Chapter 12

1343 Words

"Kuya." Naalimpungatan ako sa pagtawag na iyon. Nagising rin ako sa pagyugyog sa balikat ko ngunit nanatili akong hindi kumikilos at nagkunwaring mahimbing pang natutulog. Pinakiramdaman ko na lamang ang bawat galaw ni Elias sa tabi ko. "Shhh, Elias. Hayaan mong makapagpahinga ang kuya Lorenzo mo. Pumasok ka na," mahinang saway naman ni Luna kay Elias na patuloy akong niyuyugyog sa balikat. "Magpapaalam lang po sana ako, Nay. Baka po kasi hanapin ako ni Kuya. Boring po kasi rito, wala siyang makakausap." "Uuwi ka naman mamaya..." "Hapon pa po iyon ng alas tres. Baka po umalis si Kuya na hindi nagpapaalam sa akin." Muli akong napapikit sa narinig ko mula kay Elias. Ramdam ko na gusto niya akong manatili. Samantalang naringgan ko ng malalim na buntong hininga si Luna. "Sige na. Hali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD