Chapter 4

1094 Words
Chapter 4 Lunch break at nasa canteen ako ngayon dito loob sa Company. Yes. Meron silang sariling canteen para sa mga employado ng kompanya. Hindi padin ako makaget over sa pinag-usapan kanina nila Sir Dashnell. Hindi ko alam pero bigla akong nasaktan ng sinabi ni Sir na hindi niya ako type. Bakit? Hindi ko din naman siya type ah! Huwag ka ngang ano, Flaire! Mas bet ko pa nga ang ugali ni Sir Fresh kumpara sa kaniya. After that scene, nagpaalam ako na aalis muna ako. Para ba akong nasaktan dun? Nakakaasar! Umirap ako sa kalawan at kumagat sa inorder kong burger. Mura naman iyong mga pagkain dito and may libre pang drinks. Sosyal. "Hi miss! Pwedeng maki-upo?" Ngiting tanong ng isang babae sa aking harapan. She's wearing the common uniform here in the company. Naka-pony tail iyong buhok niya at may makapal siyang red lipstick. Hmm. Maganda naman siya, I can say. "Sure." Ngiting ganti ko. Hanggang apat na capacity naman iyong table na naupuan ko ngayon kaya ayos lang. Besides, kailangan ko ding makipag-socialize sa ibang tao. Gain friends. "Borha nga pala pangalan ko! Ikaw?" Ngiting pakilala nito sa akin. Masiyahin siya ha? "Flaire." Ngiting sagot ko din. Hindi ba napupunit iyong labi niya kakangiti? Nahahawa tuloy ako sa kaniya. "Wow! Ang ganda naman ng name mo!" Tuwang sabi niya. Ilang taon na kaya siya?" 19 years old pa lang ako at 1 year na akong nagta-trabaho dito. You ba?" Tanong niya sabay kagay ng footlong na inorder niya. "Actually, kakasimula ko pa lang kahapon." Saad ko. "Oh? Galing. Anong posisyon mo? Designs? Accounts? Saan ka?" Tanong niya pa. "Secretary." Tipid kong sabi. Hindi pa talaga siguro ako kilala dito dahil hindi naman ako gumagala. This building is so big to be memorize! "Weh? Di nga?" Parang di naniniwalang tanong niya. "Oo nga." Tumawa pa ako pagkasabi. "Akala ko si Darlene iyong secretary ni Sir. Ikaw na pala?" Napapatanong na sabi niya sabay kagat ulit sa footlong. Ininom ko naman iyong blue na hawak ko. "Oo, eh. Nabigla din ako." I said, as a matter of fact. "Nung nakaraang linggo lang kasi si Darlene pa iyong secretary ni Sir. Nagdala pa nga kami ng files sa kaniya eh. Kaya nakakabigla lang. Sabi nga nila, six years na daw ata dito sa Darlene at talagang matagal na. Ex nga daw ni Sir iyon eh." Mahabang pagkwento ni Borha. Mukhang hindi naman kaagad nag-sink in sa utak ko iyong mga sinabi niya. She must be kidding. "Ay sorry ang dami kong nasabi. Haha! Hayaan mo na, maganda lang talaga ako." Nag-peace sign pa siya sa akin. Okay? "Naging sila ni Sir Dashnell?" Tanong ko. Hindi naman na siguro nakakapagtaka. Siguro maganda iyong Darlene. Sobrang gwapo naman talaga ni Sir at talagang kahit sino siguro ay mahuhulog sa kaniya. At baka nga lahat pinapatulan niya eh! Tiyaka, pakealam ko ba? Bakit parang ang affected ko naman masiyado. "Oo, eh. Iyon ang rumors. Tumagal daw ata sila ng taon. Di ako sure ha? Kekwento ko nga sa mga ka-office mates ko na ikaw na ang bagong secretary. Wala din kasi silang balita." Saad niya. "Ah sige." Sabi ko na lang. Tumingin ako sa relo ko. Hala. Tapos na pala iyong time ng break ko. Emeghed. "Ah Borha! Sige. Mauna na ako ha? Baka hinahanap