Chapter 12 "Good morning, Sir!" Naagaw ang atensiyon ko sa mga boses na parating. Si Melanie, may bitbit na atache case at sa likod naman niya'y si Geneva. Sa pagpasok nila, napalapit ako lalo kay Iñigo. He is standing with the usual seriousness in his face, but when he gazes at me, may mapanukso na namang ngiti sa kanyang mga labi. I tried hard not to smack him in the face. Kay aga'y binubuwisit niya ako! Lumingon sa akin si Geneva. "Maayos na ba ang lagay ng lola mo?" tanong niya. "Okay na siya. Kailangan lang niya talagang mag-maintain ng gamot," mahina kong sagot. "Kung may maitutulong kami, huwag kang mahihiyang magsabi, ha?" "Oo nga. Kung hindi pa naikuwento ng janitor na nakasabayan ko sa jeep, hindi ko malalaman na may problema ka pala sa bahay niyo," si Melanie. Ala

