“KINAKABAHAN ako,” sabi niya kay Dominic nang papunta na sila sa bahay nito. Hawak ni Dominic ang kamay niya. Buhat kanina na bumaba sila sa tricycle at pumasok sa kanto ay hawak na siya nito. Hindi rin naman siya bumibitaw. Naramdaman niyang pinisil ni Dominic ang kamay niya. “Kakabahan ka para saan? Gustong-gusto kang makilala ng Inay ko. Nakilala mo naman ng Itay ko, hindi ba? Mabait siya. Mas lalo nang mabait ang inay ko.” Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Kitkat. Tinapik pa niya ng bahagya ang dibdib para mabawasan ang kanyang kaba. “Sabi ko sa iyo, huwag kang mag-expect, ha,” wika sa kanya ni Dominic. “Nakikita mo iyang hilera ng mga bahay na iyan, hindi naiiba ang amin sa ganyan.” Siniko niya ito. “Sabi ni Mommy, hindi naman iyong bahay ang pupuntahan kundi iyong namamaha

