Chapter 5
Sumikat ang araw sa umaga, at gaya ng dati, pumasok sa opisina ang aming CEO na masungit na naman. He had always this poker face. Ang kanyang boses ay malamig, at palagi siyang nagsasalita nang may awtoridad sa tuwing nag-uutos siya.
"Mukhang good mood ngayon si boss," bulong sa akin ni Melanie nang dumaan sa cubicle ko. Kalalabas lang niya galing sa opisina ni Iñigo.
Napakunot ang noo ko. "Huh? Parang gano'n pa rin naman, walang ipinagbago."
"Hindi, e! May kakaiba sa kanya ngayon. Hindi man lang niya ako sinigawan sa mali ko."
Napaarko ang kilay ko. "Baka naman kaunti lang ang mali mo para aksayahin ang oras sa sermon sa 'yo?"
"Hindi!" giit niya. "Napagpalit ko ang schedule niya kay Mr. Arevalo at Mr. Quintin. Tapos sabi niya, do things better next time."
Napalunok ako. Bigla akong dinaluyan ng kaba. "Who knows, baka sinusubukan niyang maging mabuting tao?"
"Nagkakamali ka," bulong niya at saka mas lumapit pa, "Baka may s*x life na ang boss natin!"
Humagikgik siya at mapaglarong kinurot ang balikat ko. Naaaliw ako sa pagtawa niya, kalaunan ay napaisip ako kung paano niya iyon nalaman? Ang lakas naman yata ng radar niya?
For some reason, may pakiramdam siyang walang s*x life ang boss namin dahil alam niya halos ang aktibidades nito. Umiikot lamang sa trabaho, meeting, at pag-uwi sa bahay ang oras niya. Wala siyang social life, maliban sa anibersaryo at mga party ng kumpanya.
"Sigurado ka?" si Geneva, lumapit at nakiusyo rin.
"I'm hundred percent sure. Hindi na virgin ang boss natin," bulong muli ni Melanie sa amin. Humagikgik siya.
"With whom?" Hindi napigilan ni Geneva ang kanyang pananabik.
"Aba'y ewan ko? Wala na akong alam tungkol sa kanya kapag umuuwi na siya," si Melanie, na sobrang daldal na ngayon.
Ayaw kong maging obvious, kaya I still act like my usual self. Kumalma ako at hindi nagpaapekto. "Huwag na nating pag-usapan ang s*x life niya. Tao pa rin siya, and we should respect his privacy," paalala ko sa kanila.
Now, the two playfully looked at me, wiggling their brows. Sinundot ako ni Geneva sa tagiliran, at umikot naman ang aking mga mata.
"Ikaw, ha? Baka may alam ka at hindi mo sinasabi sa amin. Tandaan mo, wala dapat sikreto sa pamilyang ito," pang-aasar ni Geneva.
Hindi ko pinansin ang komento niya. Hindi ako kailanman naging interesado sa personal na buhay ng aming boss. Tulad niya, pumapasok lang ako para magtrabaho at umuuwi para magpahinga. Wala akong pakialam sa tsismis dahil wala naman akong kikitain sa gano'n.
"Ah! Baka iyong babaeng nakita ko sa kuwarto ni Sir Iñigo noong minsang magkasakit siya!" si Melanie.
"Huh? May babae siya?" nagtagal ang tingin ni Geneva kay Melanie.
"Hindi! Painting lang 'yon... Sa pagkakaalam ko, dati iyong beauty queen. Hindi ko lang alam kung anong pangalan dahil hindi naman ako mahilig manood ng international pageant. Sayang lang sa oras," sagot niya.
Nagpatuloy ang kuwentuhan nila hanggang makarating kami sa cafeteria. Lunch time na, pero iyon pa rin ang topic nila.
"Maganda ba?" curious na tanong ni Geneva.
Napaisip saglit si Melanie. Patuloy ang pakikinig ko sa kanila. I still remember that woman in that painting. She won Binibining Pilipinas when I was in elementary school. I watched the pageant with my father. Isla Gabrielle Gomez was his bet because of her natural beauty. Para siyang diyosa na bumaba sa lupa noong rumarampa na siya. Sigawan ang mga tao nang i-anunsiyo ang pagkapanalo niya.
I also recall the question that was asked during the pageant. Isla said she will choose a strong career over a love life that bounced back when she got pregnant. Iniwan niya ang mundo ng pageantry para sa kanyang ipinagbubuntis. She received backlash from people who called her a slut and a hypocrite. Others called her a saint in disguise. Naalala ko pa ang galit ng tatay ko sa sobrang bilis ng mga tao na husgahan siya sa pagkakamali niya.
That was years ago, at kamakailan lang ay naulat naman ang pagkamatay ng asawa niya sa isang car accident.