na kasi ako ni Sir." Nakangiwing sabi ko sa kaniya. Tumayo ako at ganoon din siya. "Sige. Nice meeting you! Friend na tayo ha?" Saad niya sabay ngiti ng mapalad. "Oo ba." Ngiting sabi ko din at nagpaalam muli bago umalis. Habang nasa elevator, nakaramdam ako ng kaba. Kasi naman! Kuda ka ng kuda kanina, Flaire. Ayan tuloy, di mo na naman namalayan ang oras. Eh parang hindi mo kilala iyang boss mo. Tamang hinala. Nag-iimbento pa. Myghad. Nang makarating sa sixth floor ay lumabas na kaagad ako. Hindi padin mawala sa isipan ko iyong mga kwinento ni Borha kanina. Totoo kaya 'yun? Naging sila nung Darlene na 'yun? Gaano kaya sila katagal? Days? Weeks? Months? Years? Napairap na lang ako. Bakit ko ba iniisip 'yun?! Magtigil ka nga, Flaire! Nakasalubong ko si Ma'am Honda na nakataas na naman ang kilay sa akin. As always. "Lagot ka." Bulong niya pa bago pumasok sa elevator. Eh? Hala baka nagpunta siya kay Sir! Nagmadali na ako sa paglalakad at nang makarating sa tapat ng pintuan ng office, kumatok kaagad ako. "Come in." Baritinong boses na malamig ang sumalubong sa akin. Pero this time, I felt different. Parang may kakaiba sa boses niya. It made me feel uncomfortable. Galit ba siya? Nakaharap lang siya sa laptop niya. Napansin ko iyong cup ng coffee niya sa desk. Siya ba iyong nagtimpla nun? Nagpunta na lang ako sa desk ko at inayos iyong mga files and events at ang mga next meetings and schedules tutal mukhang wala naman siyang balak na pansinin ako. Sinuot ko iyong salamin ko bago humarap sa laptop ko. Rich. May sari-sarili kaming laptop dito. Provided. Napahinto ako sa pagtitingin ng mga files ng biglang tumunog iyong phone ko. Kinapa ko ito sa bulsa at kinuha. Sino naman 'to? Number lang iyong tumatawag at hindi naka-save sa contacts ko. Napatingin ako kay Sir at nakita kong napatingin din siya. Bumalik naman siya sa ginagawa niya ng makitang napatingin ako. Tumayo ako at sinagot iyong tawag. "Hello? Sino ito?" Agad kong tanong. "Hi Cashedy." Nanlaki ang mga mata ko. "Omayghad! Jake? Ikaw ba 'yan?" Nagulat na sabi ko. Alam kong siya iyon dahil kilala ko iyong boses niya. Pero paano niya nakuha 'yung number ko? "Haha. Ako nga. Kamusta ka na?" Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. Napatingin naman ako kay Sir ng bigla siyang tumikhim. Bigla naman akong kinabahan ng makita ang biglaang pagbago ng itsura. Lalong dumilim ang aura niya at halatang halata sa mukha niya ang galit. Nakita ko din iyong kamao niya na nakatikom. Napakalakas ba 'yung boses ko? Lalabas na nga muna ako. "Hello Cashedy? Nandiyan ka pa ba?" Nabalik lang ang isip ko sa phone ko ng nagsalita ulit si Jake. "Ah oo. Sorry. Okay lang naman ako. Ikaw ba?" Sabi ko at naglakad papunta sa pinto. "Okay lang din naman. Kita naman tayo?" Tanong nito. Napatawa naman ako. "Sige. Saan ba?" I said. Lalabas na sana ako ng may matitigas na braso ang pumigil sa akin. Maamoy ko pa lang ang pabango niya, alam kong siya na 'yun. "Cashedy?" Nahinto ako sa paghinga. "f*****g stop calling him or I will f**k you here right now. Damn choose." Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. @jynx19
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD