Chapter 9 Very welcoming ang awra ni Donya Thylane pati ang pamilya niya noong pumasok na kami. Pero sa totoo lang, medyo kabado pa rin ako. Paano ba naman kasi? Parang gusto akong kulamin ni Senyora Aurora, ang lola ni Iñigo. She's sophisticated at her age. Tantiya ko, seventy pa lamang siya pero nagulat ako nang ibulong ng panganay na anak ni Sir Jacques na 92 na raw ito. Matalim ang tingin sa akin ng matanda. Ni halos ayaw kong humiwalay kay Iñigo sa sobrang awkward ng sitwasyon na 'to. I believe she has the idea that I am a former s*x guru, knowing that Donya Thylane told them that I was a good help to her marriage with Don Jackson. Bed-ridden na si Don Jackson noon at on the rocks na ang pagsasama nila. Doon ako pumasok sa eksena. Inirekomenda ako ng manager ng Aphrodite Guru kun