"Maganda naman. Pero dati iyon, baka iba na ang itsura no'n ngayon. Hindi iyon active sa social media, kaya walang nakakaalam sa kasalukuyang itsura niya," si Melanie.
"Baka iyon ang usap-usapang matagal nang crush ng boss natin," ani Geneva.
"Tigilan n'yo na 'yan," puna ko sa kanila. "Kumain na lang tayo."
"Ano ka ba? Minsan na nga lang tayo makapag-usap ng ganito, e!" Tumawa si Geneva. "Maanong pagbigyan mo kami dahil ganito lang kami nakakaganti sa pang-aalipusta ni boss sa atin."
Habang nagsasalita siya, napunta ang mga mata ko sa automatic sliding door. Hindi sinasadya, may nakita akong taong pumasok sa cafeteria. Sa kabila ng likhang-ingay ng mga empleyadong nag-uusap, tila walang nakapansin sa kanyang pagpasok.
Tiningnan ko ang kabuuan niya. He's wearing a black polo shirt and khaki pants. But wait? Why are his polo shirt and khaki pants suddenly that tight for him? Hindi naman ganoon ka-tight ang damit niya kanina, a!
He was like an aesthetic model frequently seen in runway walks and male magazines. With an imposing width, his shoulders seamlessly narrowed towards his hips, drawing attention to the chiseled perfection of his legs. Makinis ang kutis at mapapansing may dugo siyang banyaga dahil sa kulay hazel na mga mata.
Nakilinya siya sa karamihan ng mga empleyadong pumipila sa food counter. Malaki nga lang ang agwat kung saan siya nakatayo mula sa pinakahuling tao sa pila, tila nandidiring dumikit sa kahit kanino. Wala pa ring nakakapansin sa kanya. He glanced at me for a brief moment. Nagtama ang paningin namin at tumikwas ang kilay ko. Nakipagtitigan ako sa kanya. Ngumisi siya at umiling, sabay taas-noong tumingin muli sa menu na nasa taas ng counter.
Muli akong tumingin sa dalawang walang tigil sa pag-uusap tungkol sa boss namin. Hindi napansin kung sino ang pumasok. Ipinagpatuloy ko ang pagkain.
Maya-maya pa, may sumigaw kasabay ng pagkalikha ng ingay ng kung ano man. "Sir! Pasensiya na po! Hindi ko po sinasadya!"
Marahas ang ginawa kong paglingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napatayo ako. Nakaluhod sa paanan ni Iñigo ang isang lalake, pinupulot ang ilang karneng nagkalat sa sahig.
Iñigo's lips were tight and compressed. Permanenteng nakakunot ang noong tumingin sa amin. Ang kanyang makapangyarihanng presensya ay naging dahilan upang maging tahimik ang paligid, kasabay ng nagbabadyang tensiyon sa hangin.
Iñigo's presence has always been this intimidating. Ako lang yata ang hindi natatakot sa itsura niya. Lumapit ako noong hinuhubad na ang sapatos niya.
"Impertinente! Kulang pa ang buong taong sahod mo sa halaga ng sapatos kong 'to! Itapon mo at asahang ikakaltas ko 'yan sa ilang buwang sahod mo!" His voice thundered inside the cafeteria. Ang mga kusinera ay napatigil sa gawain at nagyuko ng ulo.
"Nakakatakot talaga siyang magalit." Narinig kong bulong ng isa sa mga empleyado.
"Sinabi mo pa. Bakit kaya siya napadpad dito?" anas ng isa pang nadaanan ko.
Tuluyang natanggal ni Iñigo ang sapatos at sinalubong niya ang matiim kong titig sa kanya. Iniwan niya ang basang sapatos sa sahig. Nilagpasan niya ako ngunit bago pa man siya mawala sa paningin ko, humabol na ako.
"Alam kong galit ka dahil natapunan ng sabaw ang sapatos mo, pero hindi mo kailangang ipahiya ang lalaking iyon ng ganoon. May pakiramdam din siya, at nasasaktan," sigaw ko sa kanya.
Walang naglakas-loob na tumingin sa amin, habang nilalampasan namin sila.
Tumigil si Iñigo sa paglalakad at humarap sa akin. His face was unreadable, and for a moment, I thought he was going to lash out at me. Instead, he let out a sigh and ran his fingers through his hair.
"Hindi mo naiintindihan, Miss Dimagiba. Kailangang matuto ng leksyon ang taong iyon. That shoe is worth millions! It was a gift from my mother!" Sabi niya, bakas sa boses ang frustration.
"Then why leave it there and tell the employee to throw it away?"
"Useless na rin iyon! That is not washable!"
