"Wah!!!" Napamulat ako at napabalikwas sa sigaw na narinig. Maging si Lorenzo na nasa tabi ko ay nagising sa sigaw na iyon. "Bakit...bakit?!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Elias. Nakabuka ang mga paa nito na nakatayo sa mismong nakahigang si Lorenzo. Palipat lipat ang tingin sa akin at sa lalaking hindi makahuma. "Anak, sandali magpapaliwanag ako," sabi kong namula yata bigla. Paano ay pinaningkitan ako ng anak ko ng mga mata. Parang tuloy ang dating, siya ang magulang at ako ang anak. "Nasasapak mo kasi ang kuya Lorenzo..." "Nay..." putol niya sa pagsasalitw ko. Hindi ako hinayaang matapos sa pagpapaliwanag. Ngayon ay nawala na ang paniningkit ng mga mata niya. Tila na ito namamangha. Si Lorenzo naman ay nanatiling hindi kumikilos dahil nga nasa mismong harapan niya na

