng dalawang kalamansi iha. Malapit lang sayo eh hindi ko maabot" anito
Pagka tapos ibigay ni Anne ang dalawang kalamansi sa matanda ay binalingan na niya ang binata. Bigla ay napa kunot nuo siya dahil naka tingin lamang ito sa mga pagkain na naka latag sa lamesa
"Master may problema ba? " pag uusisa niya sa katahimikan ng binata
"Nothing. Hmmm walang spoon? Pa'no ako kakain? " ani ng binata
"Walang kutsara. Mag kakamay tayo, kailangan morin palang masanay kumain ng naka kamay. Dahil dito sa probinsya hindi uso ang kutsara lalo na't mga mag-sasaka ang mga kasabay mo kumain. Oh heto hugasan mo ang kamay mo"wika ng dalaga sabay abot ng isang maliit na palanggana na may lamang tubig.
"Seriously? Magkakamay tayo, e 'di ba nag tanim tayo? " ani ng binata at bakas sa mukha nito ang pag tataka at may halong pandidiri
"Yes master! Masarap kaya"sagot ng dalaga. Nandidiri naman tinignan ni Paulo ang dalaga at nilinga niya ang tingin sa mga kasama nilang kumakain na. At nakita nga niyang naka kamay lahat ng mga ito.
"Ano 'yan?" Turo ni Paulo sa parang dried fish at maliliit na kulay brown na buto.
"Tinapa at Monggo 'yan, masarap 'yan "wika ng dalaga sabay subo nito ng kanin na may monggo sa bibig ni Paulo
"Wala ba talagang kutsara o tinidor? " tanong ng binata habang nginunguya ang isinubo ng dalaga
'Aba't ang arte pala ng mokong!' Ani nito ng kalooban ng dalaga.
"Wala, wag ka ng maarte masarap yan tsaka huwag kanga mag salita kapag may laman yang bibig mo "
"Senyorito mamaya po may Kaunting salo-salo sa bahay, birthday kasi ng anak ko"wika ni manong Berting
"Sige po pupunta po kami" mabilis na sagot ng dalaga. Isa iyon sa mga naka sulat sa papel, dapat turuan maki salamuha o maki pag kapwa tao si Paulo
"Hey mag papahinga ako sa bahay pag uwi"bulong ng binata sa Dalaga
"Walang mag papahinga basta pupunta tayo." Balik bulong rin ng dalaga
"Oo na tsssk! " sagot ni Paulo at umismid Pa ito
"Bilisan mo Master marami pa tayong tatapusin "wika ng dalaga
"Tsssk whatever "sagot nito
Pagka tapos nilang kumain ay bumalik ulit sila sa pag tatanim, sobrang pagod na pagod na si Paulo at na nanakit narin ang kaniyang balakang. Pag sapit ng Alas singko ng hapon ay tsaka na lamang sila umuwi. Pagka rating nila ng bahay ay parang lantang gulay si Paulo ng mahiga ito ng kaniyang kama.
"Damn damn I'm Paulo Santiban the famous hot bachelor tapos isa na ngayong mag sasaka at under Pa ng maid Anak ng tipaklong nga naman oh" aniya habang naka tuon lamang ang tingin sa kisame.
Pagka tapos niyang mag pahinga ng isang minuto ay naligo narin siya nang matapos ay hinihintay niya lamang kung kailan siya kakatukin ng dalaga
Ala-sais ng gabi mahabang pahinga rin ang binigay ni Anne kay Paulo. Alam niyang sobrang napagod ito kaya hinayaan na lamang niya at hinintay na lamang niya mag alas-sais ng gabi nang sumapit ay tinungo na niya ang kuwarto ng binata upang gisingin ito kung sakaling natutulog ito.
"Kamahalan tara na po aalis na ho tayo" wika ng dalaga sabay katok ng Pinto. ilang Segundong pag hihintay sa labas ng Pinto ay bumukas rin ito at niluwa ang napaka guwapong binata.
Bigla ay parang nag slow-motion ang binata sa paningin ng dalaga.
'anak ng tokwang ang guwapo mo talaga impakto' tili ng kaniyang isip
"Oh isarado moyan baka mapasukan ng langaw" ani ng binata sabay hawak sa panga ng dalaga nang mapansin ito ni Paulo na naka nganga sa kaniya ay parang gusto niya itong halikan ngunit pinigil na lamang niya ang kaniyang sarili.
"Ang gwapo ko diba? " naka ngising ani ng binata at inilapit Pa nito ang mukha sa naka tulalang dalaga.
"Ay oo gwapo!....huh? Ano? Hindi hindi ah" wala sa sariling wika ng dalaga kaya mas lalong napa ngisi ang binata.
Ngunit bigla rin nawala ang ngisi na iyon ng mapansin nito ang suot ng dalaga. "Tomboy ka talaga! Bakit ganiyan ang suot mo? " naka ngiwing saad ng binata
"Bakit anong masama sa Suot ko tsaka hindi ako tomboy no. Sa ganda Kong to" sagot ng dalaga at namewang pa sa harapan ng binata
"Birthday yung pupuntahan natin Anne. Hindi training ng mga sundalo" wika ng binata at tinignan mula ulo hanggang paa ang dalaga.
Naka suot lamang ito ng T-shirt na ang desenyo ay pang military ganon rin ang maong nitong pantalon isama Pa ang sumbrero nitong kulay itim na patalikod. Kaya kung titignan ay para itong leader ng gang sa kanto
"Mag palit ka! " matigas na wika ni Paulo.
"Ayoko. Aalis na tayo " sagot ng dalaga
"Mag papalit ka o hindi na tayo pupunta? " ani ng binata
"Aarg bwisit! Oo na mag papalit na " pag suko ng dalaga. Lihim naman nag didiwang ang kalooban ni Paulo dahil naka one point siya.
"Oh ayus na ba to? Huwag kang hi-hindi dahil hiniram kulang ito kaya Madona. Tsssk wala akong damit pang babae 'diko hilig 'yun" saad ng dalaga.
Bigla ay napa lunok naman ng sariling laway ang binata dahil hindi niya inaakalang may tinatago palang ganda at kasexyhan ang babaeng tomboy na laging sumisira ng araw niya
"Masyadong maiksi wala na bang iba? " wika ni Paulo ng mapatingin siya sa makinis at maputing binti ng dalaga. Parang gusto niya tuloy mag sisi kung bakit pinag palit paniya ng suot ang dalaga. Masyadong hot ang dalaga sa kaniyang paningin dahil Sa suot nitong hapit na bistada na kulay puti.
"Babae ka pala" sambit ng binata
"Tanga! Ano akala mo saakin lalaki! " sagot ng dalaga
"Akala ko lalaking may letrang P" pilyong wika ng binata
"Anong P? " kunot nuong ani ng dalaga at ilang sigundong nag loading ang kaniyang isipan sa sinabi ng binata nang bigla niya itong maunawaan
"Bastos! Bastos ka talaga! " ani ng dalaga at pinag papalo ito sa Braso.
"Hahaha aray ano ba.. Hahahaha gets mona? " tumatawang saad ng binata habang namumula na ang magka bilang pisngi ng dalaga.
"Tara nanga nanga-ngamatis kana naman eh" naka ngiting wika ng Binata sabay hakbay sa dalaga
//continue