Pinagmasdan ko ang pagkadismaya ni Iñigo na unti-unting nauwi sa pagiging mahinahon makaraan ng ilang sandali. Bumaba ang tingin niya sa kanyang basang medyas at muling bumuntong-hininga.
"But it's frustrating, you know? People should be more careful around expensive things!"
Tumango ako bilang pag-unawa. "I get it, but you don't have to belittle someone just because of an accident. It's not his fault at all."
Hindi siya nakaimik, bumaling siya sa glass wall na cafeteria at pinagmasdan ang mga taong naroon. They went back to eating as if nothing had happened. Nakita ko namang nililinis ng empleyado ang nagkalat na sabaw sa sahig.
Tumingala ako kay Iñigo. "I know it's is frustrating, but I just want to say that Isla Gabrielle wouldn't want a person who is cold-hearted. She won't fall in love with a person like you, kung patuloy kang ganyan. Sa pagkakaalam ko, she always prefers someone who is kind-hearted and may compassion sa kapwa. Don't let a pair of shoes ruin that."
He looked down at me, and I noticed his hazel eyes were defeated. Napansin ko ang paglunok niya. Nag-iwas siya ng tingin. "You're right, I shouldn't have done that. I'll apologize to him later." Halos hindi niya maisatinig.
I smiled. I was able to help. Maybe there was hope for Iñigo after all. Baka may nalalabi pang kabaitan sa kanyang puso, nakatago lang.
I decided to secretly go back and look for the shoes when he went inside the elevator. Ngumiti ako sa kanya noong magsara iyon. Tulala siya, nakapamulsa, at nakatitig sa paa niya.
When I arrived at the cafeteria, I saw the shoes still sitting there, and I picked them up. As I was about to leave, I noticed the poor man whom Iñigo had publicly humiliated earlier. Mukha siyang malungkot at talunan, at hindi ko maiwasang maawa sa kanya.
Lumapit ako sa kanya. "I'm sorry, sa nangyari kanina."
Tumingin siya sa akin, yumuko. "Salamat, Miss. Dapat mas naging maingat ako. Kasalanan ko naman."
Umiling ako. "Hindi. Accidents do happen, and I'm sorry for what my boss did. Hindi ka niya dapat sinigawan ng gano'n."
Tumango ang lalaki, at nakita ko ang paghinga niya ng maluwag. Lumabas ako ng cafeteria, at dahil break time pa, lumabas ako ng building upang maghanap ng malapit na repair shop ng mga mamahaling sapatos. Buti na lang at may nakita akong malapit sa mall sa tabi ng company namin, at pinalinis ko iyon.
Good thing I had the company card on me. Iyon ang ginamit ko upang ipambayad sa magagastos para sa paglilinis. Hindi pala talaga biro ang halaga niyon! Halos umabot iyon ng sampung libo!
Kung tutuusin, puwede kong iwanan na lang ang sapatos at baliwalain, pero napakamahal no'n! Ilang simpleng bahay na ang maitatayo sa halagang iyon.
Nag-alangan pa ako kung kakatok o hindi sa opisina ni Iñigo noong makabalik na ngunit bumukas na iyon bago ko pa magawa.
"Good thing you're here now; I need you to come with me," aniya.
Ni-lock niya ang pinto ng kanyang opisina, at iminuwestra niyang sundan ko siya. Wala kaming imikan noong nasa elevator na kami ngunit ramdam ko ang bigat ng titig niya sa akin. Hindi ko maiwasang magtaas na naman ng kilay. Anong problema nito? Maayos naman siya kanina, a!
Nagkatinginan kami sa salamin. Umirap ako sa kanya, noong hindi ko na maarok ang titig niya.
"You're really that brave to roll your eyes on me now," he murmured, but I could still hear it. Dahil halos ilang inches lang ang layo namin ay amoy ko ang minty breath niya, pati na ang mamahaling pabango.
Napaatras tuloy ako. Kare-kare pa naman ang ulam kanina at nilantakan ko ang bagoong-alamang. Wala sa loob kong inamoy ang hininga ko. Hindi ko naiwasang mangasim ang mukha ko.
"What's wrong with you?" puna niya sa akin.
"Wala naman, Sir. Saan po pala tayo?"
Napansin ko ang pag-atras niya. Our skins brushed against each other, and I looked up at him. Gusto kong umabante at pindutin ang button ng lift ngunit bago pa ako humakbang ay hinawakan na niya ang aking siko.
"Sir! Huwag dito!" Tinampal ko ng marahan ang kamay niya, takot na baka biglang bumukas ang naturang lift.
"Remember we signed an agreement that we could do it whenever I want to. And we will do it here, Miss Dimagiba."
Umikot agad ang mga mata ko. "Ilugar mo 'yang kalibugan mo, sir. Hindi ka dating ganyan!"